Ano nga bang pipiliin?
Yung bituin o yung mundo
Yung matagal ko ng pinapangarap
O yung matagal ko ng hinahanap
Ano nga mas matimbang
Yung pintig ng utak
O yung puso mong pumuputak?
Nagtatalo-talo na ang aking puso't isipan
Yung dating kalmadong ako
Biglang naging magulo
Nagulumihan
Umikot bigla lahat ng naayon sa plano
Simula ng makilala ko
Ang isang simpleng taong kagaya mo
Hindi ko tiyak ano nga bang meron ka
At sa tuwing nakikita kita
Lungkot ko'y naglalaho na
Biglang sumasaya
Napapatalon sa tuwa
Sinubukan kong pigilan
Ang kung ano mang nararamdaman
Kasi hindi pwede
Kasi hindi dapat
At hindi nararapat
Hindi dahil sa hindi kita gusto
Kung hindi magiging sagabal ka lamang
Sa pagsakatuparan ng aking plano
Oo, selfish na ako
Nais kong mas gamitin yung aking isipan
Kasi baka hindi totoo lahat ng pinapakita mo
Hindi ako sigurado sa kung anong meron tayo
Ang hirap lang sumugal
Sa mga taong hindi ka naman sigurado
Sa sobrang competitive ko
Takot kasi ako matalo
Kaya lalaban lamang ako dun sa alam kung sigurado ang panalo
Kaya mas pipiliin ko yung pangarap ko
Kaysa sayo, kaysa sa anong meron tayo?
Oh, meron nga ba talaga?
Kasi ako sigurado akong gusto kita
Hindi ko lang pinapahalata
Baka kasi ako lang yung madehado
Sa digmaan ng mga puso
Kaya pipiliin ko ng tahakin
Yung hakbang patungon sa aking bituin
Kasi sa larangan ito
Siguradong dito ako magaling
Kaya habang kinakaya pa
Habang di pa ko tuluyang nahuhulog
Habang mas oras pa tumakbo
Iiwasan na kita
Para sa ikabubuti nating dalawa
Dalangin ko pa rin yung tagumpay mo
At mananatili akong tagahanga mo kahit malayo
Patuloy akong naniniwala sa mga katagang "kung tayo nga, pagtatagpuin tayo sa dulo"
Pero sa ngayon
Paalam, hanggang sa muling pagkikita
Baon ko ang tamis ng mga ngiti mo
At ang saya nung mga panahong tayo ay magkasama
Paalam, pinipili ko muna ang aking karera.
BINABASA MO ANG
Love Confessions
PoetryMga tula patungkol sa Pag ibig maraming beses man tayong masaktan , hindi kailanman titigil tumibok ang pusong luhaan. Patuloy itong magsusumamo sa pag ibig. Hindi kailanman susuko hanggang sa matagpuan ang walang kapares na...