Chapter 8

27 3 0
                                    

Habang magkasama kami ni Vince at si Ryan naman ay may binibili. Nagka-usap kami. Sabi niya isang beses nagmahal ng todo si Ryan at nasaktan. Hindi raw yun umiimik kahit kanino at pumunta sa ibang bansa para daw mag-move on.

Sobra kasi daw yun magmahal kaya ayun sobrang nasaktan. Kawawa naman pala si Ryan dati. Ang sama naman nung girl di ba niya alam na mabait si Ryan kahit may bisyo at asal gangster?

Dahil dun basagolero na si Ryan. Nakikipagsuntukan kahit kanino. Nung High School daw sila hindi niya daw inuorungan yung mga College students. Pero kahit daw kawawa siya minsan, hindi raw yun basta-basta umaatras.

Nabigla ako sa sinabi niya. Tingin ko tuloy sa kanya boxer or wrestler eh. Ang wild niya pala.

Ganyan pa kaya siya ngayon? Nakakatakot tuloy. Baka naman kasi pag may madaanan kami bigla nyang susuntukin eh. Ayaw ko ng ganun! Scary!

Expect or AssumeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon