"nasaktan ka lang"

0 0 0
                                    


Nasaktan ka
Dahil minahal mo
At Minahal ka
Nasaktan ka
Dahil umasa ka
Nasaktan ka
Dahil nag effort ka
Nag invest ka ng time
Nasaktan ka
Dahil nagtiis ka
At nagsakripisyo
Nasaktan ka
Dahil binalewala ka niya
Kahit na binuhusan mo ng atensyon mo
Nasaktan ka
Dahil nakalimutan ka
At sadyang kinalimutan
Nasaktan ka
Dahil nasanay kang andyan siya
Nasaktan ka
Dahil binigay mo ang lahat
Nasaktan ka
Dahil hindi niya nasuklian
Kung ano man ang naibigay mo
Nasasaktan ka at patuloy na masasaktan
Kung patuloy kang maniniwalang
Babalik at babalikan ka
Dahil kung sayo siya
Una palang di ka ba dapat iniwan
Una palang di ka niya binitawan
Kahit ang hirap
Kahit nakakasawa
Kahit nakakapagod
Kahit ang kulit mo
Kahit na paulit ulit nalang
Yung nga bangayan
Yung nga tampuhan
Una palang ikaw lang dapat
Walang ng iba pa
Una palang wala ng what if's
May be's, how's and why's
Pero dahil nasaktan ka na
Iiyak mo lang kung kinakailangan
Isigaw
Ikwento
Ipagpray mo kay Lord
Wag idaan sa alak ang sama ng loob
Kailaman hindi ito naging sagot
Lalo ka lang masasaktan
Kung patuloy kang magbabalik tanaw
Sa mga bagay na wala ng halaga
Sa mga taong isa na lamang alaala
Huwag mong burahin
Matuto kang gamitin ang sakit
Para itama ang mali mo
Balang araw
Masasabi mo sa sarili mong
Nasaktan mo lang ako
Pero hindi mo ako nasira
At kailanman
Hindi mo ako madudurog
Bumangon ka
Para sa nagliliwanag na bukas.

Love Confessions Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon