LMI# 3: THE TREAT

271 11 0
                                    

Love Me Instead

Chapter 3: The Treat

Grayson

"TIME'S UP. Pen's down and bring your exam sheet in front. Bring those papers to my table after a minute, Glenda," pagtukoy ng teacher namin sa class president ng room bago naglakad palabas ng room.

Napakamot muna ako sa ulo bago ibinaba ang hawak na ball pen.

"Pambihira. 'Di pa ako tapos eh," naiiritang bulong ko.

Hinayaan kong kunin ni Glenda ang papel sa harap ko.

"Anong number mo na ba?" biglang tanong ni Ben habang ipinapasa 'yung hawak niya sa unahan niya.

"Fifty eight."

"Pambihira naman, bro! Dalawang numero lang 'yung pinoproblema mo?! Ako nga nasa forty one pa lang eh!"

Pagod na sumandal na lang ako sa upuan ko at hindi na siya pinasin pa.

Bakit ba? Sayang din 'yun 'no! Malay mo tama pala sana sagot ko, 'di ba?

"Nga pala, bro..." Napakamot siya sa batok at tila guilty na umiiwas ng tingin sa akin. "Sorry, ah?"

"Ano na namang— Oo nga pala! Ibinuko mo na naman ako kay Vien, ah?! Langya ka talagang kaibigan!"

"Ginamitan na naman kasi ako ng alas ng kapatid mo eh! Bakit ba ang daming pamblackmail niyang kapatid mo?!" tugon niya habang nakahawak sa bibig na parang nakakaawa talaga ang lagay niya at napakatindi ng problema niya.

"Hindi ko nga rin alam, eh. Kanino kaya nagmana 'yun? Hindi naman blackmailer si Mama, lalo naman si Papa," bagot na sagot ko.

"Hindi kaya ampon iyon?"

"Loko ka!" natatawang saad ko.

Hindi ampon iyon. Parehas na parehas na nga niya si Mama kung magsalita. She's like a version 2.0 of Mom.

"Matanong nga kita, pre. Girlfriend mo ba 'yung babae sa convenience store? 'Wag ka mag-alala, hindi naman kita ibubuko. "

Napailing ako habang isinisilid ang mga gamit ko sa bag.

"Hindi ko nga kilala 'yun. Pagpunta ko nga sa convenience store, sabi niya hindi naman daw niya ako pinapunta. Sigurado ka ba talagang siya ang nagpapunta sa akin doon?"

"Sigurado ako. Bakit naman ako magsisinungaling sa'yo?"

"Oo nga naman. Hindi mo kayang magsinungaling pero kaya mo akong ilaglag. Diyan ka na nga!" Naiiling na lang ako na lumabas ng classroom.

Haay, sa wakas at tapos na finals. Makakahinga na ako ng maluwag!

"Saglit lang, bro! Hintayin mo ako!"

Napahinto ako nang mapansing nag-uusap sila Henry at Elise sa quadrangle sa baba. Nakangiti silang pareho sa isa't-isa habang nakaakbay pa si Henry dito. Napangiti ako nang mapait.

Bago niya sagutin si Henry, sinabi niyang gusto niya ako at sana raw ay hintayin ko siya hanggang sa maging handa na siya. Hinintay ko nga siya pero mukhang hindi na siya nakapaghintay nang mas nauna niyang sagutin si Henry kaysa sa akin.

Hindi ko alam kung anong mali sa akin at mas pinili niya si Henry. Dahil ba captain siya ng basketball team? Kung kailan naman handa na talaga akong magseryoso, anak ng tokwa naman.

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now