Kabanata 29; Rebellion

12 5 0
                                    

Hailey's pov

"Kailangan mauna tayo sa kuta ng mga rebellion"
Maaga akong nagising sa pang gagambala ni Miyaku sapagkat pilit na binihag ng mga rebellion si Asher. At nakapagtatakang walang nakaka alam dito, maliban saamin ni Miyaku. Ang mga rebellion ang ikalawang kalaban ng kahariang Enchantress maliban sa mga Vampira. Narito kami ni Miyaku sa museo upang kumuha ng sandata ngunit tila hindi kami pinalad na makaabot pa ng mga espada at punyal.. tanging mga tela na Lamang at paypay ang narito sa loob.
"Miyaku! Gamitin nalang natin ang mga tela! Wala na tayong oras baka kung anong gawin nila kay Asher"
Sambit ko habang nanginginig ako sa takot. Hindi ko batid kung hanggang saan ang buhay ko ngunit kailangan kong masigurado na magtatagal si Asher sa kaharian na ito. Sa totoo lang ay hindi ako naniniwalang siya ang kalaban ko ngunit nakakatawa naman kung isusumbat ko ito kay birheng Malawi hindi ba? Kaya't mabuti na ako na lamang ang magpatunay sa kanilang lahat na hindi imposibleng magmahalan ang mga lobo at Vampira.
"Tayo na Mahal na prinsesa!"
Hinila na ako ni Miyaku patungo sa likuran ng kaharian. Maraming sundalo ang nagbabantay sa harap kaya dito na lamang kami dadaan.
"Bakit hindi ito alam ng mahal na Hari?"
"Malalaman rin nila mamaya. Pero kung mamaya pa tayo makikisama sakanila marahil ay mapapahamak na ang prinsipe"
Tuloy tuloy kami sa pagtakbo hanggang makalabas sa likuran ng kaharian. May tatlong sundalong nakabantay.
"Mauna kana Caily! Ako ng bahala sakanila"
Wari ni Miyaku habang tumatakbo ako patungo sa labas.
"Mga kawal! Pinapatawag kayo ng hari"
Madiin niyang sambit sa mga sundalo na ikinatawa ko. Mabilis lang siyang nakalabas kaya magkasama kaming lumayo sa kaharian.
"Batid mo ba kung saan ang kuta ng mga rebellion?"
Tanong ko sakanya.
Napatikom siya at napatingin sa malayo.
"Hindi e"
"Siraulo kaba?"
Pagtatalo namin. Walang may alam sa amin kung saan ang kuta ng rebellion. Paano kami makakarating?"
"Pero alam ko ang itsura"
Maikli niyang tugon. Hinawakan niya ang kamay ko at nagsenyas na papikitin ako.
Inihanda ko ang sarili ko sa init na nararamdaman ko para sa paglalaho.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay tanaw ko na ang isang mansyon na nakatayo sa kagubatan.
"T-teka! Dito kami..."
"Dito kayo ano?"
"Dito ko dinala si Asher noon"
Naalala ko ang mga araw na inilayo ko si Asher sa kaharian ng Enchantress upang akitin at patunayan na tulad ng ibang lalaki ay katawan lang rin ang habol niya sa akin.
"Magtago ka Caily"
Sinubukan kong itago ang aking sarili sa likuran ng isang puno. Nagsisilabasan na ang mga tauhan ni Alexander. Si Alexander ang pinuno ng mga rebellion na nais sumakop sa Enchantress katulad ng mga Vampira.
"Dito kalang"
Sinuot ni Miyaku ang kapa niya at itinali ang tela sa kamay niya.
"Saan ka pupunta?"
Nangamgamba kong tanong.
"Kailangan kong mapaalis ang mga tauhan riyan upang makapasok tayo"
"Pero mapanganib"
"O sige balik na tayo hayaan nalang natin na mamatay si Asher diyan"
Huminga ako ng malalim habang pinapanood kung paano nagtungo si Miyaku sa mga tauhan.

Unti unti siyang lumalapit habang pagtataka lamang ang reaksyon ng mga rebellion.
Hindi ko man marinig ang usapan nila ngunit alam kong may iba.

Umalis ako sa aking pinagtataguan at lumipat sa iba pang puno hanggang makapuslit ako sa isa pang lagusan sa mansyon. Batid kong may pintuan pa sa gilid sapagkat nakita ko ito ng dalhin ko dito si Asher.

"Mga lapastangan!"
Dinig ko ang sigaw ni Miyaku na tila pag iinarte lamang. Nakuha niya ang atensyon ng mga rebellion kaya nag madali akong pumasok sa gilid ng Mansyon.

Tama nga ang hinala ko. Si Asher Lamang ang nakita ko sa unang silid na napasukan ko. Isang madilim at maduming silid kung saan nakagapos siya at walang malay. May dugo siya sa ulo at tila nanghihina na.
Nilapitan ko siya at sinubukang gisingin.
"Asher..Asher gumising ka dali"
Wala akong mapapala kung gigisingin ko lang siya ng ganito..

Naghanap ako sa silid na iyon kung anong maaari kong ipangputol sa taling nakagapos sakanya.
"H-Hailey.."
"Asher? Gising kana?"
Nagtungo muli ako sakanya at inangat ang mukha niya upang makita ko siya ng maayos.
"I-isa akong Vampira"
"Ano!!?"
Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Paano niya nalaman? May alam din ba ang mga Rebellion?

Narinig ko ang mga yapak na papalapit sa silid na kinaroroonan namin ni Asher.
"Magtago ka Hailey"
Malalim niyang sambit.. nagtago ako sa likod ng kurtina na hindi na mahahalata sa sobrang dilim.
-

"Gising kana pala Aking tagapagmana"
Kinilabutan ako sa tinig. Isang napaka lalim na boses at tila mataas ang tindig niya.
"Oras na para maging isa kang Vampira"
Napahawak ako sa aking dibdib ng maaninag ko ang isang matinding liwanag kasabay ng hinanakit na sigaw ni Asher.

"Itigil Mo yan Supremo!"
Narinig ko ang boses ni Miyaku kaya't lumabas na ako sa kurtina.
Lumapit ako kay Asher ng makita ko ang kandila. Kinuha ko ito upang alisin ang tali niya.
"Buhay ka pa pala"
Matinis na tugon ni Miyaku. Siya si Supremo? Ang hari ng mga Vampira. Ang tunay kong kalaban.

Inalis ko si Asher mula sa kaniyang pagkakagapos..
"Lapastangan!"
Ibinalot ko ang telang hawak ko sa leeg ni Supremo..
"Caily Wag!"
Madiin akong bumagsak sa lupa dahil sa taglay na lakas ni Supremo. Isang tama pa sana niya ng kapangyarihan niya sakin ngunit hinarangan ito ni Asher.
"Tama na Supremo! Maawa ka sa pamangkin mo! Sa tagapagmana mo!"
Mangiyak ngiyak na sambit ni Miyaku. Nagdurugo ang mga balikat namin ni Asher...
"Ikaw si Caily?"
Hindi makapaniwalang sambit niya.
"May awa ako sa pamangkin ko...ngunit sa hinirang na lobo ay wala!"
Idinaplis niyang muli ang kaniyang kapangyarihan ngunit niyakap ako ni Asher upang sanggain ito..

Bakit ganon...bakit ang hina hina ko..

Napahawak ako sa dibdib ko ng makapa ko ang kwintas... inalis ko ito at itinapat kay Supremo..kitang kita ko kung paano siya manghina habang nasisinagan ng araw ang kwintas ko..
"Miyaku itakas mo na si Asher!"
Utos ko kay Miyaku..agad naman niyang kinuha ito habang naiwan ako sa loob..

Isang sandatang pamilyar ang inabot ni Supremo mula sa kaniyang silya..Hinawi niya ito sa aking kwintas na dahilan upang magapi niya ang liwanag at maihagis ako sa labas ng silid..
Bumagsak ako sa isang malaking bato..
"Mahal na Prinsesa!"

Lumapit saakin si Asher at Miyaku..

Mabilis ko silang hinawakan at ipinikit ang mga mata ko..

"Magpakita ka Sa aking imahinasyon gubat ng mga lobo"
Ramdam kong muli ang init sa aking paligid kasama ng init ng aking mga palad..

Humugot ako ng hininga pagkabagsak ko sa isang lupa..Hawak ko parin ang palad ni Asher ngunit si Miyaku hindi ko na kasama..

"Nasan si Miyaku?"
"H-hindi ko batid..."
Niyakap ko ng mahigpit si Asher ng masiguradong ligtas na siya ngunit marami siyang sugat..
"Hindi mo dapat ginawa yon!"
Madiin niyang sambit habang hinahawakan ang pisngi ko
"Ang alin? Ang iligtas ang lalaking mahal ko?"
Unti unting umukit ang ngiti sa mga labi niya..
"Hindi...Ang pananakot mo sakin"
"Ha? Tinakot ba kita?"
"Oo Caily..Tinakot mo ako ng sobra..Paano kung napaslang ka niya? Paano kung-
"Paano kung mawala ako?"
Idiniin niya ang dila niya sa loob ng pisngi niya at tumingin sa malayo..
"Paano kung hindi na kita kasama sa kasalukuyan?"
Hinawakan ko ang mga palad niya..
"Magaganap na bukas ang pagiging isang Lobo at Vampira natin..Susuko paba ako?"
Binitawan niya ang mga kamay ko at kitang kita ko ang pamumula ng mga mata niya..
"Kalaban mo ako Caily! Hindi mo ako kakampi"
Mabilis siyang nakatakbo dahil nga sa isa siyang Vampira..Naiwan ako sa Gubat kaya't mabilis akong naglaho upang habulin siya..
"Kalaban ba talaga kita?"
Naabutan ko siya sa harapan ng kaharian.
"Asher!"
Dumating na ang hari kaya't minabuti kong pumasok na sa kaharian habang sinusundan ako ng tingin ni Asher..

Ipinikit ko ulit ang aking mga mata at nagtungo sa silid ni Inang reyna..

Bumagsak ako sa kama at napahiga na lamang ako..
Mangyayare na bukas ang dapat mangyare..magiging kalaban ko si Asher ngunit papatunayan ko na hindi ako basta Bastang hinirang..Na ang mga lobo at Vampira ay may kakayahang magmahal..

"Humanda Ka Supremo! Hindi ka na magwawagi"...

Claiming the CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon