Chapter 7

37 4 0
                                    

Ryan 0948*******

Asan kana? Andito na ako sa tapat ng simbahan.

Erika 0948*******

Okay. Malapit na.

Pagkadating ko. Maraming tao. Hindi ko siya mahanap. Asan kaya siya?

Erika 0948*******

Andito na ako. Asan ka?

Ang tagal niya bago magreply. Nag-aalala tuloy ako. Baka naman hindi niya ako sisiputin? Baka pinag-lalaruan lang niya ako? Asan na ba siya? Magreply ka naman oh! Habang nakatingin ako sa cellphone ko.

Ryan 0948*******

Andito kami sa entrance ng Simbahan. Punta ka dito.

Bakit naman ako pupunta don? Diba dapat siya yung pumunta? Hindi gentleman! Habang naka-pout ako ng lips. Tapos sinong sila? May kasama siya?? Akala ko kami lang. Hmmp

Erika 0948*******

Sino kasama mo? Nakita na kita. Andito ako malapit sa likuran niyo.

Habang tinitignan ko sila. Lumingon siya at lumapit sa akin. Buti nga yun! Siya dapat lumapit no! Hindi ako! Babae kaya ako!

Dinala niya ako don sa pwesto nila. May kasama siyang lalaki. Ewan ko kung sino.

"Pinsan ko nga pala, si Vince. Actually kasama niya family niya pero nauna siyang pumunta dito. Tas ayon nagkita kami." "Vince si Erika nga pala. Kaibigan ko." Ngumiti lang ako kay Vince. Syempre nahihiya ako. Ikaw ba naman yung mag-isa ka lang tapos siya may kasama. Close nga sila eh. Bestfriend rin kasi niya si Vince. Out of place nga ako eh. Eto naman si Vince sobrang madaldal. Lagi niya sinasabi na bagay raw kami. Kinilig naman ako don! Haha. Habang kaming dalawa nakangiti lang. Smile. Smile. Smile.

Dumating ang mommy at sister ni Vince. Ayun si Vince, shinare sa buong tao sa simbahan. Pero syempre joke lang. And dami kayang tao? Hahaha Sa mommy at kapatid niya, sinabi niya sa kanila na bagay nga raw kami. Nag-agree naman sila. Napayuko tuloy ako sa hiya. Kasi naman to eh. Nakakainis pero nakakakilig. Nakakainlove tuloy kasi nga BAGAY kami! Hindi tao??

Actually. Kilala ko na si Vince. Di nga lang kami friends. Ngayon pa lang. Sikat kasi yun. Tipong crush ng campus din. Kasi nga gwapo at dancer. Ngayon ko lang siya nakilala sobrang magkasundo nga kami. Madaldal kasi eh. Minsan pag may lakad kami. Sinasama namin si Vince. Madaldal eh. Minsan nga si Ryan pa mismo yung out of place samin. Nakakatawa. (Insert Laugh Here)

Tas ayun si Vince na founder ng "Eyan" Love Team. Ikaw ba naman yung lahat ng kakilala niya na madadaanan namin sinasabihan niya na bagay raw kami. Nag-a-agree naman lahat. Lalo tuloy ako kinikilig! Eeeeh.

Expect or AssumeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon