ITINAPON ko ang aking cellphone sa kama. Hindi ako makapag isip nang ayos. Parang mali pa rin ang gagawin ko. It's just a simple account, a simple app.
Napalingon ako sa aking bintana. Agad akong nagtungo roon. I started to look at the sky. I sighed. Mukhang uulan dahil walang bituin ngayong gabi. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga nangyari noon. Dahil sa isang kahilingan ko, nagbago ang takbo ng buhay ko.
Others said, if you make a wish upon a shooting star, your wish will come true. For me, it is a lie.
How could a wish come true so simple?
Tahimik lang naman ang buhay ko noon. I'm just a nobody. Isang araw, pinangarap kong makilala rin ako ng iba. Sawang-sawa na ako sa buhay na palagi na lang kung sinong mas maganda, mas gwapo, mas kilala, at mas matalino ang umaangat sa buhay at nabibigyan ng importansya sa mundong ito.
Ang hirap kapag average ka lang na tao. Mas pipiliin kasi ng tao iyong "mas" sa iyo. Mas pogi, mas maganda, mas matalino, mas napapakinabangan, at mas sikat. Matagal ko ng nararanasan ito. Palagi na lang akong pinagkukumpara sa mas magaling sa akin.
How to be enough in order for them to appreciate me?
Hindi naman ibig sabihin na kung may mas higit sa iyo, hindi kana maganda, magaling o matalino. That's not it. We all have different types of beauty and imperfections and I think that is more than beautiful—just being ourselves.
Kailan kaya dadating ang panahon na tatanggapin kaming pangkaraniwan na tao ng patas?
Dumating ang araw na hindi ko inaasahan at humiling ako. I wished upon a shooting star. I want to be as popular as Margarette. Si Margarette ang pinakamaganda at pinakasikat na babae sa Raira University. Hiniling ko na maging katulad niya.
I don't like the online world. I don't have a connection at my house. Mag-isa na lang din ako sa buhay. Nagbago lang naman ang pananaw ko dahil kay Margarette. I admire her because of her beauty not because of her attitude. Palagi niya akong pinahihiya sa mga tao. Pinamukha niya akong kawawa sa harapan ng iba. Bakit daw wala akong social media accounts? Hindi raw ako karapat dapat sa Raira University dahil hindi raw ako maganda at sikat. She just said on that day that I'm a freaking loser.
Is it acceptable that Margarette brags me like that?
Kung hindi lang naman dahil sa ginagamit niyang application, hindi siya sisikat.Gustong-gusto kong nakawin ang phone niya at pakialaman ang account niya. Hindi ko lang magawa dahil ayaw kong magkasala.
Dumating sa buhay ko ang isang babaeng makakatulong sa akin para maging masayahin ulit. Tinulungan niya akong pasukin ang mundo ng online world.
I am connected to everyone.
Natigilan ako nang may dumaang bituin. Another wishing star appeared. I sighed. Isang araw nabalitaan kong wala na si Margarette. Namatay siya at walang nakakaalam ng pagkamatay niya. Dahil sa galit ko sa kaniya, agad kong kinuha ang kaniyang phone. Ilang araw itong nasa akin at tanging ang nag-iisang kaibigan ko lang ang nakakaalam.
Binuksan ko ang isang application na nagpasikat kay Margarette. Nagdalawang-isip ako kung itatapon ko ang phone niya dahil wala namang kwenta ang application na ginagamit niya.
I sighed. Muli kong pinagmasdan ang kalangitan. I smiled when I saw a shooting star. Totoo nga ata ang mahikang dala mo.
I laughed at them, before. But now, I believed in them because it is true.
Napatingin ako sa aking kama nang tumunog ang phone ni Margarette. Agad akong lumapit at kinuha ang phone niya para tingnan kung bakit ito tumunog. I received one message. Nagtaka ako sa aking nabasa.
"Ready to be connected?"
YOU ARE READING
CONNECTED (Completed)
Mystery / ThrillerSophomore student Taija Morgan (Taja) is tired of living the life of being disconnected from the world. An unexpected person came into her life that helps her to connect with the world. Her friend helps her to enter the famous yet dangerous app in t...