Au Revoir - westanshardon

414 11 5
                                    

note:

ang lahat po ng naka- italize ay flashbacks. salamat :))

- violetta, xoxo

SARAH


Year 2020

"Mukhang hindi ka mapakali, ah?"

Nilingon ko si Pam nang marinig ang sinabi n'ya.

"Bakit? Mukha ba akong haggard? Pangit ba ako?" Tumawa naman s'ya nang marinig ang aligagang tanong ko. Kinuha ko tuloy agad ang pocket mirror sa bulsa ko saka tiningnan ang hitsura ko.

"Gaga! Ang ibig kong sabihin, mukhang excited kang makita ulit si Denzel," hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang marinig ang pangalan na 'yon. Inasar tuloy ako ni Pamela at pinagsusundot ang tagiliran ko. Sinaway ko agad s'ya sa pinaggagawa n'ya.

"S'yempre. Ilang years na ba mula noong huli ko s'yang makita? Six? Seven? Hindi ko na alam. Basta masaya ako na makikita s'ya ulit," nginitan na lang din ako ni Pam, "Masaya ako para sa inyong dalawa," aniya saka nagpaalam na matutulog muna at gisingin s'ya kapag malapit nang lumapag ang eroplano sa Airport.

Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa bintana ng eroplano. Hindi ko kasi maiwasang titigan ang ganda ng kalangitan.

Isang ala-ala ang pumasok sa isip ko.

Isang ala-ala ang pumasok sa isip ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.








Seven years ago...

"Ano ba kasing tinitingnan mo r'yan, Sarah?" Naiinip na tanong ng kaibigan kong si Miles nang makita n'yang kanina ko pa sinisipat yung mga naglalaro ng volleyball na nasa loob ng Gym.

Bawal kasing pumasok ang mga hindi player kaya hanggang sipat na lang ako sa entrance.

Tuwang-tuwa pa akong hinahanap ang isang player nang bigla na lang akong matamaan ng isang matigas na bagay sa ulo. Narinig ko pa ang pag-tawag ni Miles sa pangalan ko. Napapikit ako at napakapit sa railings.

Puta. Na-alog yata ang utak ko.

Napakuyom ako sa kamao ko at kunot-noong hinarap ang isang ngisi-ngising lalaki na pa-takbo papunta sa akin saka n'ya kinuha ang bola ng basketball na s'ya pa lang tumama sa ulo ko. Mukha bang ring ang ulo ko?!

"Sorry ah? Paharang-harang ka kasi," mayabang na sabi n'ya sabay dribble sa bola ng basketball, pagkatapos ay bumalik ulit s'ya sa mga teammates n'ya.

Mas lalo akong nainis sa nangyari. Pinulot ko ang isang walang laman na bottled water saka iyon ibinato sa kanya. Napasigaw ako sa inis nang hindi 'yon tumama sa kanya, "Gago ka, Denzel! Papansin ka!"

Memories & Regrets || SharDonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon