Ryan's POV
Kausap ko siya ngayon. Tinawagan ko siya. Nami-miss ko kasi yung boses niya na parang anghel eh.
Ryan: Magsimba ulit tayo ngayong sunday!
Erika: Sige! Sama mo ulit si Vince para masaya! Nagkakasundo kasi kami nun eh!
Ryan: Wag na! OP ako lage sa inyung dalawa eh! Inaasar niyo pa ako!
Erika: Hahaha. Eh sa nagkakasundo kami eh. Maging madaldal ka kasi kahit minsan lang. Para hindi kana OP at inaasar.
Ryan: Ang kulit mo! Sarap mo yakapin ng mahigpit! Nakakamiss ka!
Erika: Uyy? Gusto mo na akong yakapin ngayon? Naks! Hehehe
Ryan: Oo! Someday.
Ano ba yung nasabi ko? Pabigla-bigla! Pero totoo naman. Gusto ko siyang hakapin araw-araw. Pero kaya ko ba siyang mahalin?
Erika's POV
Whaaaaaaat? O.O Gusto niya akong yakapin! At Someday raw! Naku! Liligawan na ata ako non! Kinikilig na talaga ako! Sasabog na ata puso ko! Hindi na ako makahinga! Sobra na to! Pinapakilig niya talaga ako! Araw-araw nalang ba talaga? Pero mas grabe na talaga to! Kulang nalang sabihin niya na "Erika can you be my girlfriend?" OMG! Im sure matutulala talaga ako sa kilig! Dios ko! Siya na ba yun? Yung lalaking magmamahal sakin ng totoo at seryoso??
Waaaaaaah! Someday! Kelan kaya? Bukas? Sa susunod na araw? Kelan! Excited ako! Sasagutin ko kaya? Syempre naman noh! Tanggap ko siya kahit ano at sino pa siya. May piercing o wala. Gangster o hindi. Basagolero, may bisyo okay lang! Ganun naman pag love diba? Tatanggapin ko siya. Mamahalin ko siya. Araw-araw ko ipapakita sa kanya na andito ako. Papasayahin ko siya lage. Na-iimagine ko na tuloy maging Mrs. Perez! Handa na ata ako sabihing "Yes Ryan! I do!" Ano ba to? Advance masyado utak ko. Ang hirap tuloy makatulog dahil dun sa pinag-iisip ko. Makatulog na nga! Pikit. Pikit. Pikit.
BINABASA MO ANG
Expect or Assume
RandomSomething I wrote from someone's experience. But with some twisted scenario. Hope you like it guys. ∩__∩