Hailey's pov
Gumising akong wala ang prinsipe sa aking tabi. Malinaw na ang araw At tila mabuti na ang simoy ng hangin ngunit batid kong paglabas ko ay maririnig ang mga balitang napaslang at mga taong nagsibalikan na sa pagiging magkaibigan at pekehan. Nakakatakot lamang dahil batid na nila kung sino ang mga kalaban. Saakin ay batid kong isa dun si Miyaku ngunit sino naman kaya ang nagtangkang bumaril saamin. Naalala ko tuloy ang pagbabantay at pagsama saakin ni Prinsipe Asher siya nga kayang tunay ito? O isa lamang ito sa kaniyang mga patibong. Ngayon ay batid ko na ang hindi mapagkakatiwalaang mga nilalang.
Isinuot kong muli ang mga alahas at lumabas sa aking silid, napakaraming alipin at mga sundalong nagsikalat. Ngunit natigilan ako ng makita ko si Prinsipe Asher na kausap si Logan.
"Hinahanap kita kagabi mahal na Prinsipe ang akala ko ay napahamak kana. Saan ka ba nagtungo?"
"Sa aking silid lamang."
"Kailan ka pa natutong magsinungaling mahal na Prinsipe? May nakapag sabi saakin na kasama mo ang isa sa mga napili. Umiibig ka ba?"
"Hangal! Hindi ko siya iniibig. Nais ko lamang na pagmasdan siya habang nahuhulog saakin habang ako heto, Pinaglalaruan lamang siya. Nagmamakaawa ako Logan wag mo na akong pakialaman sapagkat kaya ko ang aking sarili"
Dinig na dinig ko ang tinuran ng prinsipe bago siya lumayo kay Logan. Tama nga ako at sumasailalim lamang ako sa kaniyang patibong. Ang buong akala ko naman ay ayos na at nakahanap na ako ng isang tunay na kaibigan ngunit mali parin pala ako.
"Señorita? Nakaligtas ka?"
Halos napatalon ako sa gulat ng ako'y hawakan ni Dona.
"Oo. At humihinga pa ako"
Tumawa siya at hinila na ako palayo sa silid.
"Gaganapin na ang ikaanim na paglilitis"
Napahinga ako ng malalim at naglakad lamang na sumusunod sa yapak ni Dona. Tila ako'y nasaktan yata sa mga tinuran ng prinsipe. Ngunit bakit naman ako masasaktan? Umiibig ba ako? Naku hindi maaari.
"Magandang umaga Hailey"
Bati ni Mabel bago ako tuluyang umupo sa hapag kainan. Nasa harapan namin si Prinsesa Calliope habang mga prutas lamang ang mga nakahain sa mesa. Napatingin ako kay Miyaku na nakatingin saakin.
"Ikinagagalak ko na malaman kung sino ang taksil sa kahariang ito"
Pabulong kong wari na ikinatingin ni Miyaku saakin.
"Pinagbibintangan mo ba ako?"
"Hindi Miyaku sapagkat tiyak kong ikaw ang taksil"
"Lapastangan!"
Tatayo sana siya upang ako'y saktan o ano man ngunit hinawakan ni Prinsesa Calliope ang kaniyang braso at tiningnan siya ng masama
"Itigil na yan. Magsikain na kayo at magaganap na ang ikaanim na paglilitis"
Nagsimula na kaming kumain. Kami ang unang pareha na susubok sa tapang at lakas ni Prinsipe Asher. Tatalunin ko siya kahit pa mahina siya ngayon dahil sa mga sugat niya kagabi. Papaganahin ko ang poot na aking nararamdaman dahil sa kaniyang sinabi.
"Humayo na ang unang pareha"
Hayad ng Prinsesa kung kaya't tumayo na kami ni Mabel at sinamahan naman kami ni Apprentice Faye. Nakalayo na kami sa kusina at paakyat na ng hagdan.
"Ito ang inyong mga sandata"
Wari ni Faye habang inaabot saamin ang dalawang espadang gagamitin para sa paligsahan.
"Palarin sana kayo mga Binibini"
Ngumiti lamang kami ni Mabel at nag hawak kamay bago tuluyang pasukin ang silid ng mapaglaro at mapgkunwaring prinsipe. Pagbukas namin ng pintuan ay init lamang ang aking nadama ng akin siyang makita na malamig muli ang presensya at may hawak na sandata.
"Magandang umaga mga binibini. Halika kayo at ng makapag umpisa na tayo"
Hindi pa kami nakaka lapit ay sumugod na ako sakanya
"Lapastangan!"
Sigaw ko habang aking pilit na tinatamaan ang kahit anong parte ng kaniyang katawan ngunit masyado siyang mabilis kaya't nabitawan ko ang aking sandata.
"Tila mainit yata ang iyong ulo aking binibini"
Inilagay ko ang aking kamay sa kaniyang leeg habang nag iinit ang aking mga mata
"Wag mo akong tatawaging aking binibini sapagkat hindi mo ako pagmamay ari"
Sinipa ko siya paupo sa lupa at pinulot muli ang aking sandata. Lumapit naman si Mabel upang ako'y tulungan. Agad na tumayo si Prinsipe Asher at nagbadya muli sa isa pang paligsahan.
"Simulang muli"
Kaniyang wari. Itinutok namin ang aming mga sandata at nagsimulang labanan siya. Napakabilis niya kaya't kahit na dalawa kami ay hindi siya nagagalusan. Sa katunayan nga ay nahihirapan pa akong humawak ng sandata.
"Aray"
Dinig kong mangiyak ngiyak na sabi ni Mabel ng masugatan siya ni Prinsipe Asher sa kaniyang balikat
"Napakasama mo talaga"
Galit kong sambit at mas binilisan ang aking kilos upang labanan siyang muli. Paatras siya ng paatras kaya nahihirapan akong balansihen ang aking sandata. Naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng kaniyang sandata sa aking leeg na aking labis na ikinatakot
"Hailey!"
Sigaw ni Mabel habang nakatutok lamang ang sandata ni Prinsipe Asher sa aking leeg. Dinadahan dahan niyang agawin ang aking sandata ngunit sa halip ay itinaas ko muling ito. Sadyang napakalakas niya kaya't naiikot niya ang aking kamay patungo sa aking likuran. Hawak niya ako at nakatalikod ako sakanya ngunit nararamdaman ko ang bawat paghinga niya sa aking leeg.
"Galit kaba saakin binibini?"
Bulong niya na ikinakunot ng aking noo
"Hindi ako galit Mahal na prinsipe"
Binawi ko ang aking lakas at nagawa kong agawin ang kaniyang sandata.
"Galit na galit ako!"
Ihinawi ko ito sa kaniyang balikat at kitang kita ko ang pagtulo ng dugo nito dahil akin na pala siyang nasugatan.
"Tama na!"
Hinawakan ni Mabel ang aking braso at pinaatras ako habang napahawak si Prinsipe Asher sa kaniyang balikat na dumudugo
"Tama lang yan sayo"
Galit kong sambit sa harapan ng prinsipe
"Ano bang nangyayare sayo Hailey?"
Nagtatakang tanong ni Mabel. Hindi ako nagpatinag sa aking konsensya at lumapit ako kay Asher.
"Manggagamit ka!"
Tatalikod na sana ako ngunit hinila niya ang aking kamay na ikinatibok nanaman ng aking puso, ano bang ginagawa saakin ng prinsipe
"Sugatan mo akong muli, Binibini"
Malamig niyang sambit na ikinatayo ng aking mga balahibo
"Walang kwenta ang iyong sinasabi"
"Tigil! Hindi ka mananalo sa paligsahang ito king hindi dalawa ang aking matatamo na sugat"
Ibinaling niya ang kaniyang kaliwang balikat na hindi pa nasusugatan
"Sugatan mo ako Binibini. Dahil mas nanaisin kong masaktan sa halip na lumisan ka dito sa kaharian"
"Hindi mo na ako maloloko"
Tumingin siya saakin na tila napaka amo ng mukha
"Hindi kita kailanman niloko"
Humalakhak ako na siyang bumulabog sa buong silid.
"Mukha mo! Tapos na ang paligsahan at hindi na kita susugatan"
Hinila niyang muli ang aking braso at tila nagmamakaawa na sugatan ko siyang muli.
Sa katunayan ay ayoko siyang sugatan sapagkat hindi ko kaya. Ang sugat pa nga lang sa kaniyang kanang balikat ay bumabagabag na sa aking isipan,isang sugat pa kayang muli.
"Bakit ba napaka kulit mo?"
Tanong niya habang nakakunot ang kaniyang noo. Napakabilis ng tibok ng aking puso sapagkat magkalapit ang aming mga katawan at nakikita ko nanaman ang kaniyang mala dagat na mata.
Uminit ang aking pisngi.
"Sapagkat ayaw na kitang makitang masaktan muli"
"Hindi ka magiging reyna Binibini,kung ako'y iyong susuwayin"
"Magtitiwala na lamang ako sa kapalaran na maaari akong maging apprentice ng tatanghaling reyna"
"Kung mag iba ang kapalaran. Hindi na kita makikitang muli"
Sasagot pa sana ako ngunit tumunog na ang kampana. Tiyak na nabigo kami ni Mabel sa paligsahan. Lumabas na kami at iniwanan si Prinsipe Asher na sugatan..
"Kung mag iba ang kapalaran,hindi na kita makikitang muli"
Paulit ulit kong dinig sa aking isipan. Ginugulo lamang ako ng prinsipe.
"Señorita may galos ka"
Wari ni Faye kay Mabel na nag aalala
"Kayo ba ay pinalad?"
Tanong niya na ikinayuko ni Mabel
"Nagpatalo kami Faye. Nais ko ng magpahinga"
Malamig kong sambit at naglakad na papalayo sa hagdanan. Batid kong sumama ang loob saakin ni Mabel at marahil nais niya ring maging reyna. Ngunit tama bang nanaisin ni prinsipe Asher na masaktang muli para sa aking pananatili? O sadyang nahihibang lamang ako at patibong lang talaga ang kaniyang pinapakita saakin. Nakakatawa nga naman na ako'y gulong gulo.. Ngunit mainam na tapos na ang ikaanim na paglilitis, hindi nga lang kami pinalad, kung ano bang klaseng tradisyon na dalawang sugat ang matatamo ng prinsipe upang maihayag na kami'y pinalad. Napakahangal na tradisyon...
BINABASA MO ANG
Claiming the Crown
FantasyA happy and peaceful Castle that is know as the heart of the City turns to be the coldest and mysterious Castle that is now known "trouble in City" can a simple village girl can change the tradition?