" Unang sabak "

0 0 0
                                    


Hawak ko ang iyong kamay
Sa aking unang hakbang
Patungo sa pagkatuto
Baun ko ang mga aral mo
Mga paulit ulit na paalala
Gigisingin ako sa umaga
Ihahatid sa eskwela
Lagi mong sasabihin
"mag-aral ng mabuti
Makinig sa guro at
Huwag magkukulit"
Ikaw ang aking gabay
Lagi kayong maasahang tunay
Kailanman lubos ko pasasalamatan
Ang pag-akay mo sa akin sa karunungan
Wala man tayong kayamanan
Na maipagmamalaki
Sa pagmamahal nyo ako'y busog
Kahit na maghapon kayong pagod
Sa kakakayod para sa aking pag-aaral
Balang araw Ina
Alam kong ako'y iyong ikararangal
Pero sa ngayon
Nanamnamin ko muna
Ang aking unang sabak
Unang tuklas
Na kasama kayo.

Love Confessions Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon