McFloat & Fries - cathcakee

436 30 12
                                    

Bakit ba kasi napakahirap mamili sa dalawang bagay?

This or that?

Morning or evening?

Sinigang or adobo?

Angkas or grab?

In or out?

Hot or cold?

Yes or no?

Kagaya sa sitwasyon ko ngayon, Jollibee o McDo? Saan nga ba ako kakain?

Jollibee o McDo?

McDo o Jollibee?

Ang tagal ko na nagke-crave sa chickenjoy ng Jollibee, pero gusto ko rin ng fries sa McDo tapos with McFloat pa.

May chicken din naman sa McDo pero kasi, hindi yun kasing juicylicious na gaya sa chicken ng Jollibee eh. Yung fries naman sa Jollibee hindi kasing sarap ng sa McDo at isa pa, wala namang McFloat sa tindahan ni bubuyog.

Nagugutom na ako. Saan ako kakain?

Kaliwa o kanan?

Jollibee o McDo?

Aish. Bahala na nga.

“Good afternoon, ma'am. Welcome to McDonald's!” masiglang bati sa akin ng isang crew pagkapasok ko sa loob.

And as usual, ang dami na namang tao. Ang haba ng nila. Sa halos lahat ng lane ay maraming nakapila. Kung sa Jollibee kaya ako pumunta, ganito din ba ang pila?

Minsan talaga, hirap ka na nga na makapili sa dalawang bagay, kapag naman nakapili ka na biglang darating yung mga "paano", "what ifs" mo. Ang hirap no? Ang hirap panindigan ng isang desisyon.

May mga nagawa tayong desisyon sa nakaraan na hanggang ngayon, iniisip pa rin natin. Na hanggang ngayon, pwedeng pinagsisisihan pa din natin.

Napangiti ako habang iniisip ko yung mga nagawa kong desisyon noon. Lalo na yung desisyon na nagawa ko four years ago.

“Selene, open the door!”

“Talk to me, Selene!”

“Please, Selene! Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako kinakausap.”

“Selene, mahal na mahal kita! Please, let's talk!”

Sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko habang naririnig ko ang malalakas na katok ni Dion sa pinto ng kwarto ko at pati na rin ang malalakas niyang pagtawag sa pangalan ko.

Pinapanuod ko lang din ang cellphone ko habang nakikita ko ang pangalan niya sa screen nito. He's calling.

“Selene, just answer the phone! Answer my calls.”

“I'm fucking worried here, Selene. Please!”

Pero kahit anong salita niya, kahit ilang ring pa ang marinig ko sa cellphone ko, hindi ko magawang tumayo para pagbuksan siya ng pinto. Hindi ko maigalaw ang kamay ko oara kuhanin ang cellphone ko at sagutin ang tawag niya.

Wala eh. Nung mga oras na 'yon, ang kaya ko lang gawin ay umiyak.

Umiyak lang nang umiyak.

Mahal na mahal ko si Dion, we've been in a relationship for almost six months. Alam ko na saglit lang 'yon, pero hindi naman kasi sa tagal ng relasyon nababase yon diba? Kapag mahal mo, mahal mo talaga. No buts.

Sabay kaming nangarap. Ang dami. Ang dami naming gustong puntahan, ang dami naming gustong kainin na magkasama, ang dami naming plano sa buhay. We already planned the next two years of our life actually.

Memories & Regrets || SharDonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon