"Hindi lang ikaw"

0 0 0
                                    


Hindi lang ikaw
Yung iniwan
Hindiang ikaw
Yung nasasaktan
Yung nahihirapan
Yung napapagod
Hindi lang ikaw
Yung gusto ng sumuko
Yung nawawalan na ng pag-asa
Hindi lang ikaw
Yung lumalaban at patuloy na lalaban
Para sa sarili
Para sa pamilya
Para sa kaibigan
At para kay Lord
Hindi lang ikaw
Yung bumabangon araw-araw
Hinahanap kung anong purpose
Kung bakit nabubuhay sya sa mundo
Hindi lang ikaw
Yung nagigising ng 3 am
Humahagolgol sa iyak
Dahil sa sakit
Hindi lang ikaw
Yung nasusugatan
Hindi lang ikaw
Yung nawawalan
Hindi lang ikaw
Yung may ayaw sa kanya
Yung ayaw sa ampalaya
Yung takot sa kulog at kidlat
Hindi lang ikaw
yung nagmamahal
At minamahal
Hindi lang ikaw
Yung kinikilig
Hindi lang ikaw
Yung umiiyak
Kahit ang babaw naman
Hindi lang ikaw
Yung ipinagpalit
Hindi lang ikaw
Yung feeling na nag iisa
Hindi lang ikaw
yung nakikibaka sa buhay araw-araw
Hindi lang ikaw
Yung hindi nasuklian
Dahil buo ang binigay mo
Hindi lang ikaw
Yung nababasa sa ulan
At nasisikatan ng araw
Hindi lang ikaw
Yung nauuhaw at nagugutom
Hindi lang ikaw
Yung ilang beses na nadapa
Ilang beses na nagkamali
Ilang beses na nahulog
Sa kumunoy ng kasalanan
Hindi lang ikaw
Yung nangangarap na umasenso
Hindi lang ikaw
Yung nag iisang tao sa mundo
Hindi mo kailangan mag isa
Dahil laging andyan si Lord
Hindi mo kailangan
Pasanin lahat ng bigat
Lahat ng sakit
Kung kaya mo naman i-let go
Kung kaya muna namang umayaw
Pag sumusobra na
Kung pwede ka namang magpahinga
Dahil deserve mo maging masaya
Dahil deserve mo yung the best
Kaya wag kaawaan ang sarili
(worth it ka)
Bagkus tulungan mo
Makakaahon ka
Makakabawi
Bukas,makalawa
Magpapasalamat ka sa sakit
Dahil sa kanila naging mas matatag ka
Naging mas matapang
Ikaw at ikaw lang din
Ang artista sa bawat eksena ng istorya ng buhay mo
Kaya hayaan mo ang ating direktor
Ang siyang gumabay sayo.

Love Confessions Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon