Kabanata 17; Ngiti

19 10 1
                                    

Hailey's pov

Tuluyan ng sumikat ang araw at narito ako sa silid ng mga apprentices. Dinig ko na ang mga ingay sa labas dahil nagsigising narin sila. Ngunit si Dona at si Faye ay namamahinga padin. Nakatitig lamang ako sa salamin habang nagsusuklay. Kinuha ko ang dress na nagkukulay ng asul para sa pagiging Apprentice ko. Isinuot ko ito at tinali ang aking buhok sa mababang paraan. Nang hawiin ko ang aking buhok ay nadagdagan nanaman ang hibla neto na kulay blonde. Nagtaka na lamang ako sapagkat napaka imposible na lumitaw na lamang ng biglaan ang kakaibang kulay ng aking buhok sa hindi ko malamang rason. Itiniklop ko na ang mga gamit ko at lumabas sa silid ng mga apprentices. Laking gulat ko ng nakatipon ang mga royalties sa harapan ng silid namin at bakit may nakahawak sa palad ni haring Felix. Dahan dahan akong humakbang habang nakatingin sa kanilang hanay at ang babaeng naka pula na sobrang pula din ng labi. Tila magkahawig sila ni Jane. Ina niya kaya?
"Hoy Hailey!"
Napahawak ako sa braso ng aking nakabunggo.
"Mabelle. Ikaw pala."
"Ano bang ginagawa mo?"
Tila napansin ako ni Jane na napaka talim na ng tingin saamin. Hinila ko papalayo si Mabelle at nagtungo sa napakalawak na kusina kung nasaan nag tratrabaho ang mga alipin. Hinila ko siya sa isang sulok upang hindi na kami mapansin.
"Bakit ka ba nakikinig sa mga royalties?"
"Hindi naman. Nagtataka lang ako, sino yung babaeng nakahawak sa palad ni Haring Felix?"
"Ah. Si Emily. Yung bagong nakabihag sa puso niya. Pero usap usapan dito samin na pangit daw ng ugali niya e"
Napakunot ako sa aking noo dahil sa pagtataka. Tama nga si Mabelle. Tila napaka mapangahas niya.
"Siya ba ang nanay ni Jane?"
"Ha? Hindi no. Nakilala ni Haring Felix si Emily sa lungsod"
Tumango na lamang ako ng makita ko si Dona na naghahanap ng ihahalo sa tinapay niya.
Kinuha ko ang keso sa tabi namin at ibibigay na sana sakanya ngunit naunahan ako ni Jane.
"Anong ginagawa niya dito?"
"Sino?"
"Ang mahal na reyna"
Nakapagtataka namang nagtungo pa siya dito. Iniabot niya ang isang krema kay Dona. Lubos ang tuwa niya dahil tila napakasarap nga naman ng kremang iniaabot ni Jane. Nakangiting umalis si Jane at sarap na sarap naman si Dona sa tinapay.
"Ah Mabelle. Mauna na ako ha?"
"O sige. Mag iingat ka"
Niyakap ko si Mabelle at naglakad na papalayo sa may kusina. Nanatili ako sa malawak na balkonahe sapagkat wala pa silang maiuutos saakin. Napaka sariwa ng hangin at napakaganda ng kalangitan.
"Magandang umaga mahal ko"
Isang napakainit na yakap ang sumalubong saakin mula sa aking likuran. Napaharap ako at napaka lapad ng ngiti niya. Nakayakap padin siya saakin at napaka lapit ng aming mga mukha.
"Buenos Dias Jay"
Dahan dahan niyang hinalikan ang noo ko. Para saakin ay napaka buti at romantiko niyang lalaki.
"Bakit hindi ka pa magtungo sa iyong tungkulin?"
Tanong ko sakanya habang nakangiti padin siya.
"Magtutungo naman na ako. Ngunit nakita ko ang iniibig ko kaya't napahinto ako sa paglalakad"
"Sus bolero!"
Ngumisi siya at hinawakan ang aking pisngi. Napaka init ng mga palad niya.
