Chapter 9

1.1K 40 12
                                    

Lunes na ngayon at ayaw na ayaw ko na naglulunes. Wag n'yo nang tanungin dahil kapag lunes,  isang araw naming kasama si Eustace. Idagdag mo pa ang Flag ceremony kung saan nagsisiksikan ang mga tilapia.



"Aray! Pucha." Umagang-umaga nakarinig nanaman ang virgin ears ko ng bad words. Ito naman kasing Junnie boy na'to gusto pa akong katabi sa pila. "Hi Alisa!"


"Shh..." Ang ingay kasi kitang nagdarasal. Napunta tuloy sa'min yung tingin ng mga tilapia sa isang magandang dalagang bukid na katulad ko. Charizz! Diyosa ako no.


Nagdasal na sila at ako naman nakatayo lang dito habang nakahalukipkip. Nakikita ko pa nga sila Olivia mula sa kinatatayuan ko habang nagbubulungan tapos titingin sa akin. Bata lang ang peggy. Nagdarasal hoy!


"Amen." Sa wakas ay natapos din ang mahaba naming pagtayo. 


As usual, umakbay nanaman sa akin si Junnie Boy na parang wala nang bukas. Nyemas na'to, kung hindi ko lang 'to crush e, nabatukan ko na re 'tamo.


"Diretso na ba tayo sa room o sa tambayan muna?" 'Yan ang palaging tanong ni Junnie boy. Syempre, dahil mabait kaming bata aabsent kami sa first subject ni Eustace.


"Tinatanong pa ba 'yan?"


Dumiretso na kami sa tambayan at nakita naming nandoon ang tatlo. Mukhang may pinag-uusapan sila kaya dahan-dahan kaming pumunta sa likod ng puno.


"So, paano natin sesermonan si Ali Girl?"


Sesermonan? Ay oo nga pala! Nawala ako nung gabi sa Welcome Party.


"Edi pag explain-in muna natin." Kahit kailan talaga mabait 'tong si Ivana. Kahit hindi kasing laki ng hinaharap ni Ivana Alawi.


"Ang tagal naman nila Psykee." Dinig kong wika ni Selena.


"Ayiee... hinahanap hanap niya si Junnie boy~" Bigla kaming lumabas ni Junnie boy sa puno at nakaakbay parin ito sa akin.


Napaharap ako kay Kian na bigla nalang akong inirapan. Kahapon pa 'to ha!


Pasalamat ka't pogi ka kundi sabay ko kayong paguumpugin ni Junnie Boy.


"Hoy babae! Halika nga! Mag explain ka kung sino naghatid sa'yo at kung paano ka hinatid!"


"Dahan-dahan sa paghila Selena." Pagsita ni Junnie boy dahil bigla akong hinila paupo ni Selena sa tabi niya na katapat si Kian. Lima kami at pabilog ang lamesa.


"You don't have any pake Psy." Biglang bara sa kaniya ni Selena.


"Anong Psy? Ang gwapo ko para ikumpara mo kay Psy."


"Blah blah blah! Mag Gangnam style ka nalang diyan! Feeling oppa ka naman." Humarap sa akin si Selena at ito na naman ang taray face niya.


Anong nagawa ko huhu mukha nila akong mumurderin.


Mukha silang mga hukom!


"Explain." Biglang sabi ni Ivana. Seryoso na rin ito!! HUWAAAAA!


"Hinatid ako ni Peter." *pout.


"And who's that Peter huh??"


"Ex Boyfriend ko-"


*BLAAAAAAG!!!


"HUWAAAAAAT!?!"


Sabay-sabay nilang sigaw. Napatakip ako sa tenga ko dahil masisira ang berjin ears ko!


Part Time Celebrity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon