Chapter 39

826 32 0
                                    

ALISA'S POV



TATLONG araw na ang nakalilipas simula nang ilabas na ako sa laboratoryo. Nagsimula na rin akong magtrabaho kay Lolo sa kumpanya. Malapit ko nang makuha ang trono at matapos no'n ay saka na ako maghihiganti.



Pagkapasok ko ng kwarto ko ay sumalubong sa akin ang Tigre ko. Lumaki na siya ng kakaunti kaysa dati. Humahaba narin ang mga ngipin niya at nagsisimula na siyang maging nakakatakot. Dinala siya ni Peter dito matapos ibilin kay Ivana.



Namimiss ko na ang mga kaibigan ko, lalo na si Kian. Sana naman ay ayos lang silang lahat habang wala kami ni Peter doon.



Nilaro ko muna si Kian na ngayon ay nakahiga sa kama ko. Mas malaki na siya sa aso kaya naman walang nakakalapit sa kaniya. Nananagpang siya kapag may lumalapit sa akin na hindi niya pa nakikita.





Napataas ang kilay ko nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Iniwan ko si Kian sa kama at tinungo ang pinto.



"Ma'am, pinapapunta ho kayo ni Sir sa opisina niya." Sabi ng isa sa mga tauhan ni Lolo.



Mga Pinoy ang mga tauhan ni Lolo. Ayaw raw niya kasing makalimutan ang kinalakihan niya. Mahal na mahal niya ang Pilipinas at labag sa loob niya ang pagtira sa Spain para sa kumpanya.



Tumango lang ako at bumaling na pabalik sa loob. Nakita ko si Kian na nakalabas ang pangil kaya tumalungko ako at inambaan siya ng yakap. Mabilis naman siyang tumakbo papalapit sa akin.



Nagbihis na ako at inihanda ang sarili ko. Nadako ang paningin ko sa kama at nakita ko ang phone ko na umiilaw. Nilapitan ko iyon at tinignan.



May 2 messages akong natanggap at nacurious naman ako kaya binuksan ko. Wala sa sarili akong napangiti sa nabasa ko.



From: Kiantot
Nasaan ka ba kasi? I badly miss you ;<



From: Kiantot
Mahal kita



Hindi na ako nagreply dahil mas lalo ko siyang mami-miss. Nagpaalam pa muna ako sa alaga ko bago naglakad papunta sa opisina ni Lolo. May mga nakakasalubong pa ako na empleyado pero mabilis silang yumuko at bumati.



Kumatok muna ako ng ilang beses bago pumasok. Nakita ko si Lolo na nakaharap sa baril at pinag aaralan iyon. Napangisi naman ako nang itutok niya iyon sa akin.



Hinugot ko ang baril ko mula sa pantalon ko at itinutok din sa kaniya. Ganiyan ang batian naming dalawa.



"Have a seat." Tinuro ni Lolo ang upuan sa harap ng lamesa niya.



Naupo ako do'n pero hawak ko parin ang baril ko. Pinaglalaruan ko ang gatilyo habang siya naman ay nakatingin sa akin.



"Nandito sa Spain ang anak ng Song."



Nagpantig ang tainga ko sa narinig ko. Song? Kian?



"I-aarrange marriage ka namin sa tagapagmana ng pamilyang Song. Tutulungan natin sila na maibangon ang kumpanya nila na bumagsak."



"A-Anong pangalan ng ikakasal sa akin?"



"Kian Song."



Bumilis ang tibok ng puso ko at gusto ko magtatatalon sa tuwa. Nakangiti si Lolo sa akin habang hawak din ang baril. Munit hindi ko rin maitatanggi na kinakabahan ako dahil once na naikasal siya sa akin ay magiging apektado siya sa lahat ng nangyayari sa buhay ko at sa buong kumpanya. Magiging parte siya sa lahat ng karahasan na nangyayari sa buhay ng isang Hilton.



Part Time Celebrity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon