Hailey's pov
Pagkatapos ng ikaapat na paglilitis ay magkakaroon muli ng salo salo sa pananghalian ngunit si Prinsipe Asher na ang aming kaharap. Tila mahihirapan akong makitungo dito.
Naglakad na ako kasama ni Apprentice Dona at ng kami makarating na sa hapag kainan. Napaka lamig parin ng presensya ni Prinsipe Asher ngunit napaka lawak ng ngiti ng mga kababaihan dahil narin sa taglay na kagwapuhan at kakisigan ni Prinsipe Asher.
"Buenos Dias Señor"
Aking pagbati na ikinairap ng mga matatalim na mata ni Miyaku. Ano ba ang kaniyang problema at tila napaka laki ng kasalanan ko sakanya.
"Simulan niyo na ang pagkain"
Ani Prinsipe Asher na tinugunan naman naming lahat. Habang ako'y kumakain naalala ko na inimbitahan pala ako ng mahal na prinsipe para sa salo salo mamayang gabi. Dadalo kaya ako? Hay sino nga ba naman ako upang tumanggi sa Aya ng isang royalty. Agad ng nagsialisan ang mga kababaihan pagkatapos ng mga ilang subo. Tumayo na rin ako at humawak sa braso ni Dona patungo sa ballroom kung saan gaganapin ang ikalimang paglilitis. Sa aming paglalakad ay nabunggo ko si Ginang Dahlia ang ina ni Daisy. Nabasag ang tasang hawak niya kaya't agad akong bumitaw sa braso ni Dona at tumulong sa pagpulot ng mga salaming nakakalat sa sahig.
"La parada (stop) Hailey"
Ikinagulat ko ang biglaang pagpipigil saakin ni Prinsipe Asher kasama ng kaniyang ginagabayan na si Miyaku.
"Trabaho niya yan at dapat ay hindi kana nangingialam"
"Paumanhin Prinsipe ngunit.."
"Tigil. Paano kung ika'y masugatan? Tumayo kana riyan At magtungo sa iyong patutunguhan"
Nanatili akong nakatingin sa kaniyang kakaibang ekspresyon.
"Tayo na Señorita"
Hinila ako ni Apprentice Dona at nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi ko maiwari ang tunay na nararamdaman ni Prinsipe Asher saakin. Kung tunay nga ba na siya'y nagagalit bakit tila nag aalala siya saakin kanina. O marahil nahihibang na ako gawa ng karamihang bumabagabag saaking isipan. Huminto kami sa napakalawak na sayawan. Nakita ko ang isang binibining nakasuot ng maliit na korona at nakadamit ng pulang gown. Marahil siya na nga si Prinsesa Calliope ang panganay na anak ni inang reyna. Napaka puti niya rin at makapal ang kilay. Katamtaman lamang ang haba ng kaniyang pilik mata. Napaka tangos ng kaniyang ilong at tamang tama ang sukat ng kaniyang labi. Sa kaniyang kasuotan ay makikita mo ang kaniyang perpektong espasyo ng katawan. Napakaganda niyang prinsesa. Agad na akong lumapit sa tabi ni Mabel, Kasama ng ibang kababaihan.
"Magandang Hapon sa inyong lahat. Sisimulan ko na ang ating paglilitis. Ngunit bago iyan. Magkakaroon kayo ng sari sariling kapareha. Narito ang aking dalawang kapatid. Ang dalawang magigiting na pinuno ng armies. At dalawa pang sundalo."
Pansin ko ang pagngiti ng lahat ng kababaihan sa harapan ng prinsesa. Maliban kay Miyaku na nakakunot parin ang noo.
"Ella, Kapareha mo ang isa sa mga Army"
"Masusunod, Mahal na prinsesa"
Inilagay ni Ella ang kaniyang kanang palad sa kaniyang dibdib at yumuko sa prinsesa. Humakbang na siya palapit sa isang sundalo na kaniyang makakapareha.
"Fiona, Sayo naman ang isa pang natitirang sundalo."
"Ngayon din Kamahalan"
Ganun din ang pagpatong ng palad sa dibdib ni Fiona bago lumapit sa kaniyang kapareha. Napaka tahimik dito at tila walang ibang dapat gawin kundi ang sumunod sa royalty.
"Mabel, Ikaw na kay Logan"
"Masusunod"
Yumuko rin si Mabel at lumapit kay Logan na tagapagbantay ni Prinsipe Asher.
"At ikaw naman Miyaku"
"Paumanhin Mahal na prinsesa, ngunit nanaisin ko sanang makapareha si Prinsipe Asher"
Natigilan kami sa asal na ipinakita ni Miyaku. Napataas ang isang kilay ni Prinsesa Calliope at ngumisi na lamang sa mapangahas na Miyaku.
"Pardon. Ngunit si Jayden ang iyong kapareha"
Nakita ko ang pag irap ng mata ni Miyaku na tila ikinagalit ng natatanging prinsesa.
"Hindi ko gugustuhing Magturo ng isang bastos. Binibining Miyaku"
"Paumanhin"
Yumuko siya na tila napipilitan pa bago humakbang papalapit sa pinuno ng sundalo.
"Ikaw naman Jane. Kapareha mo ang aking isang kapatid. Si prinsipe Noah"
"Ikinagagalak ko nga, mahal na prinsesa"
Labis ang ngiti ni Jane at iginalang muna ang prinsesa bago lumapit sa prinsipe. Hindi nila maitatago ang kanilang pagtingin sa isa't isa. Ngunit batid naming lahat na hindi sila pwedeng mag ibigan dahil sa unang batas. Sandali. Ibig sabihin ba neto.
"Tama ang iyong hinala. Ikaw ang kapareha ng aking isang kapatid. Si prinsipe Asher"
Natigilan ako at napatingin kay Prinsipe Asher na napakalamig parin ng presensya at tila walang pakialam sa mundo.
"Masusunod Diwani"
Inilagay ko rin ang aking palad sa aking dibdib at yumuko bago ako tuluyang lumapit kay Prinsipe Asher
"Puwesto"
Pagbibiglang utos ni Prinsesa Calliope. Nagulat na lamang ako ng hilain ako ni Prinsipe Asher dahil sa aking kawalan ng kooperasyon.
"Magsilapit ang mga magkapareha"
Napatingin ako sa mga mala dagat na mata ng prinsipe nung ako'y humakbang papalapit sakanya.
"Sunod. Mga binibini. Ipatong ang inyong dalawang kamay sa balikat ng kaparehang ginoo"
Biglang bumilis ang aking tibok ng puso ng kunin ng mahal na prinsipe ang aking mga kamay at ilagay sa kaniyang mga braso. Nakatitig lamang ako sa kaniyang mga mata. Bakit tila kakaiba ang aking pakiramdam.
"Mga ginoo . Batid niyo na ang susunod"
Nagsitaasan ang aking mga balahibo ng ikapit ni Prinsipe Asher ang kaniyang dalawang kamay sa aking baywang. Napaka hinhin ng kaniyang pagkakahawak.
"Simulan ang pagsasayaw. Pagsabayin ang bawat hakbang"
Humigpit ang kaniyang hawak sa aking bewang ng magsimula na ang isang romantikong tugtog.
"Kanan ang mauuna"
Kaniyang sambit na akin na lamang tinugunan, nagsimula ang aming paghakbang at nagsimula ang pagbagal ng mundo at pagkawala ng lahat ng nilalang. Tila kami lamang dalawa ang naririto. Tila ansarap sarap sa pakiramdam na maisayaw ka ng isang tulad niyang prinsipe. Napaka lambot ng kaniyang mga kamay at napaka suwabe ng galaw niya.
"A-aray"
Nagulat na lamang ako ng makaramdam ako ng patid saaking paa at tila na palayo ang aking bagsak.
"Señorita!"
Sigaw ni Dona. Ngunit mas nanaig ang aking takot ng maramdaman ko ang init saaking likuran.
"Ang kaniyang kasuotan. Ilayo niyo siya sa apoy"
Nasusunog ang aking kasuotan. Lumayo na ako dito kaagad at tinapunan naman ni Jayden ng Tubig ang aking kasuotan. Bigla na lamang tumulo ang aking luha sa sakit na aking naramdaman. Napatingin ako kay Prinsipe Asher. Wala man lamang siyang reaksyon. Ngunit napansin ko ang kaniyang mga mata na tila naluluha narin. Batid kong sinadya niyang patirin ako kung bakit kinailangan niya pa itong gawin.
"Itigil ang ikalimang paglilitis. Dona gamutin mo na siya"
Nasilayan ko ang paglayo ni Prinsesa Calliope kasunod ng dalawang prinsipe at ng iba pang mga ginoo. Nag iwan ng tingin saakin si Prinsipe Asher bago tuluyang lumayo.
"Tayo na sa iyong silid binibini"
Inalalayan akong muli ni Dona at nagtungo kami sa aking silid.
Hinubad ko ang aking kasuotan at umupo sa kama. Ramdam ko ang hapdi ng aking sugat habang ito'y nililinisan at ginagamot ni Dona.
"Tila may kakaibang hugis sa iyong sugat"
Natigilan ako sa kaniyang sinambit at sinuot na lamang muli ang aking kasuotan.
"Hayaan mo na lamang Dona. Nais kong mapag isa"
"Kung ganon, Magpahinga kana Binibini. Batid ko ang Nangyare kaya't labis kang nabigla. Tawagin mo lamang ako kung ako'y iyong kailanganin"
Tumango na lamang ako at isinara na niya ang pintuan sa aking silid. Itinaas ko ang aking dalawang binti sa kama at nagkuyom. Ipinatong ko ang aking ulo sa mga ito at tila itinatago ang aking mukha. Hindi ako nabigla sa aking pagkaka dampi sa apoy, ngunit mas nakakahindik ang asal na ipinakita ni Prinsipe Asher. Nagpahinga na lamang ako ng mga ilang oras bago tuluyang gumabi.
————————————————————
Gumising akong lubog na ang araw. Ako ang tipo ng babaeng hindi kailanman hindi tumupad ng pangako. Kaya ako'y lumabas na sa aking silid upang dumalo sa salo salo ni Prinsipe Asher lingid sa kaniyang ginawa kanina. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hanggang ako'y makarating sa kaniyang silid.
"Prinsipe Asher Ako'y naririto na"
Hinintay ko ang kaniyang pagsagot ngunit tila wala siyang narinig
"Prinsipe Asher!"
Itinapat ko na ang aking tenga sa kaniyang pintuan ngunit hindi parin siya sumasagot. Sinubukan kong katukin ngunit wala parin.
"Mahal na prinsipe! Naririnig mo ba ako?"
Kinatok ko itong muli. Ngunit wala paring sumagot. Nakakabahala naman ang aking ginagawa, baka ako'y pagkamalan pang magnanakaw dito. Huminga ako ng malalim at pinihit ang bukasan ng pintuan. Ibinukas ko ito ng kaunti at wala akong nasilayang pagsasalo salo ngunit ang isang prinsipe na himbing na himbing sa pagkakatulog. Marahil sa kaniyang kapangahasan ay nalimutan narin niya ang kaniyang tinuran. Hindi na ako magtataka. Pinaglalaruan at pinaglilibangan lamang ako ng prinsipe. Nagdesisyon akong bumaba na sa hagdan ng aking masalubong ang nag iisang prinsesa
"Hailey?"
"Mahal na prinsesa"
Itinapat kong muli ang aking palad sa aking dibdib at yumuko.
"Ano't hindi ka pa nagpapahinga? At ano ang ginagawa mo sa itaas?"
"Patawad Diwani. Ngunit inimbitahan ako ni Prinsipe Asher para sana sa isang pagsasalo salo sa gabing ito. Ngunit sa kasamaang palad, tila nakalimutan niya ito at Napa himbing ang kaniyang tulog"
"Nakakatawa ka Hailey. Hindi niya iyon nakalimutan sadyang ika'y pinaglaruan lamang ng aking kapatid. Ganiyan talaga siya sa kaniyang mga nagugustuhan. Sa una ay mampipikon ngunit titiklop rin. Wag kang mag-alala. Makikilala mo rin siya. Siya nga pala, kumusta ang iyong sugat?"
"Ayos lang mahal na prinsesa naagapan na ito ni Dona"
"Kung ganon, maganda gabi Binibini. Magpahinga kana"
"Buena Noches Diwani"
Tumuloy na siya sa kaniyang paglalakad. Ano't ganoon ang paraan ni Prinsipe Asher sa pagpapakita ng pagkakaibigan. Hay nakakasama ng loob ang kaniyang ginawa saaking pananakit at Pag papaasa, mainam na lamang talaga na ako'y magpahinga na, dahil wala akong mapapala sa aking pagkakahibang na maging kaibigan ang isang prinsipeng katulad ni Prinsipe Asher..
BINABASA MO ANG
Claiming the Crown
FantasyA happy and peaceful Castle that is know as the heart of the City turns to be the coldest and mysterious Castle that is now known "trouble in City" can a simple village girl can change the tradition?