Chapter 29

23 2 0
                                    

Naghintay ako ng ilang oras sa kanya. Habang naghihintay, tumutulo na pala luha ko.

Kaya pala tumitingin ang mga tao sakin. Akala siguro nila nababaliw na ako. Tama nga sila. Nababaliw na ako. Sa kahibangan ko sa kanya.

May nakita ako. Oo siya nga yun! Papalapit siya sa akin! Bumibilis ang tibok ng puso ko. Tumitigil ang oras. Nawawala lahat ng ibang tao. Siya lang ang nakikita ko. Naglalakad siya papunta sakin. Papalapit ng papalapit.

At biglang gumuho ang mundo ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga. Huminto ang lahat nang nilagpasan lang niya ako at ibang babae ang nilapitan niya.

Nakangiti siya. Masaya siya. Masaya sila. Habang ako natulala. Ang tanga tanga ko! Parang pinamukha niya sakin na wala na talaga. Hindi ko alam anong gagawin ko. Tumakbo ako habang umiiyak. Ang sakit! Ang sakit sobra!

Expect or AssumeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon