CRUSHing on YOU

7 0 0
                                    

Crush kita
Crush mo iba
Sa tuwing tinitingnan kita
Mga mata mo sa kanya
Ano ba mayroon siya
Gusto ko sanang ilista
Baka sakali lang
Ako naman ay iyong makita
Hindi ko kaya sabihin
Pero susubukan ko pa rin
Kaya dinadaan ko na lamang sa ligaw tingin
Pero kahit na sa harap mo ako ay tatumbling
Wa epek bes
Kasi sa mundo mo
Ako ay unseen
Ano pa ba?
Lahat na ata aking ginawa
Pati pagsulat nitong mga kataga
Pero aasa lamang sa wala
O baka sa himala
Tigil na self,
Wala kang mapapala
Paano mo mahahabol ang kabayo
Kung ang daan nito sa kabilang dako
Kaya tigil na
Hindi lahat dapat ipaglaban
Lalo na kung di naman sayo
Masasaktan lang puso mo
Masakit pa sa ulo
Okay
Di ako crush ng crush ko
Pero alam mo
Kung ano Twist ng kwento ko
Di rin siya crush ng crush niya
Kaya hindi lang ako uuwing luhaan
Kasi sakin iyak lang
Sa kanya gumulong gulong pa sa harapan
Ai kawawa ka naman
Yan kasi Titingin ka pa sa malayo
Eh dito lang naman ako
Hahanap ka pa
Gayong natagpuan mo na
Pero sorry nalang ah
Nalate ka kasi ng dating
Dahil Sa puso ko meron ng nag aangkin.

Love Confessions Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon