Kabanata 3; Unang Paglilitis

41 15 0
                                    

Hailey's pov

Idinala ako ni Dona sa isang malawak na silid. Napakadilim at alikabok. Namangha ako ng buksan niya ilaw at makita ko ang napakaraming pinta at sandata Sa loob ng silid.
"Maligayang pagdating sa iyong unang paglilitis,Binibini"
"Unang Paglilitis?"
Isinara niya ang pintuan at naglakad patungo sa gitna ng silid.
"Ako si Donatella. Ang apprentice ni Prinsesa Calliope"
"Apprentice?"
Tumango siya at huminga ng malalim.
"Lahat ng kababaihang royalties ay may kanya kanyang apprentice. At narito ako upang maging iyong unang guro"
"Paumanhin Dona, ngunit wala akong maintindihan"
Tumawa siya ng marahan kasabay ng pagtakip niya sa kanyang bibig.
"Meron kang pitong paglilitis kasama ng ibang napili sa pagiging reyna"
Hinila niya ako bigla at ipinaupo sa isang sofa.
"Makinig ka muna riyan"
Tumango na lamang ako habang palakad lakad siya at pahawak hawak sa iba't ibang litrato.
"Ituturo ko saiyo ang kinatatayuan ng mga Royalties. At ako ang magsisilbing alalay mo sa susunod mo pang paglilitis"
Bigla niyang ipinatayo sa harapan ko ang isang napakalaking pinta.
"Sila ang royalties,Binibini"
Napatitig ako sa mga larawan. Isa silang pamilya. Ngunit si Haring Felix lamang ang namumukhaan ko.
"Nakikita mo ba ang babaeng nakasuot ng asul?"
Nabaling ang atensyon ko sa isang napaka gandang babae sa pinta. Nakabuhaghag ang kanyang buhok na kulay blonde. Nakangiti siya at napakaamo ng mukha niya. Tumango na lamang ako habang nakatitig parin sa nakakabighaning binibini.
"Siya si Reyna Calista,asawa ni Haring Felix. Ang ating Inang Reyna"
Halos malaglag ang panga ko sa marinig ko. "Inang Reyna" siya pala ang pumanaw na sinasabing natatanging Reyna ng Enchantress.
"Uhm dona, Kung Inang Reyna siya ay Amang Hari din ba ang tawag kay Haring Felix?"
Tumawa nanaman si Dona at napatingin saakin ng nakakalokong tingin.
"Hindi aking binibini. Hari lamang ang tawag sakanya. Sadyang ikinararangal lang talaga namin ang inang reyna"
Ngumiti akong muli kahit na wala paring namumulat saaking isipan.
"Sa tingin ko, hindi ako bagay maging reyna"
"Binibini, ang isang magiting na babae ay hindi kailanman nag isip ng ganyan"
Napahinga ako ng malalim ng hawiin niyang muli ang pinta
"Makinig ka lamang saakin"
Tumango akong muli.
"Kilala mo naman na si Haring Felix, Tama ba ako?"
Ngumiti ako sakanya simbolo na oo. Dahil hinahangaan ko si Haring Felix sa pagtataguyod niya sa Germany ng mag-isa.
"Ang batang katabi ng inang reyna"
"Ang naka pula? Sino siya Dona?"
Hinaplos niya ang mukha ng bata sa pinta.
"Siya ang aking señorita. Si Prinsesa Calliope. Ang panganay na anak ng inang Reyna at ni Haring Felix"
Nagtaka ako sa kanyang tinuran. Malamang ay malaki na ang prinsesang yan ngayon.
"Kung siya ang panganay na anak ni Reyna Calista,bakit hindi na lang siya ang maging reyna?"
"Hindi kailanman niya hinangad na maging tagapagmana ng korona ng kanyang ina. Nais niya lamang na mamuhay ng tahimik at normal tulad mo na nasa mababang pangkat"
Bigla akong inantok kaya't napatakip na lamang ako sa bibig ko.
"Mukhang buntis ang inang reyna sa larawan na yan"
Tumango si Dona sumunod namang itinuro ang sanggol na hawak ni Haring Felix.
"Siya si Prinsesa Caily, ang nawawalang prinsesa"
Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinambit. Ibig sabihin sanggol pa siya nung nawala siya?
"Wala parin bang balita sakanya?"
"Wala pa,binibini. At inakma na lamang ng hari na wala na ang kanilang ikalawang anak."
Napakunot ako ng noo at tumingin ulit sa larawan. May nakasuot sakanyang mamahaling kwintas na tila hindi pangkaraniwan.
"Ang kwintas na iyon. Para saan yon?"
Naitanong ko dahil parang nakita ko na ang markang kamangha manghang bituin sa gitna ng diyamanteng kwintas.
"Yan ang amulet, isang makapangyarihang kwintas na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan. Nasabi rin na si Prinsesa Caily ang tagapagtanggol ng Enchantress, ngunit sa kasamaang palad. Nawala siya"
Nalungkot ako ng marinig ang masakit na kwento ni Dona tungkol sa nawawalang prinsesa
"Anong kapangyarihan ng amulet?"
"Paumanhin Binibini. Ngunit hindi ko maaaring sabihin pagkat wala iyon sa listahan ng aking ituturo sayo"
Bumuntong ako ng hininga at bumalik ang tingin sa larawan
"Sino ang ipinagbubuntis ng Inang Reyna sa litrato?"
"Siya si Prinsipe Noah. Ang bunsong anak nila Haring Felix. Ngunit tulad ni Prinsesa Calliope, nais niya lang rin na maging normal ang buhay niya."
Dahan dahang itiniklop ni Dona ang larawan at hinila ako palabas. Hawak hawak niya parin ang damit at mga alahas ko.
"Pardon Dona, bakit ayaw mong bitawan ang mga yan?"
"Tradisyon dito na isuot ito sa oras ng paglilitis, ngunit mamaya mo pa ito maaaring isuot."
Tumango akong muli at inilagay ang kamay ko sa aking likuran.
"Mahalaga ang pagkakaalam mo sa mga katayuan ng mga nasasakupan mo bilang reyna. At aaminin kong mahirap silang alalahanin lahat. Ngunit alam kong kaya mo yan Binibini"
Naglakad lang kami hanggang sa mapansin ko ang napakaraming naka puting damit na naglilinis ng kaharian kasama ng isang ginang na tila may alalay pa.
"Mga katulong?"
"Hindi Binibini. Sila ang mga alipin. At ang ginang na iyong nakikita ay si Madame Vivian o tawagin mo nalang sa ngalang V. Siya ang namamahala sa mga aliping babae, at si Faye na nasa likuran niya ay ang kanyang apprentice."
"Aliping babae? Ibig sabihin ba ay may aliping lalaki rin?"
"Wala. Sila ay ang mga tinatawag naming Army Oh sundalo ng Enchantress."
Napatingin muli ako sa mga babaeng tila walang pakialam sa paligid at naglilinis lamang.
"Ngunit paano nagkaroon ng apprentice ang pinuno ng Alipin?"
"Iginagalang siya dito,Binibini. Dahil sa kanyang mahigit limang taong paglilingkod sa kaharian"
"Eh ikaw? Ilang taon kana dito?"
"Isang taon pa lamang ako dito."
Nagpatuloy siya sa paglalakad habang punong puno parin ako ng katanungan.
"Ibig sabihin ba nun? Hindi lang ikaw ang naging apprentice ni Prinsesa Calliope?"
"Hindi, ngunit pagkatapos ng digmaan. Bigla na lamang siyang naglaho at walang nakakaalam kung nasaan na siya ngayon"
Grabe. Napaka misteryoso ng palasyong toh.
Napatigil ako sa paglalakad ng makita ang isang guhit ng matanda na nakadikit sa dingding sa may tabi ng isang pintuan.
"Dona? Sino ito?"
Lumapit saakin si Dona at pinaatras mula sa guhit"
"Siya si Mrs. Petunia, ang pinakamatandang apprentice. Siya ang Apprentice ni Reyna Calista"
Nakita ko ang pintuan sa tabi ng guhit.
"Nandito pa siya?"
"Oo, nariyan siya sa silid na yan. Ngunit lumalabas lamang siya diyan kung may mahalagang sasabihin ang hari."
Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Dona. Unang araw at sandali ko pa lang sa kaharian na toh andami ko ng nalalaman.
"Naku pasensya na señorita"
Nagulat ako ng biglang pulutin ng batang babae ang nabasag na baso sa lupa dahilan ng pagkabunggo niya saakin.
"Daisy! Ano ka bang bata ka"
Agad namang may tumulong sakanya na ginang sa pagpupulot. Parehas silang nakasuot ng puti. Malamang ay pareho silang alipin dito. Umalis na sila matapos mapulot ang baso at dali daling tumakbo palayo.
"Ang batang iyon.. isa ba siyang.."
"Oo binibini. Siya si Daisy, ang pinakabatang alipin ng Enchantress. At ang tumulong sakanya ay si Dahlia. Ang kaniyang ina"
Tumuloy sa paglalakad habang gulat na gulat parin ako sa nangyare.
"Ilang taon na si Daisy?"
Naglakad padin siya
"Labing apat"
Napatigil ako sa paglalakad. Labing apat? Eh mas bata pa siya kay Gemina e. Hay nakaka ulila naman ang mga kapatid ko sa Village. Hinabol ko nalang muli si Dona ng may mabunggo akong lalaki at napaupo ako sa lupa.
"Binibini!"
Dinig kong sigaw ni Dona at agad naman akong inalalayan.
"Pasensya na po"
Pinampag ko ang magarang damit ng lalaking nakabunggo ko. Ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at napatingin ako sa mukha niya. Napaka bagsik ng mukha niya. Ang kapal ng kilay niya,ang haba ng pilik mata niya napaka puti niya at ang pula ng labi niya, ang buhok niya ay nasa tamang ayos ay napaka lambot ng kamay niya.
"Ikapapahamak mo ang iyong ginagawang kapraningan"
Nagulat ako ng bigla niya akong itulak palayo sakanya at inalalayan naman ako ni Dona.
"Ikapapahamak mo ang iyong ginagawang kapraningan"
Pag uulit ng salita niya sa aking isipan. Teka, hindi kaya siya si Prinsipe Noah?
"Dona,Sino siya?"
"Siya Si prinsipe Asher,Binibini"
"Ha? Akala ko ba tatlo lamang ang anak ng inang reyna?"
Bigla niya akong hinila papasok sa isang silid. Namangha muling ako dahil sa ayos at luwang ng silid na ito.
"Si Prinsipe Asher ang inampon ni Haring Felix na bata sa City ng mawalan siya ng magulang. Isa siyang malamig na prinsipe"
"Malamig na prinsipe?"
"Oo. Sa sobra ba naman niyang katahimikan ay nabansagan siyang "coldest prince" ngunit maraming nagsasabi na masaya siya tuwing magkasama sila ni Prinsipe Noah, at tanging si Prinsipe Noah lang ang nakakaalam ng ibang katangian ni Prinsipe Asher"
Napaupo ako sa kama. Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko
"Ang mga lalaking royalties.. wala silang apprentice?"
"Wala binibining Hailey, Ngunit may dalawang Army na pinagkakatiwalaan ng Hari upang bantayan ang dalawa niyang lalaking anak"
"Sino sila?"
"Si Jayden. Ang pinuno ng Army. Upang bantayan si Prinsipe Noah. At si Logan. Ang magiting na Army upang bantayan naman si Prinsipe Asher"
Napahiga na lamang ako sa napaka lambot nilang kama.
"Magpahinga kana Binibining Hailey. Bukas ay sasabihin ko sayo ang uri ng paglilitis mo at makikilala mo na ang iba pang napili upang subukin ang paglilitis Ni haring Felix."
"Salamat sa iyong mga tinuro Dona"
"Walang anuman Binibini. Isuot mo ang damit na nakalaan Sayo pati narin mga alahas para bukas. Ikinararangal kong makilala ka. Magandang Gabi"
Tuluyan ng lumabas si Dona at isinara ang pinto..
Napaka dami ng kanyang tinuro. Ang sakit sa ulo. Hay makapagpahinga na nga lang..

Claiming the CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon