IKAW - charinecharm

296 17 4
                                    

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko inayos sa huling pagkakataon ang neck tie ko. Parang kinakabahan ako ah.

Handa na ako.

Sa pagbukas ng pintuan ng simbahan, nakatuon ang lahat saiyo. Para akong nanlalambot habang tinititigan ka sa puti mong gown. 'Pangarap lang natin to dati.' Napangiti ako habang nagsimula ka ng maglakad sa gitna ng altar.

Napaka ganda mo talaga.

Pagka-apak mo sa unang yapak, nagsimula ng tumugtog ang paborito mong kanta. Tila nagbalik sa akin lahat nang una tayong nag kita.

Di ako dati naniniwala sa love at first sight, not until nakita kita nun sa waiting shed ng school natin. Kilalakang mailap nuon, lalo na sa lalaki. Pero dahil makulit ako, pinilit ko namaging close tayo. Sa pagkakataon na iyon ko lang na sabi na 'Ikaw na ata'. Nuong sinabi ko ng may gusto ako saiyo, inaasahan kong ma ba-basted ako ng pagkakataon na yun. Pero laking gulat ko ng malaman kong may nararamdaman ka rin pala saakin. Sinikap kong ligawan ka ng ilang buwan at nung sinagot mo ko, walang kasukdula ang saya na naramdaman ko. Nuon ko lang nasabi na 'Ikaw ang una't huling pag-ibig ko'.

Sabay tayong nangarap nuon, na isang araw tatayo tayo sa iisang altar ng magkasama. At ang pangarap na iyon ay nag ka totoo na ngayon.

Ngumiti ka sa akin sabay sabing "Thank you Donny."

Tango na lamang ang naisagot ko bago lumagpas sa akin ang tingin mo at kinawit mo ang braso mo sa pinsan ko na magiging asawa mo na.

Ang ginawa nating pangarap nuon, iba na ang tutupad at hindi na ako iyon.

Tila lutang ako sa buong pangyayari, nahimasmasan nalamang ako ng mag palitan na kayo ng sing-sing.

".. I now pronounce you husband and wife." Napuno ng palakpakan ang simbahan.

Nag umpisahang tumulo ang luha ko kasabay ng palakpak ko. Mapait akong napangiti.

"Ikaw nuon, ikaw parin ngayon." Pinunasan ko ang luha ko bago ako lumapit papunta sainyo.

Some people are born just to meet us, not to be with us.

-The End-

-----

This is just a short one shot. Sorry if hindi ganun kaganda. Thank you for reading! You can follow me on twt @charinecharm

Memories & Regrets || SharDonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon