kailan nga ba malilimot?
Yung hapdi sa bawat sakit
May pait sa bawat kirot
Kailan titigil ang ulan
Sa pagdaloy sa king mga pisngi
Walang tigil sa paghikbi
Sa pagsapit ng gabi
Hanggang Kailan?
Hindi ko alam
.........................................................
Ang mga alaala mo
Ang bangungot sa kasalukuyan ko
Paano ako makakalimot
Kung lahat ng bagay
May kinalaman sayo, sa Atin?
Sampung taon!
Pinuno mo ng saya
Pinuno mo ng ngiti
Binusog ako ng wagas mong pagmamahal
Sobra sobra yung saya ko
Nung Kasama kita
Kaya sobra din ako nasasaktan
Nung oras na nawala ka
Ang dami kong bakit
Ang dami kong paano
Pero iisa lang ang sigurado
Wala ka na
Paano ko na itutuloy ang pagguhit
Kung wala na yung magbibigay ng kulay
Ikaw kasi ang buhay ko
Yung mundo na bumubuo sa pagkatao ko
Paano pa nga ba magpapatuloy
Kung sa puso ko Hindi ka na dumadaloy
Sa bawat lipat ko ng pahina
Ay tuluyan na akong nanghina
Bakit ikaw pa
Bakit sayo pa
Kung pwede lang sana
Baka kaya pa ibalik
Yung huling oras na tayo'y magkasama
Sana hindi na kita binitawan
Sana ikaw ay aking pinigilan
Sana kinulong nalang kita sa mga yakap ko
Sa bawat bulong ko ng sana
Ay dalangin na sana buhay ka pa
Kung Hindi ka naaksidente
Sa araw na sinagaw mo sa madla
"Mahal kita"
Sabay ng pagluhod mo
At pag abot ng singsing
Na 'sing kinang ng mga mata mo
Sobra mo ako pinasaya ng araw na yun
Pero Mahal, yun din ang araw na nawasak yung puso ko
Bakit mo ko iniwan
Hindi ba sabi mo
Tayo hanggang sa walang hanggan
Pero yun pala hanggang dito Ka nalang
Hindi Man lang ako nakapagpaalam
Ni Hindi ko nasabing Mahal din kita
Sana kasi Hindi ko na sinabing
hindi pa ako handa
Sana di ko nalang sinabi
Na hintayin mo ko
Aabutin ko lang yung pangarap ko
Sana nung araw na yun
Hindi ko na binalik ang singsing
Sana... Hanggang sana na lamang
Ang tanging sambit
Nitong bibig kong namimilipit
Sa sobrang sakit
Mahal kita
Sana nasabi at naparamdam ko sa'yo nung buhay ka pa.............................................................
Marahil, di ko pa din alam
Kung paano nga ba
Malilimot yung taong
Minahal ko
At minahal din ako
Paano? Di ko alam
Marahil, oras na lamang
Makakapagdikta
Ng pagbuo ng puso Kong durog na
Marahil oras ang makakapagdikta
Kung kailan ngingiti muli ang puso kasabay ng labi
Marahil oras ang makakapagdikta
Sa muli kong pagguhit
At muling pagsulat ng bawat pahina
Dahil Balang araw
Alam kong makakayanan ko rin
Bukas makalawa
Magiging isa Ka ng masayang
Alaala
Kailanman patuloy ka pa ring mananatili
Sa puso at isipan ko
Pero sa muling paghilom nitong pusong sugatan
Nais kong sabihin
Patawad
Salamat
Mahal kita
paalam aking Sinta.
BINABASA MO ANG
Love Confessions
PoetryMga tula patungkol sa Pag ibig maraming beses man tayong masaktan , hindi kailanman titigil tumibok ang pusong luhaan. Patuloy itong magsusumamo sa pag ibig. Hindi kailanman susuko hanggang sa matagpuan ang walang kapares na...