LOVE ME INSTEAD
Chapter 11: The Wish
Grayson
"SO WHAT are we going to talk about?" tanong ko nang hindi pa rin siya nagsalita at patuloy lang sa paglalakad palabas ng gate.
"You'll find out once we get there."
Nang mapansin kong lumagpas siya sa parking lot ay napahinto ako. Dala ko nga pala ang kotse ko, anong gagawin ko?
"Pandak, sandali lang!" Napahinto siya at nagtatakang napatingin sa akin. "Dala mo ba ang kotse mo?"
"I don't," umiiling na sagot niya at nagpatuloy muli sa paglalakad.
"Pandak, sandali!"
Naiinis na lumingon ulit siya at magkasalubong ang kilay na tiningnan ako.
"Kanina ka pa tawag nang tawag ng pandak diyan, ah?!"
Should I just say that I brought my car? Pero kapag sinabi ko, wala akong choice kung hindi ang pasakayin siya. Paano na ang one and only rule ko? I promised myself that I won't let anyone sit on my car except me.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.
Lumapit ako sa kanya at isinabit nang maayos ang bag sa balikat.
"Sa park," maikling sagot niya.
I sighed and grabbed her wrist. Hinila ko siya patungo sa parking lot.
"Hoy, kapre! Saan mo ba 'ko dadalhin? Kaya ko namang maglakad, bakit kailangan mo pa akong hilahin?!"
Nang marating namin 'yung kotse ko, binitawan ko ang kamay niya at naglakad patungo doon.
"K... Kotse mo iyan?" tila hindi makapaniwalang tanong niya.
Nakaawang ang bibig niya habang hinahawakan ang kotse ko. It's as if she's really amazed that I owned a car like this.
"Oo..."
"Dude, this is—" Namula siya at pasimpleng umubo bago umatras palayo sa kotse ko. "I mean... m... maganda naman."
Umikot ako patungo sa driver's seat at binuksan ang pinto. Nang mapansin kong nakatayo pa rin siya doon ay napahinto ako mula sa akmang pagpasok sa loob ng kotse.
"Ano pang hinihintay mo diyan? Bagong taon? Sumakay ka na!"
Sumakay ako matapos sabihin iyon at agad na binuhay ang makina ng kotse.
"Kapreng 'to, ba't ka galit diyan? Inaano ka ba..." rinig kong bulong niya.
Hindi ko siya pinansin at pinaandar na agad ang kotse nang maisara niya ito nang maayos.
I drove the car straight to the park. We were silent the whole ride and no one dared to speak up. When we finally reached the park, I parked my car on the designated parking area and hurriedly went out of the car.
Nauna ako sa kanya at agad na naupo sa isa sa mga bench. Pinagmasdan ko 'yung mga batang naglalaro sa playground 'di kalayuan. I sighed and leaned on the bench.
YOU ARE READING
Love Me Instead
RomanceAs much as Grayson Henares wanted to just sleep in peace, he couldn't. Lalo na at umiiyak ang babaeng tumawag sa kanya nang madaling araw, sinasabing magpapakamatay raw ito kapag hindi siya pumunta. Feeling guilty with sincere conscience, he went t...