beep...beep...beeep...Sa bawat tunog, agad napupukaw ang damdamin. Sabawat pitik ng mga daliri ko sa bawat letra ng keypad para masagot ang padala mong mensahe ay unti-unting [agkabig ng puso ko. Hindi pa kita kailanman nakikita. Lumikha ako ng wangis mo base sa paglalarawan ng malikot kong imahinasyon. pero hindi ko ito alintana. Tatanggapin kita kahit ano at sino ka pa man. Mas mahalaga ang tinitibok ng puso kaysa sa nakikita ng mata. Husgahan man nila ako, okay lang dahil hindi ka nila kilala at wala silang alam sa istorya nating dalawa. kuntento ako sa kung ano man ang meron tayo basta ang alam ko masaya ako sa piling mo. Mababaw man sa paningin ng iba pero nakabaun ka na sa aking puso,aking mahal.
nasasabik ako na dumating ang tamang panahonma tay ay magtatagpo. Hayaan na lamang natin magpasya ang tadhana. 😍
BINABASA MO ANG
Love Confessions
PoetryMga tula patungkol sa Pag ibig maraming beses man tayong masaktan , hindi kailanman titigil tumibok ang pusong luhaan. Patuloy itong magsusumamo sa pag ibig. Hindi kailanman susuko hanggang sa matagpuan ang walang kapares na...