Chapter 6

35 4 0
                                    

Nagtaka siya bakit ayaw ko daw sumama. Hindi naman sa ayaw ko siyang makasama. Sa katunayan nga gustong-gusto ko. Kaso nga lang, hindi kami same ng trip eh. Iba sila, lalo na barkada niya. Mapapahamak ata ako pagsumama ako sa kanila. Diba nga may mga bisyo sila. Mga Gangster! Gwapo at cool na gangster. Yung tipong crush ng campus. Kaso nga lang naninigarilyo, umiinom, at higit sa lahat mga babaero. Parang tipong manyakis. Pero hindi naman sila lahat. Hindi naman siya ganun eh. Ang bait niya kaya.

1 week din kaming hindi nagte-text. Ang saya niya guro sa vacation nila. Habang ako busy sa school. Madaming reports at projects. Next month excited na ako. May cooking class na kasi kami. Gusto kong matututo magluto at mag-bake ng cake! Excited na talaga kaming lahat dito!

After a week, umuwi na sila galing bakasyon ng mga barkada niya. Nagtext na siya. At yun kinwento niya sakin yung ginawa nila. Nagka-sunburn daw siya sa pisngi. Tinatawanan ko lang siya kasi nga wala akong sunburn. Makulit ba yun? Di naman diba?

After nung kulitan namin. Niyaya niya akong magsimba. Pumayag naman ako pro kinabahan naman ako dun. Pagsisimba lang yun Erika hindi pa kasal! Waaah. Parang feeling ko ikakasal tuloy ako sa kanya! Feeling ko naman.

Sunday na. Naghahanap pa ako ng susuotin ko. Dapat kasi yung parang bagay din sa taste niya. Yung parang cool din gaya niya. Hanap. Hanap. Hanap. Finally!

Expect or AssumeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon