Chapter 7

1.4K 56 31
                                    

Nakaupo na kaming lahat ngayon. Ngayon na iaannounce kung sino ang magiging Face of the Night. Todo sigaw pa sila Selena ng pangalan ko at may ilan naman na Olivia. Napapailing nalang ako sa kaprankahan nila.



"KUNG SINO ANG MATAPATAN NG SPOT LIGHT ALAM NYO NA ANG IBIG SABIHIN NON!" Sigaw ni bayot.



Ako hindi ko pa alam ang ibig sabihin! Hindi man lang nila sinabi? Gosh.



Halos maduling kaming lahat nang mabilis na umikot ikot ang spotlight. Napatakip nalang ako sa mukha sa tuwing tumatama ang ilaw. Naramdaman ko naman na steady na ang ilaw at nakatapat iyon sa akin...



Wait.



WHAT!?



"PLEASE COME HERE IN STAGE MISS ALISA MONTEMAYOR!"



Napuno ng hiyawan at palakpakan ang buong Hall ng tumayo ako sa kinauupuan ko.  Ako naman ay walang kaalam alam sa pangyayari, kita namang transferee ako dine.



"Go Girl!"



"Dali! Akyat na!"



Tinulak tulak pa ako ni Junnie boy hanggang sa marating ko ang stage. Lumapit sa akin ang bayot at hinead to foot pa ako ni gaga.



"WOAHH.. LOOK WHO'S STANDING WITH HER GLAMOROUS FACE AND OUTFIT IN FRONT OF US!" Naghiyawan ang crowd. "OUR BRAND NEW SHINING SHIMMERING FACE OF THE NIGHT! PLEASE GIVE HER A BIG ROUND OF APPLAUSE!"



*palakpakan



Lumapit sa akin si Muriel habang may dalang maliit na crown at sash at syempre ang bouquet ng bulaklak. Mukha tuloy akong nasa Pageant. Puno ng tao ang Hall at lahat sila ay nakatingin sa akin.



"Congrats my dear..." Ani Muriel habang nakangiting kinakabit ang sash ko. Ngumiti ako sa kaniya at nagbow ng bahagya.



"Wilkins, Muriel.."


Nagpalakpakan pa ang crowd.



"SHHHHH... WE'RE NOT YET OVER!! SYEMPRE HINDI PAPAKABOG ANG MGA LALAKI! SINO ANG BOTO NYO NA PINAKAGWAPO NGAYONG GABI!!!" Tinutok pa ni bayot ang mic sa crowd.



"KIAN!!!!!"



"VIPER!!!"



"PSYKEEEEEE!!!!!"



"BRICKS!!"



"LUHAN!!"



'Yan ang nangingibabaw sa lahat ng pangalan. Kung seswertehin ka nga naman at naisayaw ko pa ang tatlong yan.



Hindi ba pwedeng maupo? Nakakangawit ee. Kanina pa ako nakatayo!



"LET'S SEE!"



Biglang umikot nanaman ang spot light at pagtumatama sa akin ay napapapikit ako. Hinintay ko muna ang tilian ng crowd bilang sign na may napili na.



"KYAAAAAAAAAHHH!"



Dumilat na ako at naghiyawan naman ang crowd. Puro babae ang sumisigaw. Na curious tuloy ako kung sino ang lalaking feslak ng gabi.



"COME HERE IN STAGE PAPA PSYKEE!! KYAA!"



"Ahahah!" Bahagya kong tawa dahil pati si Bayot ay tumitili. Nakangiting umakyat si Junnie Boy at kumindat pa sa akin at tumabi. "Mister Face of the Night yiee.." Sinundot ko pa ang tagiliran nito.



Part Time Celebrity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon