Isang buwan na ang nakalipas. May sakit parin akong nararamdaman. May gusto parin akong itanong sa kanya. Actually, madami! Madami akong tanong para sa kanya. Hindi ako matahimik hanggat hindi ko alam ang sagot. Pero wag na. Binaon ko na sa limot lahat ng tanong ko sa kanya. Ayoko na kasi siyang makita. Bumabalik lang lahat ng sakit at katangahan ko sa kanya.
Kung tatanungin ako kung nasaktan ako? Oo ang sagot. Hindi lang bastang sakit. Sobrang masakit.
Akala ko kasi papunta na sa pagiging girlfriend. Akala ko magiging kami. Akala ko ako lang. Akala ko mahal niya ako. Akala ko. Akala ko. Kaya nga guro maraming namamatay sa maling akala.
Tama nga lang guro na hindi naging kami. Kasi simula palang ang gulo na paano pa kaya kung nagtagal pa? Okay na rin guro yun. Makaka-move on rin ang lahat. Makaka-move on rin ako. Sayang nga lang. Ang love story namin nag-end agad. Sayang.
Napaisip ako. Bakit nga ba ako nasaktan ng todo? Dahil ba hindi naging kami? Dahil ba naging tanga ako? Dahil ba binaliwala niya ako? Ako ba ang may mali? Ginawa ko naman lahat diba? Wala naman akong nagawang masama diba? Pero bakit ganun? Bakit kaya sobra akong nasaktan?
Minahal ko kasi siya ng higit pa sa sarili ko. Ang alam ko lang, mali na minahal ko siya agad. I love him with all his imperfections. But yet he doesn't know that.
Pero narealize ko. Nasaktan ako dahil din sa sarili ko. Dahil sa pagiging advance ng utak ko. Nasaktan ako ng ganito dahil hindi lang kasi ako nag-expect, nag assume din ako. So expect or assume? I think I did both.
"And the story of us looks a lot like a tragedy now. The End!"
Read more: Taylor Swift - The Story Of Us Lyrics | MetroLyrics
BINABASA MO ANG
Expect or Assume
RandomSomething I wrote from someone's experience. But with some twisted scenario. Hope you like it guys. ∩__∩