Chapter 14

1K 38 5
                                    


ALISA'S POV




Nagmadali na akong sumakay sa kotse dahil sa masama ang pakiramdam ko. Alam kong may nagmamasid sa akin mula sa malayo kaya ilalayo ko rin ang sarili ko sa mga taong pwedeng mapahamak.



Nagmaneho ako patungo sa Balete Drive kung saan wala masyadong sasakyan at tao na pwedeng madamay.



Mula sa malayo, natanaw ko na ang dalawang itim na sasakyang nakasunod sa akin. Napangisi nalang ako bigla at tumingin sa side mirror.



Kinuha ko ang baril ni Viper at mayroon pa namang dalawa na natitirang bala.



Naramdaman kong nagring ang phone ko kaya hindi ko na nilingon at kabod nalang sinagot ang tawag. Ni-loudspeaker ko ito.



"Hello?" Bungad ko habang hindi inaalis ang paningin sa daan at sa rear mirror.



"Alisa, nasaan ka?" Boses ni Psykee. Alam kong kanina pa nila ako hinahanap.



"Somewhere-"



*BANG!



"Shit!" Napamura ako ng bumaril ang isa sa mga tao sa loob ng sasakyan.



"Alisa!? Nasaan ka!?"



"Basta!" Pinatay ko na kaagad ang cellphone ko at binato iyon sa passenger's seat. Kailangan kong magfocus ngayon.



Mula sa rear mirror nakita ko ang isa sa mga driver ng sasakyan na dumungaw ito habang nakatutok sa akin ang baril.



Binilisan ko pa ang andar ng kotse at panay narin ang drift ko para mailagan ang bala.



*BANG!



Shet!



Tinamaan ang sasakyan ko pero nakahinga ako ng maluwang ng mapagtanto kong bullet proof pala itong sasakyan.



Nice. Thanks, Peter.



Kaagad akong nag U-Turn gaya ng pagsalubong ko noon kay Viper. Binuksan ko ang bintana at dumungaw.



"Surprise." Nakangisi kong sabi.



Hindi ko na inasinta pa at kaagad kong pinutok ang natitirang dalawang bala.



*BANG!



*BANG!



Sapul..



Sakto sa driver's Seat ang bala. Hininto ko ang sasakyan at bumaba. Inalerto ko parin ang sarili ko.



Binuksan ko ang isa sa mga kotse at bumulagta sa akin ang Lalaki na full black ang attire at tinamaan ito sa gitna mismo ng noo.



Kinuha ko ang baril na hawak nito at kinasa. Mabuti na ang handa.



Lumipat ako sa kabila at gaya ng naabutan ko gano rin ang tama niya. Asintado.



Dalawang baril na ang hawak ko. Mukha na akong tirador ng baril.



Sumakay na kaagad ako ng kotse at hinayaan ko na ang dalawang katawan na wala ng buhay.



Wrong move, wrong person, equals tatanga tanga.



Nakangisi ako habang nagmamaneho paalis sa Balete Drive. May mga nakasalubong pa akong itim na sasakyan pero parang hindi nila ako nakilala.



Part Time Celebrity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon