Chapter 37

855 28 3
                                    


KIAN'S POV



We've been in Madrid, Spain, for two weeks, and next week will be the day we finally meet the heiress. I was surprised to find that the Hilton Corporation had made the generous offer. I still can't do it, despite the fact that it's Alisa's organization. But she said so, therefore I have to believe her. I believe that all things work together for good. 


Kahit masakit para sa akin ay gagawin ko parin. 



Hanggang ngayon hindi ako mapakali sa narinig ko. Pilit ko na kinukumbinsi ang sarili ko na sana'y ibang Lolo ang tinutukoy nung kausap niya.



Mas lalo akong kinabahan when she didn't answered my calls and responded to my texts again. Kapag may sasagot sa tawag ko ay hindi siya kundi ang mga tauhan daw. Anong tauhan? Tauhan ba ng Lolo niya?



Masyado na akong nag o-overthink. Gusto ko siyang makita para matahimik na ang konsensya ko. Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nakukumpirma na ayos lang siya.



Nagbukas muna ako sa Facebook para mabawasan ang pag-iisip ko at para bumilis narin ang oras. Pagkabukas ko ng Facebook ay bumulaga sa akin ang picture ng isang babae at isang lalaki na naghahalikan sa gitna ng ground namin.



My eyebrow raised when I noticed that I know that two.



'Si Psykee at Selena 'to ah?'



The caption caught my attention. 



'Ang pagbagsak ni Olivia.'



My eyes narrowed. Pinindot ko ang 23+ more na pictures at hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko.



May scene na nagsasabunutan ang dalawang babae. May naguusap habang nasa gitna si Psykee. May naghahalikan ang dalawa and then the last one was unexpected, Olivia was on her knees, crying.



I shook my head and opened my messenger. I've gotten a lot of messages from my friends, but the majority of them are from my basketball teammates. A message appeared on my screen as I was about to open our group chat. A dump account with no profile, name, or even information.


Nagtataka ko iyon na pinindot. Halos mabitawan ko ang phone ko when I saw Alisa on the picture that was sent anonymously. 



May hawak siyang baril at parang tuwang tuwa pa. Mabilis akong binalot ng kaba at takot para sa kaniya.



Pinatay ko na ang cellphone ko at binato ko lang iyon sa kama.



I pulled my hair in frustration. 



Paano kung mapahamak siya doon? Paano kung hawak na nga siya ng Lolo niya? Hindi ko 'ata kakayanin na makita ko siyang nagbalik na sa totoong siya. What if after all her memories came back is also the end of her feelings for me? 



Napakagat ako sa labi ko at tumayo. Naglakad ako papunta sa veranda para magpahangin. Tanaw dito ang parking lot ng Hotel kaya pinanood ko nalang ang mga tao na naglalakad sa ibaba.



Habang wala ako sa sarili kakanood ng mga tao sa ibaba ay may namataan ako na isang pamilyar na mukha. Niliitan ko pa ang mga mata ko para maaninag kung siya nga ba iyon at ng makumpirma ko ay mabilis akong tumakbo pababa sa lobby.



"Peter."



Kaagad kong hinawakan sa balikat ang lalaking papasok na ng sasakyan. Hinihingal pa ako habang nakatingin sa kaniya.



Part Time Celebrity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon