43 - karma is real

397 20 2
                                    

Sinubukan ni havin na bumungon. Pero kumirot ang sugat niya sa ulo ng pwersahan niyang ginamit ang lakas.

"Aahhhh!" Napahawak siya sa ulo niya.

"Iho... Wag ka munang kumilos. Malalim ang sugat mo sa ulo. Isang malaking himala at humihinga ka pa. Matapos ng maraming dugong nawala saiyo. Akala koy hindi kana mabubuhay pa.Malayo pa ang bayan dito. Kapag dinala pa kita doon ay baka na bawian kana ng buhay. Akoy isang manggagamot ginawa ko ang lahat ng nalalaman ko sa panggagamot upang maisalba ko lamang iyong buhay iho...."

"Maraming salamat ho tatang..."

"Walang anuman... Habang ginagamot kita may pangalan kang binibigkas... Kung hindi ako nagkakamali ace ba kamo yoon?"

"Oh po..."

"Sya ba ang pinanghuhugutan mo ng lakas..."

"Siya po iyong dahilan...kung bakit gusto ko pang mabuhay."

"Ngayon alam ko na... Ang pag Ibig na nagmumutawe saiyong damdamin ay siyang nagbigay ng pag asa saiyo na kumapit at mabuhay. Ang iyong wagas na pag Ibig iho".

Hindi mawari ang nararamdaman ni havin dahil sa sinabi ng matanda parang na bigyan rin ng malaking pag asa ang malapit na niyang huminang kalooban.

"Naniniwala ho ba kayo sa destiny tatang..." Wika ni havin.

"Akoy matanda na para sa mga bagay na iyan. Pero base sa aking nagdaan. Ang destiny ay totoo. Pero sadyang ako ay marupok at nagpatalo sa mga temtasyun sa buhay bilang isang lalaki. Binitawan ko ang aking destiny sa panandaliang saya. Winasak ko ang binuo kong masayang pamilya. Hanggang ngayon pinagsisihan ko aking pagkakasala sa kanila. Hanggang ngayon nandito parin sila nakaukit sa pusot isipan ko."

"Sorry po tay sa mga nangyari sa buhay niyo..." Ngumiti lang si tatay pero makikita ang pait sa mga mata nito dahil sa mga nakaraan niya.

"Kaya ako ay humahanga saiyong katibayan ng loob para makasama mo ulit yong taong magpapasaya saiyo. Yon kasi ang hindi ko magawa hanggang ngayon naging duwag akong harapin ang aking mga kasalanan. Nilamon ako ng pride ko. Guilty sa lahat ng ginawa ko na kahit anong gawin ko sa kanila parin pala ako magiging masaya. Mahal ko sila iho. Mahal na mahal!" Tumulo ang luha ng matanda. Halata ditong nagsisisi na ito sa mga kasalanang nagawa. Nakikita ni havin na mahal na mahal niya ang iniwang pamilya.

"Tay... Kung gagaling na ako dito. Asahan niyo hahanapin natin ang pamilya mo."

"Maraming salamat iho saiyong kabaitan..."

"Pasasalamat ko po sainyo sa paggamot niyo sa akin. Salamat ho tay!" Pasasalamat ni havin sa matanda.

-------------------------------------------------------------

"Napakawalang hiya talaga niyang babae! Kahit kailan!!! Kahit kailan!!" Naiyak at Nahilamos ni ace ang mga palad sa mukha.

"Mahahanap din natin si havin ace..."

"Parati nalang may sumasabog!! Natatakot ako Kuya... Paano kung natulayan na talaga si havin!!!"

"Wala ang mga katawan nila sa kotse. Malamang may kumuha sa kanila at sigurado akong tauhan yon ni debey!!! Hindi iiwan ni debey ng basta-basta nalang si havin doon!"

"Dyos ko... Sana maayos lang sana si havin. Hindi ko na kakayanin pa kapag nalaman kong wala na siya. Mamatay ako Kuya. Mamatay ako." Humagolhol si ace. Agad naman siyang niyakap ng Kuya niya.

"Will gonna fine him... Don't worry..."

-------------------------------------------------------------

HOOKED ON YOU - BOOK II People change. But memories dont.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon