Love Me Instead
Chapter 1: The Chase
Grayson
"KUNG sinunod mo lang kasi sana 'yung payo ko sa'yo, 'di sana napasagot mo na si Elise."
Inalis ko ang pagkakaakbay ni Ben sa akin at sinamaan siya ng titig.
"Ayoko sa payo mo. Ipapahamak lang ako niyang sinasabi mo."
"Wala namang mawawala sa'yo eh. Ang kaso, huli ka na."
Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. Nagkibit balikat siya at itinuro 'yung lalaking naglalakad sa unahan namin.
Si Henry? Anong meron kay Henry?
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sinagot na ni Elise yung team captain natin. Better luck next time na lang, bro."
Nauna nang maglakad ang team namin sa basketball pero nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko. Pinagmasdan ko sila habang naglalakad sila papunta sa court na pagdadausan ng laro namin.
Napapikit ako sa inis.
Anak ka nga naman ng tinola, Ben! Ngayon mo pa sinabi 'yan kung kailan ngayon 'yung laro natin?! Paano ako makakapagfocus sa laro nito?!
Napailing na lamang ako habang naglakad muli patungo sa court.
"GO, RED ARCHERS! GO, RED ARCHERS!"
Isang nakabibinging tilian at sigawan ang bumungad sa amin sa unang pagtapak pa lang namin sa court. May hawak na tarpaulin at banner ang ilan sa mga schoolmates namin, karamihan sa kanila ay mga babae.
Tuwang-tuwa namang kumakaway si Ben sa tabi ko habang pasimpleng kumikindat sa ilang babaeng malapit sa kinaroroonan namin. Napailing na lamang ako.
"Kyaaah~ Pogi mo, Ben!"
"Mas dumadami na ang bilang ng fans club ko kaysa noon ah? Mukhang tama nga 'yung naririnig ko. Mas pumogi na talaga ako ngayon."
Hindi ko na lamang siya pinansin at nauna na ako sa kanyang maglakad patungo sa bench kung saan nakaupo rin 'yung team.
Sana lang makapuntos ako ngayon sa kabila ng masamang balitang narinig ko kay Ben.
"HENARES, ikaw na pumalit."
Tumango ako sa coach namin at patakbong nagtungo sa loob ng court. Ayusin mo ang laro mo, Grayson kung hindi sasapatusin kita!
"Kawawa ka naman, Henares. Wala ka palang binatbat kay Henry pagdating sa babae," natatawang pahayag ni Orlie, 'yung best friend ni Henry na kalaban namin.
YOU ARE READING
Love Me Instead
RomanceAs much as Grayson Henares wanted to just sleep in peace, he couldn't. Lalo na at umiiyak ang babaeng tumawag sa kanya nang madaling araw, sinasabing magpapakamatay raw ito kapag hindi siya pumunta. Feeling guilty with sincere conscience, he went t...