Kabanata 12: Itinanghal

16 10 0
                                    

Hailey's pov

Lumubog na muli ang araw at naririto ako sa napakalaking balkonahe sa kaharian. Nakatingin lamang ako sa malayo. Hanggang sa bumalik ang mga napaka liit ngunit napaka espesyal na ala ala ko sa kahariang ito.
"Nakakatawa ka, wala akong panahon para sa mga kasiyahan"
"Kung ganon. Bakit hindi ka sumama sa akin? At ng ating mabigyang panahon ang kasiyahan"
Pag uulit ng aming usapan ni Prinsipe Asher nung mga panahong nakasama ko siya na hindi ko akalahing hindi niya ako magawang saktan o awayin man lamang.
"Wag kang matakot, hindi kita pababayaan"
Ang mga salita niyang nanguha at tuluyang nagnakaw ng aking tiwala ng maganap ang gabi ng lagim. Ang buong akala ko nga noon ay isa siya sa mga mananakit saakin. At kundi dahil sakanya malamang hindi na ako humihinga ngayon. Natigilan ako at napahawak sa aking dibdib ng marating na ng aking utak ang pinaka ayokong linya.
"Hindi ko siya iniibig. Nais ko lamang na pagmasdan siya habang nahuhulog saakin habang ako heto, pinaglalaruan lamang siya"
Napaka raming sandata ata ang pumasok sa aking puso ng maalala ko iyon. Ang buong akala ko rin ay magiging isang tunay na kaibigan ko siya. Ngunit nagkamali ako. At hindi ko siya masisisi sapagkat naging bulag ako. Dapat sa una pa lamang batid kong walang royalty ang makikipagkaibigan sa isang Villager na katulad ko. Bumilis ang tibok ng aking puso ng marinig ko ang muling pagtunog ng kampana ng tatlong beses. Hudyat na nailabas na ng hari ang resulta at naihayad na sa mga taga gabay at iba Pang royalties ang itinanghal na bagong reyna. Agad akong tumakbo patungo sa ballroom kung saan sasabihin ang resulta. Nakita kong lumabas ng silid si Mabel kaya't hinabol ko na lamang siya
"Mabel sandali"
Nakangiti siyang tumingin saakin at hinawakan ang braso ko ng ako'y tumapat na sakanya.
"Sasabihin na ang bagong reyna, Hailey"
"Batid ko."
"Nais kong ikaw ang itanghal sapagkat ikaw ang karapat dapat"
Nauna na siyang maglakad ng aking mapansin ang pagsilip ni Mrs. Petunia mula sa kaniyang silid. Kanilabutan ako at sumabay na lamang sa hakbang ni Mabel.
"Hindi ikaw ang kokoronahan"
Pag uulit ulit ng mga salita ni Mrs. Petunia sa aking isipan. Totoo kaya ito? O nababalisa na ang matanda sapagkat may edad na siya. Agad akong natigilan at nanlaki ang mga mata ko ng tumigil na si Mabel sa paghakbang. Narito na pala kami sa Ballroom at nakahanay narin ang mga kababaihan. Kasama si Prinsesa Calliope, Prinsipe Noah, Apprentice Dona at Apprentice Faye. Tila may nawawala. Si Prinsipe Asher, Bakit kaya wala siya dito. Nagsimulang buklatin ni Prinsesa Calliope ang papel na tila siya ang pinagsabihan ng Itinanghal. Hinawakan ni Mabel ang aking kaliwang palad at nagkatinginan kami.
"Kahit anong mangyare. Magkaibigan tayo ha?"
Nginitihan ko siya ng magsimula ng magsalita ang Prinsesa.
"Binabati ko kayong lahat, sapagkat dito na nagtatapos ang inyong mga paghihirap"
Napaka lambing ng Prinsesa ngunit hindi man lang maging malambing ang aking puso sa sobrang lakas ng tibok nito.
"Ngayon ay hawak ko na ang resulta kung sino ang bagong tatanghaling reyna. At nais ko na kung sino man ito ay gampanan mong mabuti ang iyong posisyon bilang karangalan sa trono at korona ng aming ina. At ng aming namayapang kapatid"
"Namayapang kapatid" "HIhintayin ko ang iyong pagbabalik" bigla akong napatakip sa aking tenga ng paulit ulit kong marinig ang mga salitang iyon. Ano ba't ginugulo ako ng mga ito.
"Pagkatapos kong maihayag ang tatanghalin. Mananatili siya dito upang makapagpahinga. At ang iba naman na hindi pinalad ay ipababalik sa kanilang mga tahanan kasama ng iba pang mga pagkain bilang pagtamo ng utang na loob sa inyong paghihirap. Ngunit hindi lamang ang reyna ang pararangalan ngunit ang magiging apprentice niya. Oo tama nga, Kung papalarin ka ikaw ang Apprentice ng Itinanghal at pababalikin ka bukas para sa pagpapakilala sa mga royalties. Ang iba naman ay kung nais niyong bumalik dito pumasok kayo sa pagiging alipin. Sana ay inyong naintindihan"
Pagkatapos ng kaniyang sambitin ay naagaw ng aking atensyon ang napakalamig na pagdating ni Prinsipe Asher. Naka Yuko lamang siya at tila walang pakialam sa resulta ngunit na paroon lamang siya sapagkat kailangan.
"Binabati kita Jane, Ikaw ang itinanghal na Magmamana sa Korona ng aming inang reyna"
Labis akong nabigla sa anunsyo ng mahal na prinsesa. Nagsilapitan na ang mga binibini at niyakap si Jane hudyat ng pamama alam.
"Bakit siya?"
Dinig kong nagtatakang sambit ni Mabel.
"Sapagkat karapat dapat siya Mabel"
Ngumiti lang siya at sumali narin sa pagyayakapan ng mga kababaihan maliban kay Miyaku na nakataas ang isang kilay. Tila yata inakala niyang siya ang mananalo. Tumama yata si Mrs. Petunia at hindi nga ako ang kokoronahan.
"Magsilayag na kayo sapagkat magpapahinga na ang Mahal na reyna. Susunduin na lamang ang itinanghal na Apprentice bukas"
Mahirap para saamin na mamaalam ng walang maayos na paalam. Marahil kakausapin pa siya ng Prinsesa sa mga kailangan niyang gawin. Nag singitian na kaming lahat ng mapapait. Kinuha na ni Prinsesa Calliope si Jane at labis naman ang ngiti ni Prinsipe Noah. Kitang kita ang pag iibigan ng dalawa. Nag hanay na ang iba pang kababaihan. Nauna na si Ella at Fiona na naglayag. Habang nawala na lamang si Miyaku na parang bula.
"Hintayin nalang kita Hailey. Kunin ko muna ang mga gamit ko"
"Makakaasa ka"
Naramdaman ko ang presensya ng isa pang nilalang na naiwan sa ballroom kasama ko. Napatingin ako ng dahan dahan ng makita ko nanaman siya.
"M-mahal na prinsipe?"
Napaka seryoso ng kaniyang mukha at tila mangiyak ngiyak ang kaniyang mata.
Lalapit sana ako sakanya ngunit nabigla ako ng talikuran na niya ako.
"Palarin ka sana"
Pabulong niyang sabi bago siya humakbang palayo saakin. Nasaktan ko ba siya? O sadyang nag akala rin siya na ako ang magwawagi.
"Hailey tayo na. Naihanda na pala ni Apprentice Dona ang iyong mga gamit sa labas"
Napalingon ako kay Mabel. Ngumiti lamang ako ng sobrang pait. Tila nais kong tumakbo papalapit sa prinsipe at yakapin siya ng mahigpit. Tama pala siya noon. Na kung magbago ang kapalaran...Hindi na kami magkikita. Na kung magbago ang lahat at hindi ako ang maitanghal na Apprentice. Hindi na ako babalik dito maliban nalang kung mag aalipin ako.
"Hoy halika na!"
Nakalayo na pala si Mabel habang hindi ko parin batid kung hahakbang ba ako palayo o hahakbang ako pabalik sa prinsipe. Huminga na lamang ako ng malalim at humakbang patungo kay Mabel. Nagbibilang pa ako ng bawat hakbang na tatahakin ko palayo sa kaharian na ito. Akala ko hindi magiging mabigat ang paglisan ko dito ngunit parang napalapit na ako sa isang tao na hindi ko rin inasahang mapapalapit ako. Nakalabas na kaming tuluyan at nakahanda na ang mga gamit sa kalesang aming sasakyan. Napalingon akong muli sa kaharian at hindi ko na napansin ang pagtulo ng aking mga luha.
"Ayos lang yan binibini. Inaamin kong mangungulila ako sa iyong paglisan. Ngunit umaasa akong makakabalik ka bukas"
Napatingin ako kay Dona at hindi ko na lamang namalayan na niyakap ko na siya kasabay ng aking pagtangis.
"Bakit ang bigat bigat Dona?"
"Sapagkat napamahal kana Aking Binibini"
Aking binibini
Ang dalawang salita na nagpalapit ng kalooban ko kay prinsipe Asher.
"Maraming salamat sa lahat Dona. At kung ako nga ang tanghaling Apprentice. Batid kong marami ng magbabago"
"Siya nga Binibini. O sige maglayag na kayo at ng makapagpahinga kana rin"
Niyakap ko siyang muli at Agad naman siyang tinawag ni Ms. V . Kumaway siya saakin ng magsara na ang pintuan ng kaharian. Lumapit na ako sa kalesa ng mapansin ko si Prinsipe Asher sa kaniyang balkonahe. Agad naman siyang bumalik sa loob ng ako'y kaniyang masilayan. Mas lalo lamang bumilis ang aking pagtangis. Nakakainis naman at pinabibigat niya ang aking pag alis
"Tayo na Hailey. Batid kong babalik ka"
Nginitihan ko pabalik si Mabel at inalalayan na niya ako paakyat sa Kalesa. Nagsimula ng umandar ito at nagawi ko lamang ang aking tingin sa likuran habang papalayo ng papalayo ang kaharian. Paalam ng panandalian Enchantress. Kung hindi man ako ang tanghaling Apprentice, titingnan ko na lamang kung paano ako makakapasok na muli..

Asher's pov

Lumabas akong muli at wala na ang kalesa. Naka lisan na pala sila. Ano't hindi ko nagawang magpaalam sakanya. At tila may poot siya saakin. Napaka bigat na panoorin ang kaniyang paglisan ngayong nasanay na ako sa kaniyang presensya.
"Bakit ayaw mong manatili dito sa kaharian?"
"Dahil nandito ka! Hindi ko nais manatili dito sapagkat narito ang presensya mo!"
Ramdam ko ang paglabas ng mga luha sa aking mga mata ngunit pinigilan ko ito. Marahil masaya naman siya na sa wakas ay mawala na siya sa kaharian na ito at hindi na maramdaman ang aking presensya.. HIhintayin kita aking kaibigan..
"HIhintayin kita Aking Binibini"

Claiming the CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon