Kabanata 1; Ako

62 16 2
                                    

Ako si Hailey Addison isang babaeng simple at walang ibang hinangad kundi ang magkaroon ng kapayapaan sa buhay.

Nakatira ako sa Germany na kung saan ay nahahati ukol sa antas ng buhay mo. Ang mga royalties ang nagpapatupad ng kahit anong batas na nagiging tradisyon dito sa aming lugar.

Ang royalties ay nakatira sa palasyo na kung tawagin ay "enchantress". Dito sa Germany nahahati ng tatlong pangkat. Ang palasyo,Lungsod at Village. Kung saan napabilang ako sa Village na mahirap ang pamumuhay.

Matagal ng pumanaw ang mga magulang namin. Tanging ang dalawang nakababatang kapatid ko nalang ang meron ako. Kasama ng matalik kong kaibigan na si Jay. May sarili akong flower Shop na sapat naman na para mabuhay ko si Gemina at si Chelsea.
Ang dalawa kong nakababatang kapatid.

Dito sa Village ay walang nag aaral samin. Walang edukado. Sa City lang meron. Dahil sila,may kaya at higit na mas angat ang buhay nila saamin. Pangarap rin ni Jay na maging matagumpay at balang araw ay makatungtong sa ikalawang antas ng Germany pero ako? Sapat na ang maliit kong kabuhayan upang maging masaya. Tahimik at walang problema.

Ang kwento tungkol sa palasyong enchantress na nagsisilbi saamin ay nawawala ang isang prinsesa na anak nila Reyna Calista At Haring Felix. Matagal na nilang hinahanap ang prinsesa pero may nakapagsabi rin sakanila na patay na siya.

Ang royalties ay may tatlong anak. Ngunit sa kasamaang palad. Naiwaglit ang isa dahil sa isang digmaan na hanggang ngayon ay nanatiling misteryo para saaming mga nasasakupan nila. Namatay din sa digmaan na iyon si Reyna Calista. Kaya't si Haring Felix ay naging mas mahigpit lalo na sa dalawa niya pang anak na isang babae at isang lalaki.

Nabalitaan din na kumupkop si Haring Felix ng isang batang lalaki mula sa City makaraan ng isang taon matapos ang digmaan. Na naging isang ganap rin na prinsipe ng royalties. Maraming nangangamba dahil walang nakakaalam kung sino ang kalaban ng Germany. Ngunit alam kong nandito lang sila sa loob ng bansa. Tanging kami lang rin ang nagsisiraan dito.

Mahigit labing pitong taon na ang nakakalipas simula ng maging sakim ang tradisyon ng germania. Dahil sa pagkawala ng prinsesa at pagkamatay ng reyna.

Humigpit ang royalties upang mapangalagaan kami. Kung dati ay buong araw kang magtatrabaho naging tatlong oras nalang sa umaga. At pagkatapos nun ay hindi na pwedeng lumabas. Ikinukulong kami sa aming kanya kanyang tahanan na parang mga alipin.

At ngayon ang takdang araw. Ika 3 ng Mayo 2001. Nagbabadya ang ikalawang digmaan kung kaya't kailangan ng hari ng magiging reyna. Hindi upang maging asawa niya kundi upang kasama niya sa pagtaguyod ng Kaharian at germania.

Makakapili siya ng reyna sa pamamagitan ng draw game. Tama. Bubunot sila ng anim na maswerteng babae mula sa kinasasakupan nila. Limang araw na paglilitis upang tuluyang mapili ni Haring Felix ang makakasama niya. Matanda na at mahina ang hari kaya naiintindihan ko siya. Pero 18-21 years old ang kukunin niyang reyna.

Sana ay labing walo na rin ang nawawalang prinsesa ngayon. Alam ko ang dahilan ng kanilang biglaang paghahanap ng reyna pero ayokong maging isa Don. At kahit na nasa tamang edad na ako. Mas gugustuhin ko nalang na makasama sila Chelsea at Gemina dito sa Village kesa maging royalty at sumunod sa mga patakaran ng palasyo.

Ngunit hindi ko inakala. Na ako na ay isang ganap na Reyna ng Enchantress. Paano? Tumuloy ka lamang sa iyong pagbabasa ng aking kwento..

Claiming the CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon