“NAY”
Siyam na buwan
Inaakay akay ka niya
Sa kanyang sinapupunan
Suka,hilo at pagcacrrave ng kung ano-ano
Hindi niya alintana
Lahat ng pahirap at pasakit
Sa pagdadalang tao niya sayo
Dahil sa dulo ng lahat kirot at sakit
Sa bawat aray
Sa bawat sigaw
Hindi nito mapapantayan yung saya
Ang saya ng unang beses ka niyang Makita
Walang pangsidlan ng ngiti ang kanyang mga labi
Namumugtong mga mata
Habang kinakarga karga ka sa mga balikat niya
Minahal ka niya nung hindi ka pa nya nakikita
Pero mas lalo ka niyang minahal
Sa bawat araw na lumipas
Ang yung mga ngiti
Ang unang gapang
Ang unang pagtayo
Ang iyong unang hakbang
Ang unang pagdapa
Ang unang pagtakbo
Andyan siya nung mga oras nay un
Handang umaalalay
Handang gumabay
Nagpupuyat sa pagbantay sayo
Walang lamok ang makakadapo
Sa mga balat mo
Masiguradong mahimbing ang tulog mo
Paliliguan, pakakainin ipagtitimpla ng gatas mo
Hindi niya alitana ang maghanapong pagod sa trabaho
Dahil patuloy siyang maglalaan ng oras sayo
Siya ang iyong doctor sa tuwing maysakit
Ang iyong unang guro
Ang iyong unang kaibigan
Ang unang taong nagtiwala sayo
ang iyong unang fan
ang unang nagmahal sayo
at unang taong tumanggap sa kung ano at sino ka
At sa iyong paglaki
Andyan pa rin siya sa iyong tabi
Laging nakaalalay sa bawat pagdapa mo
Handang punasan ang bawat luha pumapatak
Hinding hindi siya magsasawang pangaralan ka
Pagagalitan ka sa iyong mga maling ginawa
Maging sirang plaka man siya sa iyong paningin
Pero pagdating ng araw sasambitin mo rin
“miss ko na si nanay”
“Tama si nanay”
“dapat nakinig ako sa kanya”
Dahil walang sinuman sa mundo
Ang makakapantay sa pagmamahal ng isang ina
Walang makakasukat na kahit anong man yaman
Sa halaga niya
Dahil hindi niya iindahin kung mawalan man siya
Basta masiguradong hindi magugutom o masasaktan
Ang mga anak niya
Dahil sa iyong pagkalugmok
Puso niya’y nadudurog
Kaya habang may pagkakataon ka pa
Habang may oras pa
Huwag mong sayangin iparamdam
Sa kanya
Kung gaano mo siya mahal
Kung gaano siya kahalaga
At kung ano man ang marating mo
Ksama mo sa siya sa tagumpay nay an
Kung saan at kung ano man ngayon
Yan ay dahil sa kug anong nanay ang mayroon ka
Maraming kang mamahalin at magmamahal sayo
Sa paglipas ng mga taon
Pero lagi mo pa rin hahanap-hanapin
Yung kalinga at pagmamahal ng isang ina
Kaya mahal naming Ina,Inay,nanay,Inang,mama,mommy
Isang masayang pagbati sa araw ninyo!Happy mothers day to allow nanays And to your nanay.
BINABASA MO ANG
Love Confessions
PoetryMga tula patungkol sa Pag ibig maraming beses man tayong masaktan , hindi kailanman titigil tumibok ang pusong luhaan. Patuloy itong magsusumamo sa pag ibig. Hindi kailanman susuko hanggang sa matagpuan ang walang kapares na...