"Maaari ba kitang makita mamaya?"
"Oo naman."
Napapikit ako ng ilapit niya ang labi niya sa aking labi. Nararamdaman ko na ang hininga niya. Ito na kaya ang naudlot naming pag hahalikan sa pagdiriwang? Hinihintay ko siyang halikan ako ngunit naramdaman ko ang pagbitaw niya sa aking pisngi. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Asher na hinila papalayo saakin si Jay.
"Bilang prinsipe inuutusan kitang magtungo na sa iyong tungkulin"
Napaka talim nanaman ng tingin niya kay Jay at hindi pa nga siya humihingi ng tawad sakanya. Tinapunan ako ng tingin ni Jay bago siya umalis.
"Mag iingat ka Hailey"
Pag papa alala niya saakin.
"Ikaw din"
Nakangiting sagot ko. Ngayon ay ako naman ang tinitingnan ni Asher ng masama.
"Bakit? May problema ka?"
Maangas kong tanong. Unti unti siyang lumalapit saakin hanggang sa mapasandal na ako sa may hawakan ng balkonahe. Nakatitig siya sa aking mga mata. Inilagay niya sa aking magkabilang gilid ang dalawa niyang kamay. Nakatingin na siya sa aking labi.
"Ano iyon?"
Itinulak ko siya ng maagaw ng aking pansin ang mga sundalong nagsisitakbuhan kung saan. Tatakbo na sana ako upang malaman ang nangyare ngunit hinawakan ako ni Asher.
"Sasamahan na kita"
Tumango na lamang ako sapagkat wala na akong oras. Tumakbo kaming dalawa patungo sa kusina kung saan nagmumula ang mga sigawan at pinatutunguhan ng mga sundalo. Naabutan ko si Jayden na nakaupo sa tabi ni Dona. Si Dona ay nakahiga sa sahig at bumubulwak ng dugo. Pinapatuluan siya ng katas ng niyog sa kaniyang bunganga.
"Ang kulay kremang tela na iyon... iyon ang telang pinaanod saakin ni Jane"
Patuloy si Ms. Vivian sa pagpapatak ng niyog sa bunganga ni Dona gamit ang kremang tela na ipinamigay ni Jane saakin.
"Anong ganap dito?"
Tanong ni Asher. Tumayo si Jayden at napaka angas ng asta niya.
"Nalason si Dona ng hindi niyo nalalaman. Anong klaseng royalties kayo?"
Nagulat na lamang ako sa balita. Nalason si Dona? Paano nangyare iyon.
Dahan dahan ibinaba ni Ms. V ang kremang tela. Nagkatinginan sila ni Jayden ng may lungkot sa mukha.
"Kumalat na sa katawan ni Dona ang lason"
Napahawak ako sa braso ni Asher. Hindi ko na kaya. Nangangatog ang aking mga tuhod dahil sa balita.
"Kasalanan mo tong hayop ka!"
Pagduduro ni Jayden kay Vivian kasabay ng pag alis niya. Sinundan ko siya dahil sa kaniyang asta.
"Jayden sandali"
"Anong kailangan mo?"
Maangas niyang tanong.
"Batid kong masakit ang mawalan ng iniibig. Ramdam kita dahil kaibigan ko rin si Dona. Ngunit wag kang mambintang dahil wala kang ebedensiya!"
"Sino pa sa tingin mo ang gagawa nito kundi si Vivian?"
"Hindi niya yun magagawa Jayden. Sapagkat kaibigan niya si Dona. Makinig ka naman sakin"
Dahan dahang tumulo ang mga luha mula sa mata ni Jayden. Ramdam ko ang sakit na nadarama niya.
"Paano nga ba naman siya mabubuhay sa katas ng niyog na yan"
"Sa Village pinaniniwalaan na mahiwaga ang katas ng niyog."
"Palibhasa galing ka sa mababang pangkat kaya kung ano anong pinaniniwalaan niyo"
Idinampi ko ang aking palad sa kaniyang pisngi.
Napakalakas yata at namula ito.
"Ang pagsagot mo sakin ay walang saysay. Ngunit ang maliitin mo ang buhay na meron ako ay ibang usapan na"
Umalis na siya sa aking harapan. Bumalik na ako kila Asher. Binalutan nila ng puting tela si Dona bilang tanda na wala na siya.
"Iwan niyo muna ako dito"
Napalingon kaming lahat sa tinig. Si reyna ay Jane. Anong nangyare. May kinalaman ba siya doon.
Hinila na ako ni Asher dahil hindi ako kumikibo. Idinala niya ako sa aking dating silid. Nagkatitigan kami at hindi ko na lamang namalayan na tumulo nadin ang luha ko.
"Wala na si Dona."
Mangiyak ngiyak kong sabi. Ipinaloob niya ako sa isang mainit na yakap. Agad din siyang bumitaw at pinunasan ang luha sa aking pisngi.
"Walang panahon ang iyong pagdaramdam dito sa kaharian. Bumangon ka ulit at lumaban. Wag kang mag aksaya ng oras dahil sa lungkot"
Napayuko sa kaniyang tinuran. Sa isang napaka misteryong kaharian na ito ay sadyang hindi nga naman kabilang ang pagluluksa kung sakaling may pumanaw man.
"Kakantahan na lamang kita upang maibsan ang iyong nararamdaman"
Kinuha niya ang gitara sa may gilid at umupo sa kama. Nakatayo lamang ako sa harapan niya habang tumutugtog siya ng gitara.
"Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matingkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit"
Biglang huminto ang mundo ko at bumilis ang tibok ng puso ko ng magsimula siyang umawit. Ang awit na iyan..ay ang awit na madalas kantahin saakin ng aking ama bago sila madisgrasya ni ina.
"Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik"
Dahan dahan siyang ngumiti. At tumingin saakin
"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin"
Tumayo siya ibinaba ang gitara. Dahan Dahan siyang lumapit saakin at ipinulupot ang kaniyang mga kamay sa aking bewang. Nakatingin lamang kami sa isa't isa na para bang walang masamang nangyare at narito lang kaming masaya. Ang lamig ng mga palad niya ay humawak sa aking pisngi.
"Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid"
Dahan dahang dumampi ang kaniyang labi sa aking labi. Napapikit na lamang ako. Sa tingin ko nasa loob ako ng panaginip na kasama ko ang aking Romeo. Pakiramdam ko ngayon lang nakaramdam ng ganito ang puso ko. Nagkatitigan kaming muli at unti unting umukit ang ngiti sa aking labi.
"Gracias Asher"
Aking pasasalamat. Laking gulat ko ng ngumiti siya. Napaka amo ng mukha niya kasabay ng pag sigla ng mga mata niya. Mas lalo akong ngumiti ng makita ko na siya.
"Asher! Ngumiti ka!"
"Ang iyong ngiti... bakit nakakabighani"
Agad niyang itinikom ang kaniyang ngiti. Napalitan ito ng seryosong reaksyon na aking ikinataka.
"Bakit? May problema ba?"
"Hindi ko dapat ito nararamdaman. Mali ito"
Lumayo na siya saakin at tulad ng dati ay lumabas nanaman sa aking silid ng walang paalam. Ansakit lang na hindi ko sigurado kung dapat ko bang ipagtapat ang nararamdaman ng puso ko sakanya dahil mismong siya ay pinipigilan ang sigaw ng damdamin niya.. ngunit biyaya para saakin na mapangiti ko siya.. Hindi parin naalis saaking isipan si Dona. Paano nangyareng nalason siya?

P.S; ito po yung kantang inalay ni Asher kay Hailey.

Claiming the CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon