Magkasama na kami ni Erika ngayon. Bumibili siya ng materials para sa project niya. Ang dami nga naman talaga. Ako tuloy naging tagabitbit niya. Kelan pa ako nagpa-alila sa babae? Ngayon lang talaga.
Napaisip tuloy ako. "Tumutulong kana ngayon? Dati rati tinutulungam ka pa naming mag-isip kung papano mo maiiwasan yung mga chicks mo eh. Nag-iba ata ihip ng hangin ngayon?"
Nagiging mabait na nga ako dahil sa kanya. Nagbabago ako para sa kanya. Hindi ko naman gustong magbago. Bakit ko ba ginagawa to? Natatakot lang siguro ako baka hindi niya matanggap kung ano ako. Simula nung lagi ko siyang nakakasama hindi na ako gumigimik, umiinon kasama ang barkada. Siya na lagi kong kasama. Katext at laging kausap sa telepono. Gusto ko malaman bawat galaw niya. Gusto ko lagi siyang okay. Kumakain sa saktong oras. In short, gusto ko siyang alagaan! Mahal ko na ata siya eh! Tama ba tong nararamdaman ko?
May naalala ako. May sakit nga pala bestfriend ko. Magtatampo yun pag hindi ko tinawagan.
BINABASA MO ANG
Expect or Assume
RandomSomething I wrote from someone's experience. But with some twisted scenario. Hope you like it guys. ∩__∩