Kabanata 9: Gabi ng Lagim

29 13 0
                                    

Hailey's pov

Ilang oras na ang lumipas, Mga oras na aking itinala at binibilang na lamang hanggang sa dumating ako sa puntong ito. Ang paglubog ng araw kung saan lahat ng mga tao ay malayang pumatay ng hindi nagkakasala at mulat ang mga mata sa mga kalabang sa likod lamang sumasaksak. Dito magsisi labasan ang mga taksil at mga kahindik hindik na maaaring mangyare, ngunit kailangan kong maging matapang. Dahil tungkulin ito ng isang pagiging reyna. At kahit na legal ang pagiging kriminal sa oras na tuluyang lumubog na ang araw. Nawa'y hindi ko makita ang mga taong nagsisiraan gamit ang paghugot at paghinto ng hininga ng kapwa nila tao.
Nakaupo ako ngayon saaking kama habang dinig na dinig ang mga hiyawan,halakhak,yapak ng mga paang nagmamadaling tumakas, mga taong kumakabog sa aking pintuan na aking labis na ikinababahala. Palubog na ang araw. At paparating na ang gabi ng lagim.
Ika anim ng gabi. Tumunog ang kampana ng kaharian at walang maaaring manatili sa kanilang silid. Lahat ay inuutusang lumabas upang harapin ang aming mga takot at mga kalabang hindi inaasahan. Dahan dahan kong pinihit ang pihitan ng aking pintuan,bumulagta saakin ang mga alipin at mga sundalong naghahabulan na tila May mga larong delikado at ang iba ay nagsisiiyakan na. Nagsimula na nga ang gabi ng lagim. Naglakad ako papalayo sa aking silid. Ng ako'y matigilan dahil biglaang narinig ko ang pa bigla biglang yapak na tila sumusunod sa bawat hakbang ko. Napakagat ako sa aking labi kasabay ng pagtakbo ng aking dalawang paa sa lugar kung saan hindi ako sigurado kung kaibigan ko ba siya o kaaway ko rin. Kasabay ko ang mga nilalang dito na nagtatakbuhan palabas o San man ang kanilang patutunguhan, hindi na bago saakin na makasalubong ng mga armadong may hawak na kutsilyo at iba pang armas na duguan. Marahil ay marami ng napaslang sa labas. Sa dinami rami ng mga poot na hindi mailabas dahil sa kahigpitan ng hari ngayon na lamang ang kanilang pagkakataon. Patuloy parin ako sa pagtakbo hanggang sa maramdaman ko ang panginginig ng aking mga tuhod at pagbagsak ng aking katawan sa lupa. Dala narin siguro ng takot. Pinilit kong tumayo at kamangha kamangha na tila walang pakialamanan ang mga tao ngayon. May mga taong nagsasampalan ngunit walang pumipigil. Mga taong naghihiyawan na tila wala ng paraan upang maagapan ang kanilang alitan. Umakyat ako sa hagdan na patungo sana sa silid ng prinsipe. Hindi ko rin batid ngunit sakanya ako dinala ng aking mga paa. Aking ikinagulat ng labis ng aking makasalubong si Miyaku, nakakatakot ang kaniyang mga mata.
"Anong ginagawa mo dito? Lalandiin mo nanaman ang mahal na prinsipe?"
Pasigaw niyang sambit na ikinatikom ng aking mga palad. Naglalakad siya palapit saakin. Tagatak ang pawis saaking katawan dahil sa takot na maaaring ito na ang aking katapusan. Isa..dalawa...tatlong hakbang paatras at palayo kay Miyaku. Naramdaman ko ang paglagpas ng aking kanang paa sa dulo ng hagdan kung kaya't naramdaman ko rin ang pagkawalang balanse ng aking katawan. Napapikit na lamang ako sa mga posible pang mangyare,
"Hailey!"
Isang napakalalim na boses ang bumuhay saaking panandaliang natutulog na puso. Ang pagtawag niya sa aking pangalan na minsan mo lang masisilayan. Ramdam ko ng husto ang init sa aking katawan ng maramdaman ko ang mga palad na sumalo mula sa aking likuran bago pa man ako tuluyang bumagsak sa hagdanan.
"M-mahal na prinsipe?"
Halos pabulong na lamang na aking sambit ng aking makita ang napaka amo niyang mukha at napaka lamig na presensya. Bumagal ang ikot ng mundo habang hawak niya parin ako. Ang mala asul na dagat niyang mga mata ang siyang bumubuhay saakin. Ang kaniyang mata at mga labi.
"Binibini!"
Napatayo ako ng kaniya niya akong sigawan. Nakakahiya pala na ako'y pumantasya ng gising.
Nakatingin lang saakin ng napakasama si Miyaku.
"Ano't nais mong saktan ang aking binibini?"
Galit na tanong ni prinsipe Asher ngunit ikinamangha ko ang salitang pangalawang beses ko ng narinig mula sakanya. "Aking binibini" ginagamit upang magpakita ng pag aari. Hay nakakahibang nga naman.
"Tayo na Hailey"
Nagulat ako ng hilain niya ang aking braso pababa, napaka raming sundalo na duguan. Ngunit misteryo na lamang ang sagot kung bakit sila napaslang. Isinandal ako ni Prinsipe Asher sa isang pader at nagkatinginan lamang kami sa aming mga mata.
"Hindi ka lalayo saakin. Naiintindihan mo ba?"
Wari niya na hindi ikinagising ng aking isipan sapagkat inari ng kaniyang mga titig ito.
"Mananatili ka sa aking tabi hanggang sumikat muli ang araw"
"Ano ho?"
"Ang sabi ko ay halika na"
Ikinabilis ng takbo ng aking puso. Muli sa kamangha manghang bilis nito dahil aking naramdaman ang pag sarado ng aming mga palad ni Prinsipe Asher Sa isa't isa. Tumakbo lamang kami ng tumakbo patungo sa labas ng kaharian. Napahinto ako sa hindi ko inaasahang pangyayari. Napakarami ng nasawi. Mga taong nagsipaslangan dahil sa mga poot na piniling kimkimin.
"Takbo!"
Sigaw ni Prinsipe Asher at hinila akong muli. Napatakip na lamang ako sa aking tenga habang hawak ng prinsipe ang aking kaliwang kamay, Dahil sa putok ng baril na tila kami ang punterya. Tumigil kami sa napakadilim na parte ng kaharian. Natigilan ako ng ako'y ipaloob ng Prinsipe sa isang napakainit na yakap.
"Nasaktan ka ba?"
Sambit niya na tila nag alala nga naman saakin. Nakangiti ako sa loob ng kaniyang mahigpit na yakap.
Kumalas na kami at hinawakan niya ang aking dalawang kamay.
"Wag kang matakot,hindi kita pababayaan"
Napakalamig na ng aking reaksyon dahil sa aking gulat sa mga salita ni Prinsipe Asher ngayon. Napasigaw ako ng marinig kong muli ang putok ng baril ngunit tinakpan ng Prinsipe ang aking bibig at umakmang payuko.
Nakita ko si Mabel na tila may kaaway na isang alipin.
"Lapastangan"
Aking sambit bago tuluyang lumayo kay Prinsipe Asher upang mailigtas ang aking kaibigan
"Hailey,La Parada! (Stop)"
Paghahabol saakin ni Prinsipe Asher. Sinubukan kong agawin ang sandatang hawak ng isang alipin na nagtatangka sa buhay ni Mabel ngunit hindi ko sinadyang masugatan ang aking palad.
Nanlaki ang aking mga mata ng paslangin siya ni Prinsipe Asher. Isang hawi ng kaniyang sandata na siyang nagpatigil sa paghinga ng aliping nagtangka saamin.
"Tumakas kana Binibini"
Wari niya kay Mabel habang patuloy niya akong hinihila kung saan. Hindi ko namamalayang napakabilis pala ng oras tuwing maraming mamatay at lilisan. Bumalik kaming muli sa kaharian at nagkulong sa aking silid. Napaupo ako sa kama dahil parin sa gulat ng aking masilayan na napaslang sa aking harapan ang isang babae.
"Paumanhin"
Napatingin ako kay Prinsipe Asher na duguan din ang kasuotan marahil sa kaniyang pagpaslang.
Tumayo siya sa aking harapan at hinila din akong patayo.
"Ikaw ba ay nangangamba?"
"N-nabigla ako mahal na prinsipe"
Dahan dahang tumulo ang aking mga luha. Ngunit hindi ko na napigilan at niyakap kong muli ang prinsipe , ikinagagalak kong kasama ko siya kaya't ako'y humihinga parin.
"Paumanhin saaking nagawa. Wag ka ng matakot binibini. Naririto ako"
Humigpit ang kaniyang yakap saakin habang patuloy parin akong tumatangis..
"Magpahinga kana"
"Ngunit, hindi ako makakatulog, Ginoo"
"Babantayan kita. Kaya't sundin mo na ang aking utos. Magpahinga kana"
Huminga ako ng malalim at aking ipinatong ang kanang palad sa aking dibdib, humiga akong muli sa aking kama at nagkumot habang dinig ko parin ang hiyawan at iyakan ng mga tao. Narinig kong muli ang pagputok ng baril kaya't napatangis ako ng malakas at hindi ko naman inaasahang nasa tabi ko ang prinsipe. Niyakap ko siyang muli, ikinagulat ko ng ipaloob niya ako sa kumot.
"Wag mo akong lisanin mahal na Prinsipe"
"Shh dito lang ako Aking binibini. Matulog kana"
Ipinikit ko ang aking mata at hinayaang mawala sa aking isipan na namamahinga lamang ako sa gitna ng isa sa mga pinaka delikadong gabi..

Claiming the CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon