Chapter 30

892 30 0
                                    

Tatlong araw na simula nang makulong si Cleo sa kasong sexual assault at kidnapping. Bumalik narin ako sa trabaho na ipinagdiwang pa ng mga kaibigan ko, kasama sila Harley.


Tuwang tuwa sila dahil sa pagbabalik ko. Nabalita narin na naipakulong na si Cleo habang doon ginagamot. May Mental Disorder siya at patong-patong na kaso ang isinampa sa kaniya.



Today is my 18th Birthday. Hindi na kami sa Mansyon nila Selena nakatira dahil bumili na si Kuya ng matitirhan namin sa isang exclusive subdivision na kung saan nakatira si Peter. Si Pedro Penduko kasi ang nag suggest na doon nalang bumili si Kuya ng bahay kaya ayon! No choice ako.



Sabado ngayon at pupunta ang mga kaibigan ko. Balak ko na ngang sagutin si Kian e kaso hindi siya makakapunta. Hindi pa naman talaga kami mag-on, sinabi ko lang na boyfriend ko siya para walang umagaw. Baka kasi makapatay ako ng wala sa oras.



Pinaghandaan ni Kuya ang birthday ko dahil binili pa niya ako ng dress na isusuot ko mamaya. Simpleng lavender na Tulip Laced Dress iyon pero ang lakas ng dating. Pero mas prefer ko ang leather jacket.



Nawala na rin sa isip ko ang sermon sa'kin ni Kuya nang umuwi ako galing sa abandonadong building. Akala ko noon buong gabi siya magrarap dahil sa bilis ng pananalita niya. Kulang nalang mic at cap.



*KNOCK KNOCK



May kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya napatingin ako doon. Malaki ang kwarto ko at nababalot ng kulay red ang pader at pink naman ang ilaw. Pinasadya ko talagang maging red ang lahat para mukhang red room. Ayy chos! Favorite color ko kasi red.



"Come in."



Bumukas ang pinto at pumasok si Kuya habang nasa likuran ang mga kamay. Sinalubong ko ang mga tingin niya at umayos ng pagkakasandal sa sofa. Naupo siya sa harapan ko at parang tanga na ngumiti.



"May regalo ako sa'yo."



Nagpantig naman kaagad sa tainga ko ang sinabi niya kaya excited akong tumingin sa kaniya. Inilabas niya ang kamay niya at may box na ipinatong sa coffee table ko.



"Ano 'to?"



Hinawakan ko ang box at bahagya pang inalog alog pero parang papel yata ang laman at may kung ano rin na mabigat.



"Open it."


Tinignan ko muna si Kuya na wagas makangiti bago ko hawakan ang takip ng kahon. Kinakabahan ako na ewan kaya dahan-dahan pa ang pagbubukas ng kahon. Mamaya ay jumpscare 'to.



Nabalot ako ng pagtataka nang may makita akong susi at papel sa loob. Hinawakan ko pa ang susi at sinuring mabuti. Kumalabog nang malakas ang dibdib ko at nanlalaki ang mga mata na hinarap si Kuya.



"A-Ano 'to?"



"Regalo."



Inambaan ko siya ng sapak kaya tumawa siya ng malakas at tumingin sa akin.



"Passcode ng penthouse mo at yung isa, secret."



Penthouse ko? Mayroon na akong Penthouse!? Ang saya ko!!



Tumayo ako at niyakap si Kuya ng mahigpit. Hawak ko parin ang papel at ang susi habang yakap ko si Kuya. Pagkahiwalay ko ay saka ko siya tinanong uli.



"Para saan ang susi?"



"Tignan mo sa garahe."



Mabilis akong lumabas ng kwarto at halos mahulog na ako sa hagdan pababa kaya nagpadulas nalang ako sa riles. Kaagad kong tinungo ang garahe at halos mapatalon ako sa tuwa.



Part Time Celebrity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon