Chapter 35

871 31 2
                                    

PSYKEE'S POV



SABADO ngayon kaya naman wala akong masyadong gagawin sa bahay. Naging masaya naman ako sa loob ng isang linggo kahit hindi kami kumpleto. Nasali na kasi ulit ako sa Basketball Team.



At dahil maaga akong nagising at sabado ngayon ay naisipan kong mag jogging muna. Dapat laging healthy para always ready.



Sinuot ko ang itim kong hoodie at jogger pants bago bumaba. Hindi ko nakita si Ate sa kusina. Baka natutulog pa.



May Ate ako! Kaso hindi kasing ganda ng lahi ko. Luging lugi nga yun kapag nagtabi kami e. Hindi ko alam kung paano yun naging model



-_-



Lumabas na ako ng bahay t'saka ako tumakbo papalabas ng gate. Pinasakan ko ng earphone ang tainga ko at nilagay sa bulsa ang phone ko. Nagsimula akong tumakbo nang tumakbo.



Simula nang umalis si Alisa ay palagi kaming nagaaway nung bruha na Selena na'yon tapos susulsulan naman ni Ivana. Nakakairita yung dalawang yun pucha.



Itong Kian naman, iniwan ba naman ako. Nalaman nalang namin na nasa Espanya pala ang gago.



Buti nalang talaga at gwapo ako.



Nakarating ako sa park ng hindi ko namamalayan. Hindi ako lumalabas ng subdivision dahil nadala na ako sa kidnapan leche na iyan.



Huminto ako sa court at kumuha ng bola sa lalagyan sa gilid. Kailangan ko ng Warm Up. Naeexcite tuloy ako dahil Varsity uli ako.



Ulit? Yes, yes, yes. Naging Varsity ako noon pero pinatanggal ako dahil sa lecheng pag-ibig na'yan. Nagkagusto kasi yung ka-Team ko noon kay Olivia tapos ayon! Nagsuntukan kami tapos sa akin sinisi. Parang gago no?



Nagdribble muna ako ng ilang beses bago ako naglaro mag-isa. Ngayon nalang uli ako nakahawak ng bola maliban sa bola ko, este! Bola ng iba! Kay dudumi ng utak.



Habang naglalaro ako ay namataan ko ang isang pamilyar na pamilyar na mukha. Napangisi ako at ibinaba ang bola bago ko siya lapitan.



Nagjojogging din siya at napangisi nanaman ako ng makita ang suot niya. Naka sports bra ba'yon? T'saka naka leggings. Sexy.



Inakbayan ko siya habang tumatakbo at napahinto naman siya. Nang makilala niya ako ay saka ako nakatanggap ng masamang tingin na ginantihan ko lang ng mapangasar na ngiti.



"What the fuck are you doing here, Psy?" Gulat niyang sabi at inalis ang pagkakaakbay ko sa kaniya.



"Nag jo-jogging?" Inosente kong tanong.



Mukhang nairita naman siya at iniwan ako sa pwesto namin. Mabilis siyang tumakbo kaya hinabol ko ulit siya. "Huy."



"Ano ba Psy? Nag jojogging ako oh!" Irita na sabi niya. Napangisi naman ako.



Gustong gusto kong naaasar siya sa akin. Hindi buo ang araw ko kapag hindi ko siya naiinis. Palagi niya kasi akong napapatawa kapag nakikita ko ang asar niyang mukha.



Wait, anong sabi ko?



"Sabay tayo." Nakangiting sabi ko.



Inirapan lang niya ako at nagpatuloy na sa pagtakbo. Sumabay naman ako sa kaniya habang pinagmamasdan ko siya.



Maganda rin pala.



"Maganda ka rin pala no?" Wika ko na nakapagpahinto sa kaniya.



Part Time Celebrity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon