LMI# 28: THE HEARTBREAK

74 3 0
                                    

Love Me Instead

Chapter 28: The Heartbreak

Grayson

"I NEED you to be home before your lola arrives, okay? She will get mad at you again so don't be late!" sigaw ni Mama habang abala sa pagsusuot ng damit kay Gelo.

"I won't, Ma." I kissed her cheek and walked to the kitchen to get a glass of water.

"Don't be late this time, Gray. Kilala mo naman 'yong lola mo. Magtatampo na naman 'yon sa'yo at iisiping kinakalimutan mo na siya," natatawang bilin na papa na nakaupo sa dining area habang abala sa pagbabasa sa hawak nitong folder.

"Alright. I'll try my best."

"Don't just try, anak. Just please... Do it! Kung ayaw mo pang umalis sa bansang 'to," tila frustrated na reklamo ni mama sa akin kaya napatawa tuloy ako nang mahina.


My Dad's mom, which is my lola, will visit us next next week and my parents were always warning me not to get late again. N'ong nakaraang taon kasi ay wala ako sa bahay n'ong dumating siya kaya nagtampo ito sa akin.

Pinagalitan nito ang nga magulang ko at sinabing masyado akong hinahayaan sa labas. Isasama raw ako nito sa England kung sakaling nagbubulakbol lang naman ako dito. At syempre ayoko rin namang mangyari iyon. Ayokong mag-aral sa ibang bansa.

"Okay, okay. I'll do it."

Nang makalabas na ako ng bahay ay diretso akong nagtungo sa garahe para kunin ang kotse ko. I started the engine and drove my way to Elise without realizing she just broke up with me yesterday.

Mariin akong napapikit nang makita ko si Elise na kalalabas lang ng kanilang bahay. Agad siyang napahinto nang makita ang kotse ko na dahan-dahang napaandar sa harap niya.

"I... I'm sorry, it totally slipped my mind that we... broke up yesterday." Mahina akong napasuntok sa manibela ng kotse ko nang nanatili lang siyang nakatingin sa akin. "Nakasanayan ko na yata ang sunduin ka sa umaga."

I sighed in relief when she burst out laughing while looking at me. Sumabay na lang ako sa pagtawa sa kanya habang naiiling na lang sa katangahan ko.

Masyado akong nagfocus sa pag-uwi ni lola na nawala sa isip kong hindi ko na nga pala kailangan sunduin si Elise kasi nakipagbreak na siya sa akin.

"Can I... give you a ride to school?" may pag-aalinlangang tanong ko.


She smiled and nodded her head. Whoo, she's not mad.

Tahimik lang kaming dalawa at walang nagsasalita sa amin. Gusto ko sana siyang tanungin kung kamusta na siya pero parang ang g*go ko naman kung tatanungin ko siya n'on.

Sino naman kasi ang magiging ayos kung galing ka sa break-up?

"Thank you, Gray," pahayag niya nang maipark ko ang kotse at makarating kami sa loob ng school.

Bubuksan na sana niya ang pinto nang pigilan ko siya.

"I know I'm an assh*le for doing this, Elise, but I still want you to have this." Kinuha ko ang kwintas na may pendant na letter P sa maliit na compartment ng kotse at inabot iyon sa kanya.

She was hesitant in getting the necklace back or not but decided to accept it when I insisted.

"You know, the P actually stands for Princess not Pizza." I chuckled when she looked totally confused. "I'm not joking."

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now