Kabanata 25; Pag aalangan

17 11 0
                                    

Asher's Pov

Nanatili akong nakayakap sakanya. Sana dito na lamang siya habang buhay. Hindi ko na maipinta ang kasalukuyan kung wala siya. Hindi na rin maitutuloy ang mga tulang aking ginagawa kung hindi magiging siya ang aking paksa. Sana sa habang buhay ay siya ang aking makakasama, at wala siyang dapat ipag alala sapagkat may plano na ako para sa aming dalawa. Sa labing siyam kong pamumuhay, at sa bilyon bilyong mga babae na aking nakita, kay Hailey lang ako nakaramdam na ganito. Ang tibok ng puso kong bumibilis ng tatlong beses tuwing nakikita ko siya, ang pagod kong isip at damdamin ay napapawi sa tuwing nakikita ko ang ngiti niya at nahahawakan ko siya. Ang buhay kong miserable noon dahil sa pagkawala ng mga magulang ko at hindi lubusang pagtanggap saakin ng mga ibang nasasakupan ama, ngayon ay nag iba. At dahil lang sakanya yun, Dahil kay Hailey na hindi ko kailanman inasahang iibigan ko. Naiirita lamang ako sakanya noon pero ngayon mahal ko na. At ayoko ng mawala. Sapagkat siya ang nagbigay lakas saakin, siya lang at wala ng iba.
"Uhm.. May gagawin pa pala ako"
Bumitaw na siya at hinawakan ko ang kaniyang palad.
"Mag iingat ka mahal ko."
Hinalikan ko siya sa noo at tuluyan na siyang lumayo. Hindi ko maiwasang mangamba sa tuwing hindi ko siya kasama. Paano kung may pomorma sakanyang iba at magustuhan niya. Paano na ako? Sa bawat hakbang na tinatahak niya palayo ay binibilang ko ito. At naniniwala laging uuwi siya saakin at saakin lang.

Hailey's pov

Mahirap para saakin ang piliing iligtas ang lahi ng mga lobo kesa ipaglaban ang nararamdaman ko para kay Asher. Ngunit tama si Miyaku, mapanganib ang mga Vampira at kung mapanganib siya ay lalong mas mapanganib si Asher. Napasandal na lamang ako sa sulok. At nakatingin lamang sa buwan. Papa? Nakikita mo ba ako? Tulungan mo naman ako Oh. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
Napaupo na lamang ako sa sahig at tumangis. Nauulila ako ng lubusan sa mga kapatid ko at sa mga magulang ko. Sakanila ako humuhugot ng tapang at lakas. Si papa ang pumupunas ng mga luha ko tuwing umiiyak ako. Sana nandito sila..Sana, mayakap ko ulit sila. Sana masabi ko kay papa na hindi ko sinasadyang magalit sakanya noon. Sana pwede kong ibalik ang oras. Kung saan masaya ako at walang nangyayareng ganito. Pero paano ako naging lobo? Ibig sabihin ba nun...
__

Tumakbo ako upang hanapin si Miyaku.. marami pang tanong na kailangan niyang sagutin.

Labis akong nabigla ng makita ko si Asher. Naku anong gagawin ko?
"Hailey? Akala ko may gagawin ka?"
Sinubukan niyang lumapit saakin ngunit tinalikuran ko lamang siya at tumakbo. Kung lalapit ako sakanya ay mas lalong magiging mahirap ang gagawin ko bukas.
"Miyaku! Nasaan kaba?"
Hindi ko batid ngunit nagsisisigaw na ako sa sobrang kuryosidad. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makita ko siyang tila hinihintay ako.
"Bakit mo ako hinahanap?"
Huminga ako ng malalim dahil narin sa pagod ko..
"Sila Papa..lobo din ba sila?"
"Wala akong dapat sagutin..sapagkat hindi pa panahon"
"Ano bang sinasabi mo! Wag mo naman na sanang dagdagan ang gulo ng isipan ko!"
Tuloy tuloy sa pagtulo ang luha ko. Sobrang daming bumabagabag sa aking isipan.
"Patawarin mo Ako Hailey.."
Naglaho na siya at hindi ako makapaniwala na meron parin talagang namumuhay na Vampira at mga lobo sa panahong ito.
Umalis na ako at naglakad papalayo. Wala akong mapapala sakanya. Kahit na gusto ko ay lagi niyang sinasabi na hindi pa panahon.
"Hailey..."
Isang malambot na boses ang nagpatigil saaking paglalakad. Humarap ako sakanya habang umiiyak ako.
"A-Asher?"
Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako.
"Bakit ka umiiyak?"
Parang mas kinabahan pa ata siya sakin. Agad siyang lumapit at pinunasan ang mga luha ko.
Marahan niyang hinalikan ang noo ko. Bakit ba ganito, paano ko siya maituturing na isang kalaban kung isang prinsesa ang turing niya sakin.
"Tahan na mahal..wag kanang umiyak"
Hinawakan niya ang pisngi ko at inilapit ang mukha niya.
"Ayokong nakikitang umiiyak ka"
Napaka lalim ng boses niya. Itinulak ko siya palayo dala narin ng aking pag aalangan. Kumunot ang noo niya at sinubukang lumapit muli saakin ngunit lumayo lamang ako.
"May nagawa ba akong mali?"
Malambot niyang tanong saakin. Umiling lamang ako at sinubukang takasan siya ngunit malakas ang paninindigan niyang kausapin ako.
"Hailey..galit kaba sakin?"
"Hindi..pagod lang ako"
Iniangat niya ang mukha ko para magtapat ang aming mga mata.
"Hindi mo ako maloloko..anong problema mo?"
Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Asher..paano kung isang araw gumising ka na hindi mo nalang ako mahal? Paano kung isang araw bigla akong magpaalam at Ayawan na kita..anong mararamdaman mo?"
"A-ano? Bakit mo natatanong yan..bakit Hailey? May balak ka bang lisanin ako?"
Napatakip ako ng mukha at pinunasan muli ang mga luha ko. Mukhang hindi ko ata kakayaning iwanan siya.
"Paumanhin Asher.. ngunit inaantok na ako"
Iyon lamang ang naisip kong palusot upang hindi na humaba ang aming usapan.
"Baby..."
Ang salitang iyon..labis akong narurupukan. Ang rupok ko.
"B-bakit?"
Hinila niya muli Ako papalapit sakanya at idinampi ang labi niya. Sinubukan ko namang magpumiglas ngunit hinalikan ko din siya pabalik.
"Tandaan mo, paggising mo bukas, mahal parin kita"
Labis akong nasaktan sa sinabi niya. Paano nato?
"Magandang gabi Asher.."
"Magandang Gabi, mahal ko..."
Sa sandaling iyon.. binibilang ko ang aking hakbang.. Pagkatapos ng limang hakbang ko..hindi ko na siya mamahalin..pipigilan ko na ang nararamdaman ko sakanya..
"Isa" kakayanin kong hindi gustuhin palagi ang presensya niya.
"Dalawa" sasanayin ko ang sarili kong hindi maramdaman ang lambing niya saakin.
"Tatlo" kakayanin ko...ba? Na hindi ko siya mahawakan?
"Apat" iiwanan ko na siya at..
"Lima" h-hindi ko na siya..hindi. Hindi ko kaya.
Tumakbo ako palapit sakanya at niyakap siya ng sobrang higpit.. halos buhatin na nga ata niya ako..
Pinaulanan ko siya ng halik sa labi habang buhat niya ako..
"Mahal na mahal kita Asher!"
Kitang kita ko ang saya sa reaksyon niya habang nakatitig lamang saakin.
"Mas mahal kita"
Unti unti ring umukit ang ngiti saaking labi.
Ibinaba na niya ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"May sorpresa ako sayo! Sama ka sakin"
Hinila niya lamang ako. Sinubukan ko namang wag maging marupok. Pero mahal ko e..huminga ako ng malalim habang paakyat kami sa hagdan..kailangan ko ng tapusin to..patawarin mo talaga ako Asher. Ngunit kailangan kong gawin ang mga bagay na kahit kailan hindi ko pinangarap para sa ating dalawa...

Claiming the CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon