Kinalimutan o nakalimot
Sinadya o di sinadya
Minahal o mahal nga ba?
Mahalaga o importante
Kinailangan o kailangan
Saan nga ba papunta?
Pwede na bang pumara na
Kasi parang dead end na to
Naliligaw na ata ako ah
Paano ba?
Di ko na alam pabalik
Pwede bang bumalik sa dating ako
Noong di pa nakilala
Mas sinunod ko kasi
Ang kabig ng puso ko
Kaysa sa tinutulak ng isip ko
Ang weird di ba?
Nagugulumihan ako
Yung parang busog ka na pero biglang gutom ka na pala
Yung umaga na parang gabi
Di ba ang labo na
Di mo naman kasi kailangan pumili
Kung siya o ako
Dahil ako na ang aalis
Para sa ikakasaya niyo
Mas nanaiisin ko na lamang
Na masaya ka kasama niya
Kaysa nasa akin ka nga
Pero di ka naman maligaya
Kasi naman bakit nga ba
Yung ginusto ko pang mahalin
Di naman mapapasaakin
Pero pinagpatuloy ko pa rin
Kahit meron na nag aangkin
Kasi umasa ako eh
Tumaya ako sa mga katagang
"I love you"
Pero pansamantalaang pala
Kasi mahal mo lang ako
Dahil kailangan mo ako
Mahalaga lang ako pero di mo ako minahal
Ang bilis mo nga makalimot
Sa mga binatawan mong salita
"hintayin mo ako, babalikan kita"
Hinintay kita eh
peep Masyado akong nagpadala
Sa kung anong meron tayo
O ang tanong meron nga bang tayo
Eh hindi mo nga ako mapakilala sa nanay at tatay mo
Hintay ako ng hintay
Naging sabaw na nga yung lugaw
Pero walang bumalik na ikaw
Kaya tuluyan na akong bumitaw
At bigla ko kayong natanaw
Sa hindi kalayuan
Ang saya mo,ang saya niyo
yung mga ngiti na di ko nasilayan nung kasama mo ako
Bakit sinabi mo pa na nagugulumihanan ka
Eh sa ningning ng mata mo
Siguradong-sigurado ka na sa kanya
Wala ka ngang bahid ng alinlangan
Sa pag-abot mo sa kanya ng singsing
Sana, sinabi mo nalang
Para di na ako umasa pa
Kung bukas makalawa
Ikakasal ka na pala
Pero kakayanin ko to
Dahil alam ko
Bukas makalawa
Makakalimutan kita
Bukas makalawa
Hindi na kita iiyakan
Bukas makalawa
Ako ay magiging masaya
Bukas makalawa
........................................................
Kaya paalam sinta
Hanggang sa muli nating pagkikita
Bukas makalawaP.S: hugot lang wag niyo na lagyan ng kulay. Artistry at its finest dude!
BINABASA MO ANG
Love Confessions
ŞiirMga tula patungkol sa Pag ibig maraming beses man tayong masaktan , hindi kailanman titigil tumibok ang pusong luhaan. Patuloy itong magsusumamo sa pag ibig. Hindi kailanman susuko hanggang sa matagpuan ang walang kapares na...