Sa sinabi ni Vince. Medjo nabigla ako. Sa sobrang gwapo hindi ko akalain na maraming pasa na pala ang naabutan niya dati. Pero mas nabigla ako sa sinabi ni Vince.
"Pag yan nalaman niya na sinasaktan yung mga kaibigan niya. Sinusulong nyan. Lalo na nung niloko ang kapatid niya. Naku! Malaking riot yung nangyari. Sinulong niya yung lalaki at binugbog!"
Hero ba tawag dun? Pero grabe! Ganun ba siya katapang? Ang hilig niya magtanggol ng naaapi. Si Superman ba siya? Napahanga niya talaga ako. Lagi ko ng kasama si Ryan. Sinusundo niya kasi ako after class. Ang bait niya pala. Caring at understanding. Sweet at gentleman. Yung tipong hahawakan ka lang niya para alalayan. Gaya ng pagtawid. Ang sweet talaga. Nahuhulog na puso ko sa kanya.
Minsan nga may kawawang batang babae. Nagbibinta ng popcorn sa lansangan. Alam niyo ba ginawa niya? Tinaboy niya at sinipa yung batang babae! Pero joke lang yun. Ginawa niya is bumili siya kahit di nya gusto kumain. Kinaibigan nya yung bata, kinausap niya na parang ang hilig niya sa mga bata. Na parang totoong kuya. Napahanga ako dun. Hindi ko akalain na ganun pala siya. Ang bait niya pala. Gusto ko tuloy magkapamilya na siya yung ama. Ang galing niya kasi mag-alaga eh!
Isang araw naglalakad kami. Nakasalubong namin mga barkada niya. Pinapakilala niya ako bilang kaibagan. Minsan kinukulit siya na bagay nga raw kami. Vince talaga, pakalat ng Virus! Kasi kahit saan nakakarating!
Tinatanong nila bakit daw hindi niya pa ako nililigawan na bagay raw kami. Tawa lang siya ng tawa. Nakakatawa ba yun? Bakit? May masama ba if maging kami? Or sadyang ini-expect ko lang na sana maging kami?
BINABASA MO ANG
Expect or Assume
RandomSomething I wrote from someone's experience. But with some twisted scenario. Hope you like it guys. ∩__∩