Chapter 24

22 2 0
                                    

Napalingon siya. Nabigla ata siya na ako yung nakita niya. Pinaupo niya ako sa tabi niya at binigay ko yung cake. Mukha naman siyang nasurprise. Nakahinga na rin ako ng maluwag.

"Bakit ka nandito?" tanong niya sa akin habang nakatitig siya sa monitor. "Wala. Hinatid ko lng yung cake. Diba sabi ko bibigyan kita?" habang nakangiti. "Balik ka na. Baka ma-late ka sa next class mo." habang blangko ang expression ng mukha niya.

Pinapaalis na ba niya ako? O concern lang siya na baka ma-late ako? Di man lang nag-thank you. Hmp!

"Tikman mo muna." "Mamaya na." habang nakatingin parin siya sa monitor. "Tikman mo Vince kung masarap. 1st cake ko yan na binake eh. Sana magustuhan mo." "Ang sarap! Sobrang masarap Erika! Ang galing mo naman! Pwedi kana magtayo ng Bake Shop. Ipangalan mo EYAN ha?" habang tumatawa na may cake pa sa bibig niya. Ang kulit mo talaga Vince! Pero mabuti pa pinsan niya marunong mag-apreciate. Eh siya?Ewan!

Expect or AssumeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon