Hanggang Dito Nalang - donnychiwa

305 15 10
                                    



Iniunat ko ang aking katawan, tumingin ako sa orasan at napabuntong hininga nang makita ang oras, 10:35pm... ilang oras na pala akong nagbabasa. out of 8 chapters na kailangang aralin sa subject na ito, nakakatatlong chapters palang ako. halos wala pa akong naintindihan sa binasa ko. Gusto kong murahin si Win Ballada dahil ang hirap na ngang intindihin ng "Conceptual Framework And Accounting Standards" parang mas pinahirap niya pa dito sa libro niya. May nakalagay pa sa front cover na Made Easy. mama mo made easy! *cries in Accounting*

Final exam na namin sa dalawang accounting subject namin sa Wednesday, kaya kahit ngayong weekend ay puspusan ang pagrereview ko. Major subject ko ito kaya hindi pwedeng papetiks-petiks lang ako. Hindi ako pwedeng bumagsak sa subject na ito dahil 'pag nangyari 'yon, Force to shift ang labas ko.

IAS 7 STATEMENT OF CASH FLOWS

Okay self, focus. Kailangan mong intindihin 'to. This is the integral part of Financial Statement tapos hindi ka masyadong marunong dito? mahiya ka naman. kaya please, focus.

Sinubukan kong intindihin ang binabasa ko pero hindi na talaga pumapasok sa utak ko lahat. Jusko bakit naman kasi ang hirap intindihin nitong CFAR made easy ni Ballada! AT BAKIT BA KASI AKO NAG BSA!???

Pupunta nalang ako sa School Lib bukas! Maghahanap ako ng libro 'yong medyo madaling intindihin. Sumasakit na talaga ulo ko dito.

Gusto ko munang irelax ang utak ko kaya naghanap muna ako ng games, tanging Solitaryo lang ang games na meron ako sa laptop ko kaya nag hanap ako sa Y8, naglaro ako ng dress up, cooking, etc. Pero wala pang 30 minutes, tinigilan ko. Parang mas na-stress ako, lalo na sa mga demanding na customers na nilulutuan ko! 'di makapaghintay? Atat na atat? Edi kayo magluto! Bwiset!

Naalala ko bigla 'yong taong takbuhan ko 'pag stress na stress na ako sa accounting. 'Pag feeling ko ang bobo-bobo ko, 'pag pakiramdam ko hindi ko na kaya... bigla ay naalala ko siya...

binuksan ko ang site na omegle, kung saan una ko siyang nakausap... napabuntong hininga ako 'nong unti-unti ay bumalik sa alaala ko ang naging una naming pag-uusap.

1 year ago...

Intramurals namin this week pero mas pinili kong magkulong dito sa kwarto ko at mag review ng mas maaga sa dalawang accounting Subject ko. Next week pa naman ang exam pero feeling ko kasi kailangan ko na magbasa ng mas maaga. And yes! Departamental Examination agad after Intramurals! Kalbaryo after magsaya! Isipin niyo 'yon!

Well, buti nalang at sumali ako sa mass dance competition na sa first-day ng intramurals ang mismong laban. Kaya exempted na ako sa attendance buong week. Sinadya ko talagang may salihan kasi 'yon ang sabi ni kuya JM, our Department president. 'pag may sinalihan ka daw sa intramurals to represent the department, matik na exempted ka na. wala ka nang fines na babayaran kahit di ka pa umattend. So talagang pinush ko na ang Mass dance kahit nangako ako sa sarili kong "No extra curricular activities" na ako ngayong college. Para rin naman sa acads ang pagsali ko (to give myself atleast enough time to review) so, Choks lang.

binuksan ko agad ang site ng Omegle at nilagay sa interest ang "MSU" "Gensan" at "Philippines" bago ko pinindot ang "text".

Pero ang tagal-tagal ko nang naghahanap ng matinong kausap ay wala pa rin akong nakikita.

wala ba talaga akong makakausap ditong matino? 'yong hindi horny, hindi attitude, hindi bata, at hindi lovelife ang hanap??? Kausap lang naman gusto ko T.T

Looking for someone you can chat with...

You both like MSU and Gensan. Say Hi!

Stranger: Hi

Memories & Regrets || SharDonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon