Hailey's pov
Nandito ako ngayon sa aking silid habang pinagmamasdan ang mga bituin na sa aking bintana na lamang matatanaw. Nangungulila na ako ng lubusan sa aking mga kapatid. Kumusta na kaya sila at tila ako ay nagtataka kung bakit Napakatahimik ng kaharian kahit na dalawang araw na lamang ay gabi na ng lagim. Napakahirap isipin na aking iniwanan ang aking kapatid upang maging reyna sa kaharian na ito na may mga weirdong batas at wala naman sa tamang ka isipan ang mga anak ni Haring Felix. Hay makapagpahinga na nga lang. Ako na sana'y matutulog ng biglang bumukas ulit ang pintuan at nakita ko ang pawis na pawis na mukha ni Mabel.
"Mabel? Ano ang iyong ginagawa dito?"
"Paumanhin, ngunit may kailangan kang malaman"
Umayos ako mula sa aking pagkakahiga sa kama.
"Ano ang mayroon Mabel? At tila hindi ka mapakali"
"Si Miyaku, tila sinusumbatan Si prinsipe Asher dahil sa pag Aya sayo sa isang salo salo bukas ng gabi. Ngunit tama ba ang aking narinig na nagtapat sayo ang mahal na prinsipe ng damdamin?"
"Pardon?"
Huminga lamang ng malalim si Mabel at hinawakan ang aking mga kamay
"Simula pa lamang ng ika'y tumuntong dito sa kaharian. Hindi kana nagugustuhan ni prinsipe Asher ngunit walang makaalam kung bakit. Pero Hailey, dinig na dinig ko ang pagkasabi ni Prinsipe Asher."
"Linawin mo ang iyong balita Mabel dahil wala akong maintindihan"
"Gusto ka ng prinsipe. Ngunit hindi ito maaari dahil sa unang batas ni Haring Felix."
Napatawa na lamang ako sa kaniyang guni guning balita.
"Anong pumasok sa iyong isipan upang sabihin na ako ang napupusuan ni Prinsipe Asher?"
"Matagal ko na itong napapansin,Hailey."
"Gracias sa iyong balita Mabel. Ngunit mapahinga ka na lamang upang mabawasan ang iyong kahibangan. Buena Noches"
Hinila ko na palabas si Mabel sa aking silid. Marahil ay napagod din siya at tila napadami narin ang mga bagay sa kaniyang isipan kung kaya't mapaghihinalaan niya ng baliktad si Prinsipe Asher. Ibinaba ko na ang kurtina at agad na nagpahinga. Aalamin ko na bukas kung ano ano nga ba ang mga katangian ng mga royalties.
————————————————————
"Magandang umaga Señorita Hailey"
Agad akong bumangon ng aking masilayan ang liwanag ng araw.
"Buenos Dias Dona. Anong oras Naba?"
"Ika pito na ng umaga Binibini. Kaya't mainam na ika'y mag ayos na at magsasalo salo na kayo ng mga kababaihan"
Inabot ko ang suklay sa tabi ng aking unan at sinuklay ang aking buhok. Hindi na ako naliligo dito sa kaharian na ito. Hindi ba uso dito ang pagiging malinis sa katawan. Isinuot ko na ang mga mamahaling alahas at inalalayan naman ako ni Dona palabas sa aking silid. Tila napakabilis kung kaya't nakarating kami kaagad sa hapag kainan.
"Buenos Dias Hailey"
Pagbati ni Ella na hindi parin nagsasawang ngumiti. Ang tamis ng kaniyang ngiti ay pinalitan ko ng mapait na ngiti dahil narin sa hindi ko kainteresaduhan sa kung ano mang aming pag aaralan sa araw na ito.
"Kumain na kayo mga binibini dahil ano mang oras ay magsisimula na ang ikaapat na paglilitis"
Inumpisahan ko na ang aking pagkain ng biglang agawin ni Miyaku ang pagkain na aking inaabot.
"Sandali lamang. Ako ang nauna diyan"
"Tama siya Mayuki. Pati ba keso ay nanaisin mong angkinin?"
Pagsusungit ni Jane na tila hindi parin umubra kay Mayuki.
"Hayaan mo na lamang Jane. Tila nagugutom ang katulad niyang daga kaya nangangailangan siya ng keso"
Inabot ko ng maayos ang keso sakanya habang napaka talim ng kaniyang tingin saakin. Tama marahil ang isinumbong ni Mabel saakin na siya nga ay nakipagsumbatan kay Prinsipe Asher dahil sa kaniyang pag Aya saakin sa salo salo mamayang gabi. Ngunit bakit naman siya magagalit? Napupusuan niya ba ang prinsipe.
"Gracias Hailey. Mapagbigay talaga ang mga taong lupa"
Pang iinsulto niya saakin na aking ikinainit.
"Mabuti na lamang at tao parin ako kahit na taong lupa kung tawagin. Ikaw ba Miyaku? Gintong daga kaba?"
Dinig na dinig ang pagtawa ng mga kababaihan sa aking pagbabalik insulto kay Miyaku.
"Iniinsulto mo ba ako?"
"Hindi. Inilalarawan kita"
Tumawa silang muli na maging ang mga apprentice ay nakiSabay narin. Nagulat na lamang kaming lahat ng tumayo si Miyaku mula sa kaniyang kinauupuan at hawakan ng mahigpit ang braso ko patayo.
"Señorita Miyaku. Hindi maaari ang pananakit sa iyong kapwa dito"
"Wag kang mangialam"
Hinawakan niya ang aking buhok na ikinabahala ko dahil wala akong nagagawa.
"Nasasaktan na ako"
Pagmamakaawa ko sakanya ngunit patuloy niya parin hinihila ang mga buhok ko. Walang tumutulong saakin dahil lahat sila napapahamak kung makikipag away sila.
"Nola Toques"(don't touch her)
Agad akong binitawan ni Miyaku ng marinig namin ang isang napaka lalim na boses. Nag si tayuan ang mga kababaihan at sabay sabay na yumuko. Humarap din ako kaagad at nakita ko si Prinsipe Asher na tulad ng dati ay malamig din ang presensya.
"Paumanhin mahal na prinsipe ngunit.."
"Hindi ko kailangan ng iyong paliwanag. Nandito ako upang kunin ang unang kapareha sa ikaapat na paglilitis."
Napakapit ako sa mesa ng aking maramdaman ang aking panghihina.
"Hailey sumama kana saakin kasama ng iyong kapareha"
Tila ako'y nahihirapan maglakad kaya inalalayan na lamang ako ni Mabel palayo sa hapag kainan. Nagkatinginan kami ni prinsipe Asher bago pa man ako makalagpas.
"Mocosa"
Pabulong niyang sabi na aking ikinaisip ng labis.
"Halika na Hailey susunod na lamang si Faye"
Ipinasok ako ni Mabel sa isang silid at umupo naman kami sa kama
"Nasaktan kaba?"
Pag aalala niyang tanong na sinusuri kung merong sugat saaking katawan.
"Mabuti ang aking pakiramdam Mabel"
Huminga siya ng malalim kasabay ng pagbukas ng pinto at pagdating ni apprentice Faye.
"Buenos Dias Señorita's"
"Bueños Dias Faye"
Nakatingin lamang ako sa sahig at nanatiling iniisip ang kaniyang tinuran.
"Binibining Hailey. Tila may gumugulo sa iyong isipan?"
Agad akong Napa angat ng tingin sa tanong ni Faye.
"Paumanhin Faye. Ngunit ano ang ibig sabihin ng mocosa?"
Tumawa siya ng Marahan at umupo sa sofa na nakatapat sa kama.
"Saan mo naman narinig yan binibini?"
"Bago kami pumunta sa iyong silid ay ibinulong ito saakin ni Prinsipe Asher"
"Ang mocosa ay nangangahulugang "pasaway" bakit Señorita? May nagawa ka bang kapasawayan sakanya?"
"Hindi ko batid. Ngunit tila wala naman akong maalala. Ang alam ko lang ay matagal na akong hindi nagugustuhan ni Prinsipe Asher"
"O siya. Akin ng ibabahagi ang aking ituturo Sainyo"
Bumuntong na lamang ako ng hinga at isinandal ang aking ulo sa balikat ni Mabel.
"Si haring Felix. Isa siyang magiting na hari. Na kailanman ay hindi hinayaang bumagsak ang kaharian na ito, Matapang siya at masiyahin. Ngunit simula ng mawala ang kaniyang asawa at anak. Nabawasan na ito, Palagi siyang wala dito sa kaharian dahil sa mga traditionists at kung mapaparito naman siya ay nasa silid lamang at pinagmamasdan ang liwanag ng araw"
"Paano ang kaniyang mga anak?"
"Umaasa na lamang siya sa mga Army at apprentices upang mangalaga sa kaniyang mga anak"
Pinusod ko ang aking buhok ng makaramdam ako ng init.
"Dumako na tayo sa inang reyna. Si Reyna Calista. Ang ikalawang reyna ng Enchantress. Isang maganda,matalino,pasaway at may ginintuang kalooban. Ang Inang reyna ay tila anghel na ibinagsak mula sa kaitaasan. Napaka maintindihin niya at napakatalas ng kaniyang pag iisip. Ngunit siya ay pasaway na reyna at lumalabag sa mga kautusan na hindi dapat iniuutos. Ng ipanganak ang reyna. Mayroon siyang balat na bituin sa kaniyang palad."
"Ang bituin na iyon.. hindi ba't iyon ang simbolo ng amulet?"
"Tama ka Hailey. Ang lahat ng royalties na ipapanganak at may simbolo ng Amulet ang siyang tagapagmana nito at tagapagtanggol ng Enchantress. Siya ang tinatawag na "hinirang", Matagal na panahon na ang nakakalipas. Naitayo ang palasyo na ito dahil sa isang napaka gandang diwata na Si Hara Aurora. Siya ang nangangalaga ng amulet na nagtataglay ng isang kapangyarihan. Kakaibang kapangyarihan. Nagkaroon siya ng anak na si Reyna Calista. At ng ipanganak niya ito natural na may balat siya ng bituin sa kaniyang palad. Kung kaya't ng lumisan si Hara Aurora sa ating mundong kinagagalawan ipinasa niya ang kwintas kay Reyna Calista. At doon ay nahanap niya Si Haring Felix na kaniyang makakasama sa pagtataguyod ng Germany At Enchantress. Tandaan niyo na ang ngalan ng tinuturing nating birhen ay si "Malawi" siya ang pinaka malakas na diwata na nagpamana ng amulet kay Hara Aurora. Ngunit matagal na niyang nilisan ang ating mundo. Maraming nakapagsabi na nakasisilaw ang kaniyang ganda. At busilak rin ang kaniyang puso."
"Si Malawi ang birhen na sinasamba ng lahat?"
"Oo siya nga. Pagkatapos non. Nagkaroon ng anak si Reyna Calista At Haring Felix na si Prinsesa Calliope. Isang napaka gandang binibini at napaka talino rin niya ngunit namana niya ang kakulitan ng kaniyang ina. Pasaway rin siya at hindi sumusunod sa kahit anong batas. Malambing si Prinsesa Calliope. Ngunit demonyo siya sa mga nagtataray sakanya. Ngayon nga ay kasulukuyan niyang kinasusuklaman si Miyaku. Dahil sa kaniyang hindi kanais nais na pag uugali. Alam niyo ba? Na sa loob ng isang minuto ay kaya ni prinsesa Calliope na kabisaduhin ang kalahati ng nilalaman ng isang makapal na libro. Ganun na lamang katalino si Prinsesa Calliope. Kaya naman walang sinuman ang pwedeng manloko sakanya."
"Sumunod. Ng ipinanganak si Prinsesa Caily."
Ako'y napangiti ng kaniyang sambitin ang nawawalang prinsesa ngunit naalis din agad ang ukit ng ngiti sa aking labi ng titigan ako ni Faye ng tila gulat na gulat.
"Faye?"
"Ang ngiting iyan.. Yan ang mga ngiti ni Prinsesa Caily."
