Warning: Trigger Violence
Love Me Instead
Last Chapter : The End of something
Grayson
"LOKO KA! Ang sabi mo walang practice kasi may sakit si coach!" naiinis na sigaw ni Ben kay Drake nang makasalubong namin siya sa hallway.
"Aray! Bakit naman may kasama pang pagbatok?!"
"Nakita ako ni coach kahapon sa restaurant kasama 'yong ka-date ko. Napahiya na nga ako, parurusahan pa tuloy ako sa susunod na practice. Pambihirang buhay 'to."
Isang nakakalokong tawa lang ang tugon ni Drake kay Ben kaya napailing na lamang ako. Kahit kailan, hindi na nagbago ang dalawang 'to.
"Kakadismiss niyo lang, Drake?" tanong ko nang tumigil na silang dalawa sa pag-aasaran.
"Yes, Cap. Maaga rin kayong dinismiss ng prof niyo?"
"Oo, bakit? May angal ka?! Ano, palag?" singit ni Ben kaya nagwrestling na naman ang dalawang tukmol na iyon.
Balak ko sana silang awatin pero napatigil ako nang makitang naglalakad 'yong pamilyar na babae sa pwesto namin.
Wait... Is that Camille?
"Drake!"
Natigilan ang dalawa sa kanilang ginagawa at agad na napatingin kay Camille na medyo humahangos pa nang tuluyan siyang makalapit.
"Camille!" Drake said in a surprising manner.
"We need to talk," maikli pero tila maotoridad na pahayag nito bago naglakad palayo.
"You're close with her? Since when?" gulat na tanong ni Ben kay Drake dahilan para mapangiti ito.
"Of course, I'm close with her. I'm close with almost everyone in school!" sagot nito.
"Gag*, 'yong totoo. Kapatid ni Henry 'yang tinutukoy mo, Drake. Hinay-hinay ka naman."
"Don't worry about it. It's nothing serious anyway."
"Is everything alright between you two?" tanong ko dahil tila kakaiba ang pakiramdam ko sa dalawang iyon.
"No need to worry about me, Cap. If she decided to call it off, I still have plenty of girls around me. Hindi naman ako mauubusan," natatawang sagot niya pero tila iba naman ang sinasabi ng mga mata niya. "Anyway, mauna na muna ako. Maiwan ko na kayong dalawa!"
He quickly fled off without even trying to explain. Well, it's not his obligation but he should at least informed us. We're friends after all and we're worried about each other.
"You think he's alright?" Ben asked after a while.
"I don't know. He's not telling us anything anyway."
YOU ARE READING
Love Me Instead
RomanceAs much as Grayson Henares wanted to just sleep in peace, he couldn't. Lalo na at umiiyak ang babaeng tumawag sa kanya nang madaling araw, sinasabing magpapakamatay raw ito kapag hindi siya pumunta. Feeling guilty with sincere conscience, he went t...