Dating Tayo- marupokakodonny

227 10 6
                                    

"Ayoko na.." kumakain kami ni donny ng ice cream ng bigla siyang nagsalita.

"Ha? Masarap naman tong cheese flavor ah" Hinawakan niya ang braso ko. Natapon yung ice cream sayang.

"Shar ayoko na.. etong relasyon natin gusto ko ng tapusin" Hindi ako nakagalaw at tila nabuhusan ng malamig na tubig.

"H-hindi kita maintindihan wag kang m-magbiro" Nabitawan ko yung hawak kong ice cream at pinipilit na ngumiti nagbabakasakaling jinojoke time niya lang ako.

"Ayoko na sayo tapusin na natin to... maghiwalay na tayo" Ramdam ko na ang mga luha na nagbabadyang tumulo sa mga mata ko.

"B-bakit? Ayaw mo na sakin?" Hindi siya nagsalita at tumango lang

"Akala ko mahal mo ako donny" mahinang sabi ko.

"Dati yon shar hindi na ngayon" Tinanggal niya ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya.

"Kung papalayain ba kita magiging masaya ka?" Hindi siya nagsalita pero tumango siya.

"Hindi na kita mahal sorry shar"

"Sige kung diyan ka magiging masaya kahit masakit kahit mahirap tanggapin"

Umalis siya at ako eto naiwang luhaan. Tahimik lang akong umiiyak. Masaya naman kami kahapon hindi ko alam kung bakit bigla siyang nag iba.

"Shar naman e bumangon ka na diyan di ka pa kumakain" Nakahiga ako at makatalukbong ng kumot. Pinipilit ako ni ate na tumayo at kumain pero wala akong gana.

"Wala akong gana ate"

"Ano lagi kang magmumukmok diyan kapag ba hindi ka kumain babalikan ka non? Diba hindi kaya tumayo ka na" Tinanggal ko ang kumot na nakatakip sa muka ko at tumayo.

"Mygad tignan mo itsura mo sa salamin mugtong mugto yang mata mo" Kahit naman magpaganda ako ngayon hindi rin naman na ako babalikan ni donny.

"Ate ang sakit sakit alam mo yung pakiramdam na lagi kong sinisisi sarili ko kase baka may pagkukulang ako. Ang sakit sakit sa tuwing gigising at matutulog ako umiiyak ako" Lumapit si ate sakin at niyakap ako.

"Ang sakit kase ako patuloy akong lumalaban kahit masakit pero siya sinukuan niya ako"

"Sige lang mag kwento ka lang labas mo lang sama ng loob mo" Sabi ni ate habang yakap yakap pa din ako.

"Alam mo yung mas masakit? Wala pang one month nung naghiwalay kami pero may nago na siya. Ang bigat sa pakiramdam umaasa ako na babalik pa siya. Lagi kong pinagdarasal na bumalik na lang kami sa umpisa. Hindi ko alam kung paano tatanggapin na wala na kami na hindi na siya sakin" Maya maya ng kumalma ako bumitaw si ate sa pagkakayakap sakin at hinarap ako.

"Ano nabawasan ba kahit papano yang bigat sa dibdib mo?" Ngumiti ako at tumango.

"Tandaan mo shar hindi sa lalaking yan iikot ang mundo mo. Mahirap oo pero kailangan mong tanggapin na hindi kayo para sa isa't isa. Kailangan tanggapin mo na pinagtagpo kayo pero hindi nakatadhana sa isa't isa. Kapag natanggap mo na yan masarap sa pakiramdam promise"

******

Lumipas ang dalawang taon pero siya pa rin. Dumating sa punto na gumagawa ako ng ibang acc para makausap ko siya kase binlock niya na ako non sa lahat. Hanggang ngayon nasasaktan ako kapag nakikita ko yung post niya kasama yung pinalit niya sakin sobrang sakit pa rin. Last month nung huli kaming nag usap dahil binyag ng anak nung kaibigan namin. Nakakatawa lang kase kung hindi kami naghiwalay baka may anak na din kami.

Memories & Regrets || SharDonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon