MMK: #Plot twist - jhiabanana

319 11 5
                                    

Ang programang ito ay Rated SPG, istriktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan, dahil lahat ng eksena ay puro kalandian at lahat ng mababasa niyo ay pawang katotohanan lamang.

Dear Charot,

Kung magkukwento siguro ako ng tungkol sa totga ko, ganito ang magiging kwento ko....

ah teka, handa na ba kayo?

ako hindi pa.

kasi hindi naman ako sure sa TOTGA story na 'to

pero nasaktan ako, tapos.

osige DEAR CHAROT..

bata palang ako lagi ko na nakakasama sa bawat reunion ang magkapatid na Gabriel Silvestre at Sebastian Silvestre.

kung ikukumpara ang pagmumukha ko sakanila, masasabi kong sobrang anghel ng mukha nila, sobrang perfect, samantalang ako! Bagsak! pero bat ko ba kinukumpara ang mukha ko sakanila? di naman na mahalaga. osige Dear Charot Santut eto na..

   "Ganto yung langoy palaka" lumangoy naman silang magkapatid habang pinapakita samin ng mga pinsan ko kung paano ba lumangoy langoy na kagaya non

"langoy palaka? meron non?" iritang tanong ko sa pinsan kong si Zara, napatawa naman siya at binasa ako ng tubig

"nakikita mo naman ate Jhil diba, pinapakita naman nila kuya Gabriel."

Aaminin 'ko, sa bawat reunion namin, sila ang bukod-tanging inaabangan ko.

Kung meron sigurong Samahan ng mga taong naghihintay sa pinsang gwapo tuwing reunion, tiyak ako ang Presidente nun.

   Grade 5 hanggang Grade 9 tuwing reunion walang mintis kong makita ang magkapatid na 'yon, dinadala kasi sila ng daddy nila saamin at makikisaya sila,

Lola /Mommy Lola namin ang may ari ng kilalang resort at masasabi kong yun ang rason kung bakit kami nagkikita.

February 1, 2017.

Naalala ko pa nung panahong kumakain ako sa bahay at nakigulo ang tita nya sa bahay kasama sila,

"Gab pumasok ka pakilala kayo kay Jhilian." sambit pa ni Ate Joy, yung tita niya, na bestfriend ni mama at mama ni Kass. madidinig din sa way ng pagsasalita niya ang pang aasar samin ni Gab. Pumasok naman si Gab at tumayo sa harap ko

hindi ko tuloy manguya ang manok na nasa kamay ko pa, asar!  bat ba nag-kamay ako ngayon at parang gusto pa niyang magpakilala sakin ng pormal?

 

"Godbless" bulong ko, napatigil naman ang lahat dahil sa sinabi ko.

"nagpakilala ako sayo, h-hindi ako nagmano" bulong niya, napaawang naman ang bibig ko at dali daling pumasok ng bahay at iluwa ang pagkain na muntik ko ng mabuga sa mukha niya. napahiya ako!

Nagtatawanan na sila nang bumalik ako, malas lang dahil nag aya na din silang umuwi dahil halata na sa kapatid niyang si Sebastian ang pagod at puyat, medyo malayo pa ang uuwian nila

"Mukhang crush ka ni Gab, tindi makatingin sa'yo eh!" asar ng tita ko pero nginitian ko nalang siya at pumasok nalang din ng bahay.

Buong gabi ko ata inisip 'yon, yung batang kasama ko lang mag-swimming nung grade 5 ako, isa na siyang gwapong binata na mas matangkad pa sakin ngayon. pero

kelan kaya ulit kami pagtatagpuin? Reunion? masyado pang matagal 'yon! ~


December 7, 2017.

Birthday ni Kassandra, ang kaibigan ko. Inimbitahan nanaman ako sa bahay nila at tulad ng nakagawian, 'di ko inexpect na nandoon silang magkapatid, kakatapos lang nila magplay ng instruments na kagaya ng drums at gitara. Nasabi ko na bang pinsan ni Kassandra sa father side sila Gab? ;)

Memories & Regrets || SharDonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon