LMI# 32: THE LETTER

68 2 0
                                    

Love Me Instead

Chapter 32: The Letter

Grayson

"GRAY! ARE you going home already?"

Napatigil ako sa paglalakad at lumingon kay Ben na humahangos pa. Hinawakan niya ang balikat ko at agad akong inakbayan para igiya pabalik ng school.

"Wala na rin naman akong ibang gagawin pa kaya uuwi na ako."

"Hinihintay ka ng tropa sa quadrangle malapit sa mga food stall. Ako pa nga ang nautusan para hanapin ka, e."

Lihim akong napabuntong-hininga at nagpatangay na lamang sa kanya. Kahit naman humindi ako ay pipilitin pa rin ako ni Ben. Masasayang lang ang oras at lakas ko 'pag nagpumiglas pa ako.

"Nga pala, ano 'yong kinanta mo kanina? Parang pangbroken ampota. Broken ka ba?" Inalis ko ang pagkaka-akbay niya at binilisan ang lakad patungong quadrangle.

"Broken? G*go ka ba? Henares ang isang 'to. Walang babae ang makakapanakit sa akin kasi ako mismo ang nananakit ng damdamin ng mga babae."

Nanatili siyang walang imik at tila pinagmamasdan lamang ang mga kilos ko. Hindi ako nakatiis at napalingon sa kanya dahil sa kakaibang kilos niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Hindi ka talaga marunong magsinungaling."

"Ano?"

"Wala. Tara na, kanina pa sila naghihintay." Dire-diretso siyang nagtungo sa lamesa kung saan nakapwesto ang basketball team.

"Finally! Nandito na pala singer nating Captain, e!" pambungad na asar ni Enzo sa akin nang makalapit kami.

"Hindi lang si Gray 'yong singer, hoy. Kumanta rin ako kanina, aba!" pagsingit ni Drake.

"Ay, kumanta ka ba kanina? Hindi namin napansin, e," natatawang sagot ni Enzo sa kanya kaya nagtawanan na rin kami.

"Teka si Henry, o! Henry!" Nakangiting kinawayan ni Dylan si Henry at tinawag palapit sa amin.

Napahinto si Henry sa paglalakad at napatingin sa gawi namin. Kasama nito si Orlie at 'yong isa pang lalaki na, kung tama ang pagkakatanda ko, Peterson ang pangalan.

"Bakit mo tinawag?" rinig kong bulong ni Drake kay Dylan.

"Hindi, ayos lang 'yon," pagsabat ko habang hindi inaalis ang tingin kay Henry na naglalakad ngayon patungo sa pwesto namin. "Pupunta kami ng club ngayon para icelebrate ang debut ni Drake bilang singer."

"Teka, ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Drake pero binalewala ko lang kahit rinig ko ang paghahagikhikan ng mga tukmol sa likuran ko.

"Drinks are on me. Wanna join us?" I asked without blinking my eye at him.

Love Me InsteadWhere stories live. Discover now