"Ha? Uhm Faye ayos ka lang?"
Hinawakan ko ang kaniyang kamay at tila nagising siya sa isang panaginip.
"Ang iyong buhok señorita"
Napatingin ako sa salamin at dumadami ang pagbabago ng kulay sa aking buhok. Inilugay ko na lamang ito at umupo sa kamang muli.
"Ituloy mo na Faye"
Pagpipigil ko sa maaari pang sambitin ni Apprentice Faye.
"Si prinsesa Caily. Isang mahiwagang bata na siyang sinasabing tagapagmana ni Reyna Calista. Napaka ganda niya ng siya'y isilang. Sinabi nila na tulad ng kaniyang ina ay mayroon din siyang nakakaantig na tinig at nakakabighaning mga ngiti. Tulad mo Señorita Hailey. Ang iyong ngiti ay may kakayahang makapag pangiti ng kahit na sino mang iyong ngingitihan. Napaka lambing rin ng iyong tinig. Ngunit ang pinagtataka ng marami. Si Prinsesa Caily ay walang Balat na bituin. Ngunit ang bawat titig niya ay nakakamangha na tila ika'y nakatingin ka sa isang bituin."
"Napakagandang Prinsesa sana niya."
"Tama ka Mabel. Sayang lamang dahil hindi ko siya nasilayan lumaki"
"Si Prinsipe Noah naman. Si Prinsipe Noah ay ay masiyahing ginoo. Maintindihin at tuso sa pakikipaglaban. Matalino rin siya kaya madalas siyang magtaka sa mga kilos na tila may itinatago. Hindi man niya makasundo si Prinsesa Calliope dahil madalas silang tila aso't pusa. Kasundo niya palagi si Prinsipe Asher. Nung maganap ang digmaan. Ipinasuot ni Reyna Calista ang amulet kay Prinsesa Caily at iniwanan niya ito sa kaniyang silid. Ipinabantay niya si Prinsesa Calliope kay Apprentice Angela. Ang matagal ng nawawalang apprentice. Habang nasa sinapupunan pa lamang niya si Prinsipe Noah. Nakipagdigma si Reyna Calista at ng kaniyang balikan si Prinsesa Caily ay wala na siya sa kaniyang silid. Maging ang amulet. Naramdaman niya ang pag sakit ng kaniyang tiyan. Isinilang niyang mag isa si Prinsipe Noah sa kaniyang silid. At tuluyan ng pumanaw dahil sa sakit ng mga sugat. At natamaan ng pana ang kaniyang dibdib. Ngunit tingnan mo nga naman nakuha niya pang isilang si prinsipe Noah. Biglaan ang lahat. Katulad ng biglaang pagkawala ng prinsesa at reyna. Lumisan din ng kaharian si Apprentice Angela. At wala paring may alam kung nasaan si Prinsesa Caily at ang amulet. Walang sinuman ang pumapasok sa silid ng inang reyna maliban kay Haring Felix. Isang taon matapos ang digmaan kinupkop ni Haring Felix si Prinsipe Asher. Isang masiyahin na dumating ngunit naging malamig na prinsipe ng magtagal dito. Hindi mo siya makikitang ngumiti ngunit kung iyong makita ay kakaiba kang nilalang. Siya ang may pinaka malamig na pakikitungo sa mga nasasakupan niya. Ngunit tandaan niyo. Si prinsipe Asher ay may tinatagong ibang pangkat ng katangian na kailangan niyong malaman."
Napatayo kaming bigla ni Mabel ng tumunog ng muli ang Kampana. Yumuko kami kay Apprentice Faye at nagpasalamat.
"Tapos na ang ikaapat na paglilitis. Gracias Señorita's nawa'y inyong maalala ang aking mga naituro"
Pinagbuksan na kami ng pinto ni Faye at lumabas nadin kami ni Mabel.. Napakasakit na sa ulo. Hay..
BINABASA MO ANG
Claiming the Crown
FantasyA happy and peaceful Castle that is know as the heart of the City turns to be the coldest and mysterious Castle that is now known "trouble in City" can a simple village girl can change the tradition?