Chapter 23

897 30 1
                                    

Parang binibiyak ang puso ko nang paulit ulit. Ito na yun di'ba? Ito na yung sakit na mararamdaman mo kapag nagsimula ka nang magmahal. Ang sakit pala. Para akong binaril nang paulit ulit at sinaksak ng ilang beses sa puso. Wala na akong pakialam kung ano ang itsura ko ngayon, gusto kong umiyak nang umiyak.



"Iiyak mo lang 'yan."



Mas bumuhos ang luha ko nang yakapin ako nang mahigpit ni Psykee. Sa dinami rami ng babae bakit sa bubuyog pa siya nakipaghalikan? Okay lang sana kung si Cleoee at least lamang yung ganda ko don! Pero si Olivia? Yung babaeng kinamumuhian ko? Bakit siya pa!?




"Punyeta ka Kian! Huhu sinaktan mo ang diyosa!"



Napakalaki mong gago! Manliligaw palang kita tapos nagagawa mo na sa'kin ang ganito. Oo nga pala, manliligaw ko lang siya at wala pa akong dahilan para ipagdamot siya. Ganoon naman di ba? Hindi ko siya pag-aari at wala akong karapatan sa kaniya.



"Isa kang malaking gago, antipatiko, bwiset, arogante, feeling gwapo, plastic, siraulo, mokong, kupal, gunggong, walang modo, manloloko, bilib sa sarili, mayabang, bastos, at higit sa lahat mapanakit! Huhu."



"Shhh, madadaan naman 'yan sa usap, Alisa."



"Usap? Ayoko Junnie! Nakita na ng dalawang mata ko yung nangyari!"



Nasaktan na ako at nangyari na. Bumalik nalang siya sa Cleo niya. Ganoon pala mangligaw? Kailangan saktan mo yung nililigawan niya. Akala ko kapag mahal mo yung tao hindi ka gagawa ng ikasasakit ng mahal mo pero ano ngayon ang nararamdaman ko?



"Gago talaga si Kian" Bulong ni Junnie Boy.



Tumango tango ako nang maraming beses para sumang ayon kay Junnie. Hindi porke dalawa ang itlog, dalawang babae na rin ang papatulan!



Tumahan na ako. Hindi dapat umiiyak ang isang diyosa, dapat ako ang iniiyakan. Masyado akong maganda para iyakan ang isang lalaki. Tama, be strong self! Aja! Fighting!



Kumalas ako sa yakap at pinunasan ang luha ko. Hinarap ko si Junnie na puno ng pag-aalala ang mga mukha. Bahala ka diyan Kian, hindi kita kakausapin. Suyuin mo man ako, hindi ako marupok.



Waaa pero ang sakit!!!



"Tara."



Hinila ako ni Psykee papatayo sa damuhan. Nandito kasi kami ngayon sa garden ng school namin dahil tahimik dito at nakakarelax ang tanawin. Umakbay siya sa akin.

Part Time Celebrity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon